Mark Herras keeps mum about real score with Ynna Asistio to protect her from angry fans

IMAGE 0


"Nangyari yung una, na-partner ako sa iba, nag-react ang mga tao. Inaaway nila kung sinuman ang partner ko because they only want Jen [Jennylyn Mercado]," says Mark, who co-stars with rumored girlfriend Ynna in Diva

.


Magagamit daw ni Mark Herras ang kanyang dancing skills sa Diva, ang bagong primetime series ng GMA-7 na magsisimula nang mapanood sa Lunes, March 1. Si Mark ang gumaganap sa role na Pepe Smith na kapatid ni Regine Velasquez.

Kung si Regine ay pagkanta ang talent, si Mark naman ay madi-discover na magaling sa pagsayaw. May gusto siya kay Glaiza de Castro sa serye, pero mukhang sa huli ay si Ynna Asistio na rumored girlfriend niya in real life ang talagang makakatuluyan niya.

"Ganun nga po siguro, pero, siyempre, first part pa lang po kami ngayon, kaya hindi ko pa talaga alam ang mangyayari," sabi niya.

Gusto raw niya ang bagong series kahit sabihin pang kumpara sa mga past soaps niya, hindi siya ang masasabing bida talaga dito.

"Maganda nga po ang role. Kasi, it's a romantic comedy. For me, siyempre, napagod din ako sa mga drama-drama. Ang role ko, father ako, meron akong anak. Basta ganun... may love interest pero at the same time drama. Pero ngayon, maganda ang napunta sa aking role dahil it's a romantic comedy na musical comedy, na first time kong gagawin.

"At sa mga nakuhanan naming scene, I'm happy kasi very, very light lang."

JEALOUS FANS. Habang kinakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Mark, nasa tabi niya si Ynna. Napatingin ang young actress nang sabihin namin kay Mark na hindi na kami magpapaligoy-ligoy. Natawa si Mark sabay sabi kay Ynna na kumain na muna ito.

Sinabi namin sa kanya ang reaction ng mga tao, na bakit pa nila kailangang ipagkaila ang kanilang relasyon gayong obvious naman daw na sila na talaga?

"Well, wala naman kasi kaming aaminin. And if ever na dumating sa point na ganun, ano naman, kasi for me, like with my past relationship, palagi kong ino-open. Nagiging public property ang relationship na nauuwi rin sa wala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, if ever man na dumating sa time na we're both happy na in what we have... bakit ko pa ilalantad sa buong tao? What for, di ba?"

PROTECTIVE. Sa kanyang pananalita, mukhang plano na niyang huwag maging open sa publiko kung may magiging girlfriend siya.

"I'm just protecting Ynna right now, at her age kasi. Before, nangyari yung una, na-partner ako sa iba, nag-react ang mga tao. Inaaway nila kung sinuman ang partner ko because they only want Jen [Jennylyn Mercado].

"Well, hindi natin sila masisisi kasi, gusto nila ang team-up na yun. Pero, di ba, they should grow naman. Kasi like Jen, before naman Diva comes out, si Jen meron nang ginagawa, di ba?"

Feeling niya ba na unfair sa part niya iyon dahil siya ang lalaki?

"No, not being unfair naman. Pero siguro, it's about time na rin na matanggap na rin ng ibang fans na hindi puwedeng habambuhay, Mark-Jen lang ang puwedeng magtrabaho. Like kami, parehas kami tumatanda. Bakit naman ang ibang love team, love team sila for a very, very long time, tapos biglang nawawala. At least kami ni Jen, binabalik kami, di ba?

"So, yun lang... Alam ko na marami ang magre-react, pero, for me sana, they enjoy the show na lang....

"Sa akin naman kasi, walang problema kahit na sinong i-pair sa akin. At lalong walang problema kung kami pa rin sa susunod na projects ni Jen."

"HUWAG YAYABANG." Si Mark ang pinakaunang StarStruck UltimateMale Survivor. Marami na ang nangyari sa kanya mula noon. At noong nakaraang Linggo, ikalimang batch ng StarStruck nga ang itinanghal na mga bagong Ultimate Survivors.

Nang tanungin namin kung choice niya rin ba ang mga napiling winners, nangiti lang si Mark sabay sabi ng, "No comment."

Ang tanging masasabi niya ay, "Congratulations and dapat pahalagahan nila kung ano yung nakamit nila for StarStruck. At ang payo ko nga sa kanila, tulad ng ipinayo ni Tito Joey [de Leon] before sa batch namin, tapos na sila in dreaming, believing. Ang kailangan nilang gawin ngayon ay mag-survive sa mundo ng showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Marami... maraming kabataan ang gustong malagay sa puwesto nila ngayon. So, dapat pahalagahan nila yun. And huwag silang yayabang."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN