Anne Curtis relates tension she and Sam Milby felt during their first days of shooting

IMAGE 0


"For the longest time, hindi kami nagkikibuan, may silent war pa kami, hindi kami nag-uusap. So ngayon, pag nagkikita kami sa set, nararamdaman mo talaga yung tensyon. Yung nag-aalangan. Pero because nga we're excited to work with each other, nandun yung...basta sabi ni Direk [Mae Czarina Cruz], nandun naman yung chemistry namin," Anne Curtis said on working with ex-boyfriend Sam Milby in the movie Babe I Love You

.


Nang dumating ang petsa ng birthday ni Anne Curtis last February 17, hindi raw siya nag-celebrate nang todo kumpara noong mga nakaraang birthday celebrations niya.

"Ang weird nga ng pagka-25 ko. Ayokong mag-party, ayokong mag-celebrate. Ang weird. Ang sabi naman ng mga friends ko, since they are a lot older, ganun din naman daw ang ginawa nila. Hindi na rin sila nag-party-party. So, I guess it's normal. Nagkaroon na rin yata ako ng 'quarter-life crisis,'" sabi ng dalagang aktres nang makapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa ginanap ng birthday presscon para sa kanya ng Viva Films, noong February 23, Martes, sa Steak Plus Restaurant, Timog Ave., Quezon City.

Positiveness at continous success sa TV ang tanging wish ng Fil-Australian actress para sa kanyang birthday. Wala na raw siyang mahihiling pa sa kanyang career sa TV dahil maganda naman ang rating ng Showtime na kinabibilangan niya. Halos araw-araw rin siyang nasa TV dahil bukod sa Showtime, na mula Lunes hanggang Sabado, ay nasa ASAP din siya tuwing Linggo naman.

Sa movies naman daw ang gusto niyang maging positive ang results, lalo na't gagawa siya ng pelikula with Claudine Barretto and Richard Gutierrez, at kasalukuyang nagsu-shoot din para naman sa pelikula nila ng ex-boyfriend niyang si Sam Milby.

FIRST MOVIE WITH SAM. Babe I Love You ang tentative title ng unang pelikula na magkasama sila ni Sam. May tentative playdate na itong April 2, Black Saturday. Isang promo girl ang papel ni Anne habang isang psychology teacher naman ang role ni Sam. Nag-immersion pa raw si Anne para sa kanyang bagong role upang magampanan nang maayos ito.

"Pinanood ko yung mga girls, kung paano sila... Kunyari yung sa mga mall, yung mga namimigay ng flyers, nakakatuwa nga sila yung mga nai-interview ko, sabi nila. 'Kaya ako, tanggap ako nang tanggap ng mga namimigay [ng flyers],' kasi alam daw nila yung feeling kapag ang tagal mong nakatayo, walang... Kaya nga pati ako ngayon, tanggap na rin ako nang tanggap ng flyers, kasi napi-feel ko na rin ang paghihirap nila," kuwento ni Anne kung paano siya naghanda para sa kanyang role (CLICK HERE to watch video).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Itinanggi naman ng dalaga na nagkabalikan na sila ni Sam.

"Wala talaga. I'm enjoying my being single. Sa movies lang talaga kami magkasama ni Sam," pahayag pa ni Anne. Mali rin daw ang mga tsismis na sila na uli since November last year. Makikita naman daw agad sa kanilang dalawa kung sila na nga uli ng Fil-Am actor-singer.

"Sam and I are very transparent people. Kaya nga nakikita agad kapag hindi kami okey at kapag okey kami, kitang-kita naman."

Proof daw ng kanilang pagiging transparent ay ang kitang-kitang pagtatampuhan nila noon na napanood pa sa isang episode ng ASAP, kung saan dinededma nila ang isa't isa sa harap pa ng audience at ng buong Pilipinas na nanonood ng show.

"E, aso't pusa talaga kami, and we have something you cannot take away," sabi ni Anne. "Hindi kami...lalo na si Sam, hindi siya marunong mag-lie sa public. He's very transparent also, and ako naman, I don't believe in skeletons in the closet. So, we're two very open people, just in different ways lang. Pero pareho naman kaming hindi mapagtago. Wala kaming itinatago. Kaya nga alam n'yo agad if there is something wrong."

Special pa rin daw si Sam para sa kanya.

"We've been on and off for four years, so it's something na...naku, malalaman pa ni Sam!" biglang kambiyo ni Anne sabay tawa nito.

Kumusta naman katrabaho ang kanyang ex?

"Okey naman. Wala na yung silent war namin," ani Anne. "For the longest time, hindi kami nagkikibuan, may silent war pa kami, hindi kami nag-uusap. So ngayon, pag nagkikita kami sa set, nararamdaman mo talaga yung tensiyon. Yung nag-aalangan. Pero because nga we're excited to work with each other, nandun yung...basta sabi ni Direk [Mae Czarina Cruz], nandun naman yung chemistry namin."

Wala rin daw silang agreement ni Sam kung paano sila magtatrabaho sa set ng Babe I Love You.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala, everything just fell into place. I mean, alam kong pinlano 'to nung peak ng magkaaway kami. Parang nun, sinasabi ko pa, 'Hmp! Parang ayoko namang gawin 'to!' Ito yung peak, yung mga last year pa na talagang dedmahan kami. Dun pa lang pinaplano na. But I think it's good timing na kung kelan kami naging friends na again and on a clean slate, dun nag-decide and finally natuloy. It just fell into place. It's positive."

NO TO MARRIAGE AT 25. Biro tuloy ng press, baka sa pagbabati nilang ito, matupad na ang sinabi niya noon na by age 25 ay ikakasal na siya.

"Ay! Grabe, no? Pag iisipin mo, 25?" tili ng dalaga. "Ngayon ko naiintindihan na sinasabi n'yo noon na 'Ay, ang bata mo pa nun.' Sabi ko, 'Hindi, 25, ready na 'ko.' Ngayon ko lang nage-gets yung sinasabi n'yo sa akin dati na, hindi pa 'ko ready at that age. And tama din naman. I'm obviously not ready to have children yet or to settle down.

"But hopefully in the next few years, e, mangyari. Pero wala naman talaga sa kamay ko 'yan, e. So, ine-enjoy ko na lang kung ano ang meron ako."

Isa raw sa mga inaabangan ng mga fans nina Anne at Sam ay ang love scene na mangyayari sa kanila sa pelikula. Tinanong ng PEP si Anne tungkol dito.

"Hindi pa kami nagsu-shoot. Pero kung excited ako? I'm excited na muna with working with Sam. Yun lang muna," ani Anne.

SAM'S SURPRISE. Kahapon naman, February 25, sa presscon ng Greenwich for Anne at sa model na si Kelly Misa para sa updated Pasta Supreme line ng local pizza and pasta fast food store, sinabi ni Anne na hindi pa rin daw niya alam kung ano ang ireregalo sa kanya ni Sam. Surprise daw ito't ipinangako naman ng binata na tiyak na magugustuhan niya ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi niya, 'You're gonna get it. Because of certain circumstances, I can't give it to you yet. But you're gonna get it.' He's giving it to me, Sunday, at malalaman ko raw sa Sunday kung bakit hindi pa niya maibigay. In-order niya pa raw, e," tapos ng dalaga.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN