Karylle does not entertain suitors: "Right now, my heart is very good...."

IMAGE 0


"Hindi ako nag-e-entertain ng suitors. Ayoko muna ng bagong relationship. Right now, my heart is very good, very fit, very healthy, very inspired—especially when it comes to work, music," says Karylle.


Ilan sa mga na-link sa singer-actress na si Karylle pagkatapos ng breakup nila ni Dingdong Dantes ay ang aktor na si Jericho Rosales at ang TV host-DJ na si Sam YG. Pero mukhang wala namang katotohanan ang mga balitang nagkakabit sa kanila kay Karylle dahil ang bagong girlfriend daw ngayon ng aktor ay ang SNN reporter na si Chesca Litton. Samantalang si Sam YG naman ay inili-link ngayon sa kasamahan niya sa Eat Bulaga! na si Daiana Meneses.

Ano ang masasabi ni Karylle dito?

"Natutuwa ako kasi si Jericho is a very good friend of mine," sabi niya sa PEP (Philippine Enteryainment Portal). "Alam mo, mahirap ma-develop pag katrabaho mo ang isang tao. Ayaw maniwala ng iba pag sinasabi naming magkaibigan lang. Siyempre yung iba, feeling nila, there's something special going on. Pero magkaibigan lang talaga kaming dalawa. For me kasi, yung mga pinag-uusapan namin ni Jericho ay malalalim. Natutuwa ako sa mga advice na ibinibigay ko sa kanya and vice versa."

Nagkasama sina Karylle at Jericho sa teleseryeng Dahil May Isang Ikaw.

Tungkol naman daw kay Sam YG, o Shivaker, sinabi ni Karylle na hindi ito nanligaw sa kanya, "pero siyempre nagpapa-cute ng kaunti, mga ganun lang, biru-biruan. Alam mo naman ang mga boys, especially sa radio, mahilig silang mag-joke sa mga ganyan. Sobra ko lang siyang friend."

Aminado si Karylle na for a time ay lumalabas sila ni Sam YG. Pero nahinto na raw ito dahil sa kanilang busy skeds.

"Busy ako, busy siya. Alam mo yun, pag magbabarkada kayo, minsan magkikita-kita kayo. Pero ngayon, madalang na kasi ang dami kong ginagawa. Actually, matagal ko na siyang hindi nakikita, although yung mga friends ko dun, pag lumalalabs kami, nagkikita-kita kami minsan. Siyempre, same barkada, same circle of friends. So, minsan pag lumabas kami, nakikita kaming magkasama. So nagkaroon ng ganung koneksiyon at issue," paliwanag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


STILL BUSINESS PARTNERS. Hindi maiwasang kahit papaano ay matanong pa rin paminsan-minsan si Karylle tungkol sa ex-boyfriend niyang si Dingdong, lalo na't kagagaling lang ng aktor sa Spain kasama ang girlfriend nito na si Marian Rivera.

Pero umiwas nang magbigay ng pahayag ni Karylle. Aniya, "It's time na to move on. Ako, ayoko nang makialam sa life nila. Wala na ako sa picture na yun. Kumbaga, nag-exit frame na ako."

May usap-usapan na wala na rin daw ang business partnership nila ni Dingdong pagkatapos nilang mag-break. Pero nilinaw ito agad ng anak ni Zsa Zsa Padilla.

"Lahat ng partnership namin same pa rin and it's doing very well," sabi ni Karylle. "We have of course Centerstage on Tomas Morato and on Jupiter, Makati. We have a new room nga in Jupiter, it's called the Sala. Mayroong billiards, poker, darts... It's the ultimate party place with capacity of 100-120 people."

Ayon kay Karylle, hindi pa rin siya handang magkaroon ng panibagong relasyon.

"No, huwag muna. Hindi ako nag-e-entertain ng suitors. Ayoko muna ng bagong relationship. Right now, my heart is very good, very fit, very healthy, very inspired—especially when it comes to work, music."

Dagdag niya, "This is the first Valentine na ang dami kong nagawang concerts. I had a very successful concert with Tito Jose Mari Chan. Sobra akong na-flatter kasi sabi niya, 'You're beginning to be my favorite singing partner.' For him to say that, sobrang nakakataba ng puso."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN