Megan Young not yet ready to go the sexy route

IMAGE 0


"Confident naman ako that I'm not fat, I'm not skinny either. Kailangan ko lang naman, toning lang siguro, if ever. But I don't think I really need that. At this point, I think it's not really needed. I don't want to do something like that," says Megan Young about posing for sexy magazines.


Sa Sabado, February 27, ang 20th birthday ng Star Magic artist na si Megan Young. For a change, gusto naman daw ni Megan na magkaroon ng celebration. Although, wala pa raw siyang ideya kung saan niya ito ise-celebrate.

"Kung wala akong shooting on that day, magpa-party ako," nakangiti niyang sabi sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Kasi, matagal na rin akong hindi nakakalabas. So, yung mga friends ko, we'll gonna have a party. Pero wala pa talagang plans. Hindi ko pa alam kung saan kami mapapadpad."

Happy ang lovelife ni Megan at hindi naman niya ito ikinakaila sa press. Naging open siya mula pa noon na may non-showbiz boyfriend na nga siya.

"Happy naman. I just told him na kung may party ako, punta na lang siya sa birthday ko!" natatawa niyang sabi. "Well, nag-aaral din kasi siya, so medyo mahirap din for us. Kaya kapag may time kami together, yun talaga."

MEGAN PREFERS BITCHY ROLES. Kasama si Megan sa primetime series ng ABS-CBN na Rubi, kung saan gumaganap siya bilang kapatid ni Jake Cuenca. Part daw ng original character ng Mexicanovela ang role niya rito. Sila ni Xian Lim ang magka-partner dito.

"Ang alam ko, kasama talaga siya sa original, pero iniba lang ang connection niya or something. Hindi kasi ako nakapanood ng original, pero I know hindi additional yung character," sabi niya.

Biro namin, parang hindi siya masyadong happy na this time ay mabait naman ang character na ginagampanan niya. Sa I Luv Betty La Fea kasi ay kontrabida ang role niya bilang Marcela.

"Okey lang," sabay bawi niya habang nakangiti. "Siyempre, gusto ko rin naman talaga yung kontrabida, yung bitch. Pero okey lang din since for a change naman. Baka palaging isipin ng tao na bitch talaga ko. So, for a change naman. At saka ang Rubi, mahabang kuwento. So, there's a time for everybody naman."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

STARSTRUCK. Habang kausap namin si Megan ay bigla naming naalala na isa nga pala siya sa strongest contender noon sa second batch ng StarStruck, ang reality-based artista search ng GMA-7. Last Sunday lang kasi, Feb. 21, ay ginanap ang Final Judgment ng StarStruck V na nagsilbi na ring reunion ng mga sumali noon dito.

For obvious reasons, isa si Megan sa wala sa Araneta Coliseum dahil matagal na rin since she moved to ABS-CBN.

"Oo nga, e. Na-sad din ako when I learned kasi it was the time na nagkakasama-sama lahat. Nakikita mo yung mga kaibigan mo. Yung mga dati mong nakasama. It's sad because I don't get to see them anymore," sabi niya.

Given naman daw na hindi talaga siya makakarating sa naturang reunion. Hindi rin daw siya nagkaroon ng chance na mapanood ang finals/reunion ng StarStruck sa telebisyon dahil may iba raw siyang ginawa that time.

"Yung communication kasi namin [with her StarStruck batchmates], more on Twitter na lang, Facebook. Meron pa rin naman kaming contact, pero hindi lang kami nagkikita. Kasi, siyempre, may iba-iba rin naman kaming ginagawa," paliwanag ni Megan.

Masaya pa rin naman daw ang mga alaala niya kapag nagbabalik-tanaw siya during her StarStruck days. Pero hindi ikinakaila ni Megan na masaya na siya ngayon bilang Kapamilya.

"I'm really happy working here," sambit niya.

SIGWA. Bukod sa TV projects niya, Megan has also tried doing indie films since she's one of the cast of Joel Lamangan's film, Sigwa. Intended daw ito for Cinemalaya Film Festival.

"I'm a reporter here," sabi ni Megan tungkol sa kanyang role.
"Nag-e-enjoy naman ako because ang gaganda rin ng costumes namin. Astig kasi ang costumes namin, makaluma. And for movies like that na alam mo ang quality, alam mo na may depth, it's really worth it. Dalawang generation kasi. So, parang kami yung pinaka-flashback at sila yung present time."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Dawn Zulueta daw ang pinakabida sa Sigwa.

Ang maganda kay Megan, kahit na may primetime series siya, may indie movie na ginagawa, at regular VJ pa rin sa Channel V, hindi pa rin niya pinababayaan ang kanyang pag-aaral ng college sa Trinity College.

NOT YET READY TO GO SEXY. One thing lang na hindi pa raw siya ready to try ay ang mag-pose sa isang men's magazine.

"Alanganin ako.. May nag-offer but I said no," sabi niya.

Alanganin ba siya physically or alanganin siya dahil hindi lang siya kumportable?

"No naman, there's nothing wrong physically," paglilinaw ni Megan. "I mean, confident naman ako that I'm not fat, I'm not skinny either. Kailangan ko lang naman, toning lang siguro if ever. But I don't think I really need that. At this point, I think it's not really needed. I don't want to do something like that."

Ang mga-batch niya noon sa StarStruck na si LJ Reyes has agreed to pose sa FHM, gaya ng iba pang StarStruck graduates na sina Katrina Halili, Cristine Reyes at maging si Jackie Rice.

"Well, it's their decision naman. At nakita ko naman, okey naman ang kinalabasan. It's not bad. Ako kasi, mas type ko lang talaga ang mga fashion magazine, yun talaga ang mga trip ko," sabi ni Megan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN