Marian Rivera's wish to see her father fulfilled at last

IMAGE 0


After seven years, Marian Rivera enjoyed a reunion with her father. The Darna actress and her boyfriend Dingdong Dantes flew to Spain to visit her dad, Francisco Javier Gracia (in photo, with Marian).


Ilang araw na ang lumipas mula nang dumating si Marian Rivera at ang kasintahang si Dingdong Dantes mula sa kanilang walong araw na bakasyon sa Spain. Dinalaw ni Marian ang kanyang Spanish father, Francisco Javier Gracia, na pitong taon na niyang hindi nakikita.

Sa panayam ni John "Sweet" Lapus kay Marian para sa Showbiz Central ay isiniwalat ng aktres ang kanyang nararamdaman sa muli nilang pagkikita ng kanyang ama.

"Enjoy lang ako. Happy ako kasi natupad na rin yung pangarap ko na makita yung Papa ko. Yun lang, okey na ako dun," sabi ni Marian.

Tanong ni Sweet kay Marian, ano ang naging reaction ng Papa niya na ngayon ay isa na na siyang sikat na artista sa Pilipinas?

"Isa lang ang sinabi niya sa akin, na nakumpleto ang buong pagkatao niya noong makita niya ako," sagot niya.

MEET THE FATHER. Kumusta naman ang pagkikita ng kanyang ama at ni Dingdong?

"Siguro si Dong na lang ang tanungin n'yo tungkol sa pagmi-meet nila ng Papa ko," nakangiting sagot ni Marian.

Hindi ba "naloloka" ang Papa niya na kapag nakikita sila ng mga kapwa Filipino sa Spain ay posibleng kinukuyog sila ng mga ito at nagpapa-picture?

"Oo, sinasabi niya, 'Bakit pa-picture nang pa-picture?' At saka sinabi rin naman niya sa akin na hindi importante kung ano ang status ko dito sa Pilipinas. Ang importante, e, masaya ako."

Sa Spain na rin nag-celebrate ng Valentine's Day sina Marian at Dingdong. Ayon kay Marian, nag-dinner lang daw sila.

Pero sa hiwalay na interview ng Showbiz Central kay Dingdong ay sinabi ng aktor na kasama nila noon ang ama ni Marian.

NO PAMAMANHIKAN. Tinanong din ni Sweet si Marian tungkol sa napabalita na namanhikan na raw si Dingdong sa kanyang ama sa Spain.

"Ano ba, nagpunta ako dun para sa Papa ko at hindi sa kung anu-anong bagay!" natatawang sabi ni Marian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May balita kasing may engagement nang naganap sa Spain.

"Me ganun?" tawa niya ulit. "Ano ba, hindi, 'no! At saka importante para sa akin yun, so bakit ko itatago, di ba?"

Malapit nang mapanood muli ng kanilang mga tagahanga sina Marian at Dingdong dahil sisimulan na ang shooting ng kanilang pelikula para sa GMA Films at ang taping ng Endless Love para sa Kapuso network.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN