Mark Escueta coaches girlfriend Jolina Magdangal how to handle criticism

IMAGE 0


"Sabi ko sa kanya, kahit anong criticism, kahit maganda pa 'yan, tingnan niya kung may laman, kung may substance. Kahit pangit, kung may sense naman, makakatulong sa kanya yun," says Rivermaya drummer Mark Escueta about the negative comments that girlfriend Jolina Magdangal gets on her new look.


Magkasamang dumating si Jolina Magdangal at ang boyfriend niyang si Mark Escueta sa 10th anniversary celebration ng YES! Magazine last Tuesday night, February 23, sa NBC Tent. Pagpasok nila ay agad silang pinagkaguluhan ng media na nag-aabang sa lobby.

Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Mark kung ano ang naging reaction niya noong una niyang makita si Jolina with her new look. Nagkaroon kasi ng malaking pagbabago sa look ni Jolina kasabay ng pagbabago rin niya ng image.

"Sobrang biased ako, siyempre," nakangiting sabi ng drummer ng Rivermaya. "Sabi ko lang sa kanya, basta enjoy mo lang ang 20th anniversary mo. Siyempre, natutuwa rin ako na nandiyan si Perry Lansigan [Jolina's new manager], sobrang supportive sa kanya at yung buong PPL [Entertainment]. Kita mo naman, sabay-sabay sila ngayon, nakakatuwa. At saka ang dami nilang projects na nakapila for this year.

"Sa mga nagugulat, yun yata ang point, e, talagang manggulat muna. Pero for the rest of the year, ang dami pang mangyayari," sabi pa ni Mark.

Ano naman ang masasabi ni Mark sa mga negative reactions and comments na nakukuha ni Jolina sa kanyang bagong look?

"Sabi ko sa kanya, parang sa music din 'yan. Hindi naman kami naging musician para ma-please lahat ng tao. So, sabi ko, importante, mahal mo ang ginagawa mo at saka nag-e-enjoy ka. Meron talagang kanya-kanyang opinion 'yan, e."

Hindi ba siya nasasaktan kapag may naririnig o nababasa siyang puna tungkol kay Jolina?

"Sabi ko sa kanya, kahit anong criticism, kahit maganda pa 'yan, tingnan niya kung may laman, kung may substance. Kahit pangit, kung may sense naman, makakatulong sa kanya yun. So, not all. Bad criticism should not affect her in a negative way," sabi ni Mark.

SA SIMBAHAN DIN ANG TULOY. Sa hiwalay na interview ng PEP kay Jolina, sinabi niyang tila ready na siya sakali mang mag-propose si Mark sa kanya any time. So, we asked Mark kung wala pa ba siyang planong mag-propose ng kasal kay Jolina?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Marami pang plano bukod dun," sagot niya. "Siyempre, hindi naman kami nagmamadali, pero yun talaga ang goal. So, I think, important yun. Madali naman sabihin, pero siyempre, lahat ng mangyayari, dapat nasa ayos. Dapat masaya lahat ng tao sa paligid namin at, siyempre, dapat prepared kami."

Si Jolina na ba talaga ang babaeng gusto niyang pakasalan?

"Oo naman...oo naman," sabi ni Mark. "Walang doubt about that. Siyempre, ine-enjoy na rin ang papunta dun. Masaya rin."

Ayon kay Mark, hindi raw nila parehong alam ni Jolina kung kailan eksakto naging sila.

"Hindi namin alam ang exact date. Parang nag-develop na lang from friendship, so more or less, one year," sabi niya.

How would he describe their time together?

"Mabilis kasi masyado, masaya," ani Mark. "Alam n'yo yung parang dumaan lang. Pareho kaming mahilig sa photography. So kapag binabalikan namin ang pictures, ang dami nang nangyari. Ang dami na naming napuntahan. Ang dami na naming occasion with her family and my family.

"Personally, masaya ako. Kasi minsan, parang mas nararamdaman mo ang bagal ng oras kasi may mga problema or may mga hadlang. Sa amin, from day one, smooth talaga."

Kung ang one-word description ni Jolina kay Mark ay "best," ano naman ang description ng drummer sa kanyang kasintahan?

"Siguro gagamitin ko yung word na 'happiness'. In the truest sense," sagot ni Mark.

JOLINA ON MARK. Nang makausap na namin si Jolina sa YES! party pa rin, sinabi niyang masaya siya na nakikita niyang palagi ang suporta sa kanya ng kanyang boyfriend.

"Alam n'yo si Mark, kapag talagang pupuwede siya, minsan nga kahit hindi siya puwede, pero kapag talagang nag-ask ako ng favor na samahan niya ako, sasamahan niya talaga ako. E, ngayon, nagkataon na maaga naman natapos ang work niya, so sinamahan niya ako. At saka gusto ko talagang date siya dito sa YES! 10th anniversary," sabi ni Jolina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang subukan naming usisain ang iba pang detalye ng kanilang love story ay nakiusap si Jolina na huwag muna silang tanungin tungkol dito. Abangan na lang daw sa mga susunod na issue ng YES! kung saan dun nila ikinuwento nang buong-buo ang kanilang pag-iibigan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN