Carl Crystle delos Reyes is Miss Southeast Asia 2010

IMAGE 0


Carl Crystle delos Reyes bagged the Miss Southeast Asia 2010 title last March 7 in Singapore. As in most pageants, the candidates competed under the following categories: ramp, long gown, interview, and national costume.


Nagwagi ang representative ng bansang Pilipinas sa Miss Southeast Asia 2010!

Sampung bansa ang naglaban-laban para sa titulo at tinalo ng ating pambato na si Carl Crystle delos Reyes ang mga bansang Singapore, Malaysia, Thailand, Myanmar, Indonesia, China, Korea, Laos, at India—na isa lamang ang invited participant dahil hindi ito bahagi ng Southeast Asia.

Bumalik ng bansa ang 20-year-old Pinay, may dalang one thousand Singaporean dollars, trophy, crown, at sash. Kasama sa kanyang napanalunan ang all-expense-paid trip sa Singapore sa March 2011.

Ang naturang pageant ay may apat na divisions: Miss Southeast Asia 2010, Ms. Teen Singapore, Mrs. Singapore, at Elite Mrs. Singapore, na para naman sa mga ginang na 60 years old and above.

Napili si Crystle ng mga organizers ng Singapore dito sa Pilipinas through the recommendation of her manager Ferdz Custodio ng Artistudio.

March 5 noong lumipad patungong Singapore ang dalaga na tubong Biñan, Laguna. Mga dalawang araw din ang ginugol niya, pati na ang ibang mga kandidata, sa rehearsal. March 7 naganap ang mismong pageant.

BB. PILIPINAS TITLE NEXT YEAR? Among our beauty queens, mga idol ni Crystle sina Lara Quigaman, 2005 Miss International; Miriam Quiambao, First Runner-up sa 1999 Miss Universe pageant; at Ruffa Gutierrez, na Second Princess sa 1993 Miss World 1993. Hinahangaan niya ang beauty ni Ruffa, ang poise and grace ni Miriam, at ang pagiging ismarte ni Lara.

Next year, balak sumali ni Crystle sa Bb. Pilipinas. Aniya, "Pagka-graduate ko po sa October, maghahanda na po ako ng preparations sa pagsali sa Bb. Pilipinas."

Sa ngayon, target ni Crystle na pag-ibayuhin ang kanyang "communication skills, socializing with people, and ramp skills." Enrolled sa John Robert Powers ang beauty queen at dalawang taon na siyang nagsasanay dito.

Hinahasa rin niya ang kanyang singing voice, although "dancing po talaga ang talent ko."

OTHER PLANS. Sa kabila ng mga planong ito, tuloy pa rin ang pag-aaral ni Crystle. Tourism student siya sa Dela Salle University, Dasmariñas, Cavite.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

In fact, nakatakdang lumipad ulit si Crystle sa March 14 patungong Virgina, U.S., para sa kanyang on-the-job training (OJT), na tatagal ng apat na buwan. Pinakamatagal daw ito na panahong mawawalay siya sa mga mahal sa buhay.

"Malungkot po, pero kailangan po dahil requirement sa school. Pero excited rin po ako dahil kakaibang experience naman ito, at siguradong marami akong matututunan," sabi ni Crystle.

Pagkatapos ng kanyang graduation sa October, gusto raw niyang magtrabaho sa isang cruise ship dahil mahilig siyang mag-travel.

At kung mabibigyan ng chance, nais rin niyang maging artista.

Nang tanungin siya kung sino sa mga local actors ang hinahangaan niya, "Angel Locsin at Jake Cuenca" ang kanyang isinagot.

Dugtong niya, "Mukha pong napaka-down-to-earth ni Angel. Si Jake naman, gusto ko po yung bad boy looks niya and his red lips."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN