StarStruck V First Princess Diva Montelaba: "It's not all about the title, the real competition starts after StarStruck."

StarStruck."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/21402/starstruck-v-first-princess-diva-montelaba-its-not-all-about-the-title-the-real-competition-starts-a" data-desc="Diva is happy for Steven Silva who won as Ultimate Male Survivor." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/2b6715935.jpg"> StarStruck."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/21402/starstruck-v-first-princess-diva-montelaba-its-not-all-about-the-title-the-real-competition-starts-a" data-desc="Diva is happy for Steven Silva who won as Ultimate Male Survivor." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/2b6715935.jpg"> StarStruck."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/21402/starstruck-v-first-princess-diva-montelaba-its-not-all-about-the-title-the-real-competition-starts-a" data-desc="Diva is happy for Steven Silva who won as Ultimate Male Survivor." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/2b6715935.jpg">

StarStruck."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/21402/starstruck-v-first-princess-diva-montelaba-its-not-all-about-the-title-the-real-competition-starts-a" data-desc="Diva is happy for Steven Silva who won as Ultimate Male Survivor." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/2b6715935.jpg"> StarStruck."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/21402/starstruck-v-first-princess-diva-montelaba-its-not-all-about-the-title-the-real-competition-starts-a" data-desc="Diva is happy for Steven Silva who won as Ultimate Male Survivor." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/2b6715935.jpg"> StarStruck."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/21402/starstruck-v-first-princess-diva-montelaba-its-not-all-about-the-title-the-real-competition-starts-a" data-desc="Diva is happy for Steven Silva who won as Ultimate Male Survivor." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/2b6715935.jpg"> StarStruck."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/21402/starstruck-v-first-princess-diva-montelaba-its-not-all-about-the-title-the-real-competition-starts-a" data-desc="Diva is happy for Steven Silva who won as Ultimate Male Survivor." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/2b6715935.jpg">

IMAGE 0


"Siguro from the very start of the competition, I really showed how I perform very well on stage. And performing is my first priority, as well as acting. But some say that I can also enter modeling and the beauty pageants, and I'm not closing any doors," says Diva Montelaba.


Walang anumang panghihinayang kay Diva Montelaba kahit hindi siya ang itinanghal na Ultimate Female Survivor sa ginanap na StarStruck V Final Judgment sa Araneta Coliseum last February 21. Napunta ang titulo kay Sarah Lahbati, habang si Steven Silva naman ang idineklarang Ultimate Male Survivor.

"Wala, wala. Wala talaga. Meron man sigurong sad na nangyari sa akin, hindi ko yun panghihinayangan kasi I wouldn't be here without those. So, it's worth it," pahayag ni Diva nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa press room ng Big Dome after ng event.

Para sa kanya, anong factor ang kulang kaya hindi siya ang nanalo?

"Factor? Wala akong maisip, e. Kasi kami ni Sarah, hindi na namin iniisip yun e, kung paano bini-base ang mga winners. Wala, I don't know. Siguro it's really her time to win and it's my time to be the First Princess. And it's not all about the title, the real competition starts after StarStruck. So, good luck to both of us," saad ni Diva.

Napag-usapan ba nila ni Sarah na walang samaan ng loob sinuman ang manalo sa kanila?

"Oo naman. Sa stage nga, while we're holding hands with each other, napag-usapan din namin yun. Nagbibiruan pa nga kami na, 'Balato ha?'"

Ano ang comment niya sa sinabi ng StarStruck Council member na si Direk Floy Quintos na before ay hindi raw nila nakikitaan ng joy si Diva sa pagpe-perform, pero she found that joy sa Final Judgment performance niya while singing and dancing to Lady Gaga's hit "Bad Romance" and Alexandra Burke's "Bad Boys"?

"Siguro po it's all because of my insecurities before," sagot ni Diva. "Insecurities na iniisip ko lagi na kakaiba ang kulay ko. Minsan hindi ako nae-encourage na ibigay ang best ko kaya hindi ko ini-enjoy. But now with the help of the Council, my supporters, and of course my co-survivors, pilit nilang sinasabi sa akin na, 'You're beautiful. You can do it!' Parang it helped me bring out the best in me and the joy in my performance. So, happy ako at least for my last performance in this competition, I satisfied the Council as well as the audience. Masasabi ko na ang last performance ko is really the best performance I ever did."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bilang First Princess, tumanggap si Diva ng P200,000 cash prize at exclusive contract sa GMA-7. Ano ang gagawin niya sa cash prize?

"Siguro gusto ko munang mag-rent ng condo near GMA para accessible siya. Kasi malayo ang bahay namin dito sa Tanay, Rizal. Siguro mag-i-invest din ako in my career, like yung mga damit. Tapos ipon-ipon muna. At saka ko na aabutin yung high dreams ko," sabi niya.

WILLING TO BE A KONTRABIDA. Ngayong tapos na ang kumpetisyon, saan niya gustong mag-focus? Acting, singing or modeling?

"Siguro from the very start of the competition, I really showed how I perform very well on stage. And performing is my first priority, as well as acting. But some say that I can also enter modeling and the beauty pageants, and I'm not closing any doors. So, why not? I would like to open myself to all opportunities. Kung ano ang dadating, doon ako."

Ano ang nilu-look forward niya ngayon?

"After this, siguro yung magkaroon kami ng TV guestings. Yun din kasi ang sabi sa amin. Sana mabigyan talaga ako ng opportunity na magkaroon ng regular show dito sa GMA," asam ni Diva.

May mga nakakapansin na with her looks ay puwede siyang magkontrabida. Willing ba siyang gumanap na kontrabida?

"Opo naman," sagot niya. "Actually, it's complementing. Gusto ko ring magbida pero for the past challenges, palagi na lang kasi akong umiiyak. I've been showing how I cry on TV with the scenes. So now, I wanna shift into a sexy kontrabida kasi naniniwala ako na konti lang yung artista who can play kontrabida kasi mahirap siya talaga. It's physical, emotional, mental na kailangan mo talagang gampanang mabuti. And minsan, mas lasting din ang career ng kontrabida. So, kontrabida, why not?"

STEVEN SILVA. Usually, ang mga winners ang pinagsasama para maging love team . Kaya posibleng ang maging love team ay sina Sarah at Steven. Payag ba si Diva rito, lalo na't sila ni Steven ang nili-link sa isa't isa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi puwede! Hindi, joke lang po," biro ni Diva. "Hindi ko po alam kung sino po ang gagawing magka-love team . Siguro kailangang mag-usap."

Dahil nga sa usapang love team , nakatuwaan ng PEP at ng ibang press na pagtabihin sina Diva at Steven habang ini-interview ang dalawa. Nakakatuwang pagmasdan ang dalawa na biglang nag-usap sa wika nilang Bisaya.

Ano ang gustong sabihin ni Diva kay Steven?

"For Steven, congratulations. From the very start, nakita ko talaga na gustung-gusto niya ito. Nakita ko rin kung gaano siya nahirapan. Pero willing siyang matuto. Nakita ko sa kanya yung totoong Steven. Nakilala ko siya bilang siya.

"Ang ganda ng feeling kasi magkaiba man kami ng kultura [lumaki sa States si Steven], ang bilis namin nagka-jam together. I'm happy kasi before, nag-usap kami na kahit isang regional [contestant] lang ang makakuha ng title, okay na okay na yun. Lahat ng Bisaya is happy for him." Diva is from Cebu, Steven is from Davao.

Bigla namang pinansin ng mga press kung bakit sila magka-holding hands ni Steven habang ini-interview. Napuno tuloy ng tuksuhan ang sandaling iyon. Sandaling nagbitiw ang dalawa, pero naghawak-kamay din ulit.

Bago pa ang eksenang ito ay umamin na si Steven na gusto niya pa rin si Diva hanggang ngayon. Ano ang reaksiyon ni Diva sa sinabing ito ni Steven?

"E, kasi naman gusto naman kita talaga noon pa," sabi ni Diva habang nakatingin kay Steven. "Vocal naman talaga ako na from the start of the competition na crush ko talaga si Steven."

Ano ba ang nagustuhan nila sa isa't isa?

"Ako, sinasabi ko po, totoo siya, e. Sa lahat ng bagay na ginagawa niya, totoo siya. And I haven't seen any act from him na fake. Lahat ng ginagawa niya, from small things to big things, totoo talaga. At saka masarap kausap si Steven. I find him very intellectual, matalino. Marami siyang idea na nasa utak niya na isine-share niya sa akin, his words of wisdom, na nakatulong sa akin to get me going talaga," ani Diva.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil magkatabi nga sila ni Steven, kinuha na rin namin ang panig ni Steven tungkol dito. Ano ang nagustuhan niya kay Diva?

"Kasi alam ko si Diva, she always tells me how hard it was for her living her life. So, si Diva para sa akin, she's a survivor. She survives the hardship and I really admire that. Kasi I feel she's really a hard worker. And she's really a beautiful girl," sabi ni Steven.

Nilinaw naman ni Steven na wala pang ligawang nangyayari sa kanila ni Diva. Since sinabi niyang gusto niya si Diva, posible bang ligawan niya ito in the future?

"We'll see, kasi I mean, alam ko I have to focus right now on my career. As the Ultimate Male Survivor, kailangan kong mag-focus. Siya rin kailangan niyang mag-focus sa career niya. Pero, you know, we have a closer relationship, so parang sayang if we just throw that away. So, we'll see," sabi niya.

Sa huli, hindi nakalimutan ni Diva na magpasalamat sa mga supporters nila ni Steven.

Aniya, "Daghang kaayong salamat from the both of us. Kasi hindi namin maaabot ito kung hindi dahil sa suporta n'yo. Sana patuloy n'yo kaming suportahan."

StarStruck."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/21402/starstruck-v-first-princess-diva-montelaba-its-not-all-about-the-title-the-real-competition-starts-a" data-desc="Diva is happy for Steven Silva who won as Ultimate Male Survivor." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/2b6715935.jpg"> StarStruck."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/21402/starstruck-v-first-princess-diva-montelaba-its-not-all-about-the-title-the-real-competition-starts-a" data-desc="Diva is happy for Steven Silva who won as Ultimate Male Survivor." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/2b6715935.jpg"> StarStruck."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/21402/starstruck-v-first-princess-diva-montelaba-its-not-all-about-the-title-the-real-competition-starts-a" data-desc="Diva is happy for Steven Silva who won as Ultimate Male Survivor." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/2b6715935.jpg">


StarStruck."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/21402/starstruck-v-first-princess-diva-montelaba-its-not-all-about-the-title-the-real-competition-starts-a" data-desc="Diva is happy for Steven Silva who won as Ultimate Male Survivor." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/2b6715935.jpg"> StarStruck."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/21402/starstruck-v-first-princess-diva-montelaba-its-not-all-about-the-title-the-real-competition-starts-a" data-desc="Diva is happy for Steven Silva who won as Ultimate Male Survivor." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/2b6715935.jpg"> StarStruck."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/21402/starstruck-v-first-princess-diva-montelaba-its-not-all-about-the-title-the-real-competition-starts-a" data-desc="Diva is happy for Steven Silva who won as Ultimate Male Survivor." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/2b6715935.jpg"> StarStruck."" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/21402/starstruck-v-first-princess-diva-montelaba-its-not-all-about-the-title-the-real-competition-starts-a" data-desc="Diva is happy for Steven Silva who won as Ultimate Male Survivor." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/2b6715935.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN