Roxanne Guinoo confirms she'll get married next year and that she's pregnant

IMAGE 0


"We don't consider this as a big mistake. We consider this as a big blessing, na itong batang ito magiging...magsisimbolo ito ng pagsasama namin until the end of time. Magandang pagsasama, mahirap, lahat. Lahat nandito. Ito yung nabuo sa panahong nagdaan sa amin na away-bati, problema-saya, still, nandito and ibinigay ni Lord," says Roxanne Guinoo about getting pregnant before marriage. Photo shows Roxanne with 20-year-old boyfriend Angelo at the premiere nig


Sa wakas ay binasag na ni Roxanne Guinoo ang kanyang pananahimik tungkol sa mga naglabasang isyu sa kanya na nailathala sa mga pahayagan nitong nagdaang linggo. Ito ay kaugnay ng umano'y magpapakasal na raw siya sa kanyang non-showbiz boyfriend at ang balitang buntis si Roxanne.

Sa ekslusibong panayam ni Boy Abunda kay Roxanne na ipinalabas sa The Buzz kahapon, February 28, ay kinumpirma mismo ng aktres na may katotohanan ang mga isyung ito. Totoong siya ay magpapakasal na at totoo ring siya ay buntis.

Gayunpaman, nagpaliwanag din siya para mabigyang-linaw ang ilang maling espekulasyon at mga naisulat gaya ng isang DOM (dirty old man) daw ang kanyang mapapangasawa, nabuntis daw siya at nagpa-abort, nagde-demand daw ang kanyang mommy ng house and lot sa boyfriend niya, at marami pang iba.

HIBERNATION. Dahil nga matagal nang hindi napapanood si Roxanne sa telebisyon at hindi ito lumalabas para magpa-interview, tungkol dito ang kaaagad tanong ni Boy sa kanya. Ito bang hibernation na ito, is a choice?

"Hindi naman po. Siguro nung time naman na nawala ako, may iba ring rason kung bakit nagkaganun. Siguro nagkaroon lang sila ng...nagkaroon lang sila ng taong masisisi. Ito ngang boyfriend ko," panimula ni Roxanne.

Napipikon ba siya kapag sinasabing kaya niya hindi ginawa ang proyektong ito dahil pinagbabawalan siya ng kanyang boyfriend?

"Siguro po kasi kung pinagbawalan din ho ako, ang higit na tao na pagbabawalan niya sa akin yung mga ex [boyfriend] ko na makatrabaho ko. Yun na po ang pinaka-worst na aayawan niya sa gagawin ko," sagot ni Roxanne.

Pero hindi niya ginawa ito?

"Hindi niya po ginawa."

Is this your happiest moment?

"Opo," mabilis na sagot ni Roxanne.

Masayang-masaya ka ngayon?

"Opo. Kaya nga minsan iniisip ko, yung mga tao parang why can't you just be happy for me, di ba? Masaya ako, e, pinipilit n'yo akong hinihila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang sabihin ni Boy na maganda siya ngayon at tama ang timbang, kaagad namang nagsabi si Roxanne kay Boy na itanong na ang tungkol sa buntis issue dahil excited na raw siyang sagutin ito. Pero mamaya na raw muna ito kaya sandaling nabitin ang mga manonood sa magiging pahayag ni Roxanne.

Sabi pa ni Roxanne, "Now na. Yun ang bottomline nito, Tito Boy!"

THE NON-SHOWBIZ BOYFRIEND. Ayon kay Boy, bago ang buntis issue ay gusto muna niyang makilala ang non-showbiz boyfriend ni Roxanne na si Angelo. Binalik-tanaw pa ni Boy kung paano siya ipinakilala ni Roxanne kay Angelo last year sa New Year's party ni Joy Lim, ang negosyanteng involved sa charms and crystals. Aniya pa, nakita na niya ang saya ng aktres noong pagkakataong iyon.

Ang tanong tuloy ni Boy, "From that time na ipinakilala mo si Angelo hanggang ngayon, ano ang mga pagbabago sa iyong buhay?"

"Maraming naitama sa buhay ko, sa totoo lang po... sa trabaho ko. Mas nabibigyang halaga ko rin yung work and yung sarili ko, pamilya ko."

Sino ba si Angelo?

"Buhay ko na rin po siya talaga e," sagot ni Roxanne. "Isa lang siyang simpleng tao. Para po sa mga taong...akala kasi nila matanda. Siguro well-off lang din yung pamilya niya, hindi man ganun katodo. Ako naman po bilang Roxanne, bago ako nag-artista, may negosyo rin po ang pamilya ko. Mabubuhay ho ako kahit hindi ako mag-artista."

May mga taong nagsasabi na matanda kasi gusto ni Roxanne ang mayaman na boyfriend?

"Yun po ang laging sinasabi nila."

How old is he?

"Twenty!" natatawang sagot ni Roxanne. "He is young. Three years po ang tanda ko sa kanya."

Sabi ni Roxanne, may family business daw sina Angelo, bagamat hindi sinabi ng aktres kung anong business ito.

FIRST MEETING & COURTING STAGE. Paano sila nag-meet?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Common friend po," sabi ni Roxanne. "And then parang wala, e, dumaan lang siya sa condo ko. Sabi ko, 'Naku, huwag na, may ginagawa ako. May lakad kami.' Sabi sa akin ng friend ko, 'Sige na, crush ka talaga niya.' Kapatid actually ni Joy Lim yun. So, yun ang common friend namin. And then, siyempre, wala pa naman pong attraction noong first meeting. Till we met the second time. And then he started texting me na, calling me. Nagpapa-cute na ako. Puwede naman, e, single naman ako. I deserve to be happy. Why not, di ba?"

Paano nanligaw si Angelo? Maregalo ba ito? Niligawan din ba ang mommy niya?

"Friendship po muna kasi nag-start, e. Until nakakatunog na kami, naku, type ako nito, type ko rin siya!" natatawang kuwento ni Roxanne. "Very parang bagets. Until yun na po, punta na kaming Cavite. And yung effort naman po na ibinigay niya sa family ko, nararamdaman ko naman po na, 'A, importante pala ako.' Hindi lang siya masyadong masalita. Pero importante ka. Especially, grabe rin yung pagmamahal sa akin ng pamilya niya."

How about sa kanyang family?

"Sobrang pampered na pampered siya," sabi niya.

Nagkaroon ba sila ng formal agreement na sila na?

"Siguro yung unang kilig na naramdaman ko, Tito Boy, nung nasa Boracay kami. Work ko naman ito. Dinala ako doon sa may [sand] castle na nakalagay ang name niya. Nakalagay 'I miss you.' Ang haba ng hair ko! Feeling ko, ang ganda-ganda ko. E, nasa Manila siya. Yun pala, may barkada siya na doon nagwo-work [sa Boracay]," kuwento ni Roxanne.

Gaano na sila katagal magkasama at magkakilala?

"Magti-three years na po, 2008 ko siya nakilala."

ANSWERED PRAYER. What's happening in your life nung siya ay dumating?

"Ano, e, nasa peak pa ako noon na hindi ko pa alam kung ano ang gagawin ko sa buhay ko. Katatapos lang ng trabaho ko. Parang dun ko lang na-feel yung nae-enjoy ko yung single life with my single friends. Until parang feeling ko, bakit walang nagmamamahal sa akin? Minsan tinatanong si Lord, 'Lord, parang ba't nangyayari ito sa buhay ko? Puwede bang bigyan Mo ako ng sagot.' Siguro ang naging sagot Niya, feeling ko, nung dumating sa akin si Angelo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sino ang mas seloso—siya ba o si Angelo?

"Kilala n'yo naman akong magselos. Ako! Oo naman, ako! Yun talaga ako, e!" natatawang pag-amin ni Roxanne.

Hindi ba seloso ang boyfriend niya?

"Marunong ding magselos. Pero hindi ako nagpapatalo sa pagseselos. Ako ang winner sa pagseselos. Ganyan naman ang nagmamahalan, e. Siyempre, ayaw mong mapunta itong taong ito sa iba."

WEDDING ISSUE. Noong isang linggo ay nauna nang i-announce ni Boy sa SNN (Showbiz News Ngayon) na mag-aasawa na nga si Roxanne at magpapakasal. Nagkaroon ng iba't ibang reaksiyon ang mga tao, pati ang mga fans ni Roxanne. How did people react to her?

"Buntis, yun yun. Buntis ka."

Yun ba ang tinatanong agad ng mga tao sa kanya kaya siya magpapakasal?

"Opo."

February 2009, isang espesyal na regalo mula kay Angelo ang ini-reveal ni Roxanne.

"Last year po kasi he gave me this ring," sabi ni Roxanne, sabay pakita ng suot niyang singsing. "Birthday ko po yun. When I turned 23, binigyan niya ako. So, akala ng mga tao, 'Naku, engagement na yata 'yan!' Hindi naman. Kinabahan ako. Di ba pag nagbibigay ng singsing, hala. Di ba pag babae ka, yun na yun. Hindi pa pala."

One year after that special ring, isang mahalagang pangyayari sa kanilang relasyon ang ibinahagi ni Roxanne. Dito na sinagot ni Roxanne ang isyu tungkol sa pagpapakasal. Totoo bang siya ay magpapakasal at mag-aasawa na?

"Opo," pagkumpirma ng young actress.

Kailan sila magpapakasal?

"Early next year."

Hindi raw sila puwedeng ikasal ngayong taon dahil na rin sa pamahiin tungkol sa sukob na kasal. This year din kasi ay ikinasal ang kapatid na babae ni Angelo.

"Sister po niya. Mali nga po yung balita, e, lumabas kasi na kapatid ko. Pero originally po talaga ang gusto niya 2011," sabi niya.

THREE MONTS ON THE FAMILY WAY. Paano nag-propose si Angelo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi po yung kagaya ng iba na... Siguro dahil may mga sitwasyon kami ngayon na medyo gumugulo sa amin. Yung ibang tao, hayan, nagkakalatan ang mga isyu. Mas naramdaman ko po yung importansiya dahil kailangan na natin inaano, e..."

Kaya napilit na rin si Boy na itanong kung totoo nga bang buntis si Roxanne?

"Opo," kinikilig na sagot ni Roxanne. "And kami naman po, we don't consider this as a big mistake. We consider this as a big blessing, na itong batang ito magiging...magsisimbolo ito ng pagsasama namin until the end of time. Magandang pagsasama, mahirap, lahat. Lahat nandito. Ito yung nabuo sa panahong nagdaan sa amin na away-bati, problema-saya, still, nandito and ibinigay ni Lord."

Ilang buwan na siyang buntis?

"Twelve weeks," sagot ni Roxanne.

THE PROPOSAL. May formal proposal ba si Angelo ng pagpapakasal?

"Meron po. Sa problema na kumakalat, hindi namin alam kung paano ia-announce. Mali ito sa paningin ng tao, nauna ang bata. Sa amin, hindi. Paningin ko, lahat ng babae dream na mauna ang proposal. Pero hindi ko na po ine-expect na magpo-propose pa siya. And then, sinurprise niya ako. So, mas naramdaman ko na napakaimportante ko nga talaga sa buhay niya, na hindi ito gagawin dahil kailangan dahil may bata. Gagawin pa rin natin ito dahil gusto natin."

Paano yung proposal?

"Dinala nila lang po ako doon sa garden nila. And then may cake. Sarado lahat ng ilaw. Pagbukas ng ilaw, 'Will you marry me?' Iyak lang ako nang iyak. Parang feeling ko, napakaespesyal ko namang tao para sa ganitong sitwasyon."

Nang tanungin ni Boy kung may engagement ring bang ibinigay si Angelo kay Roxanne, hindi na sumagot ang aktres bagkus ay ipinakita na lang nito ang suot niyang singsing.

FAMILY'S REACTION. Pagkatapos ng proposal, sino ang una nilang sinabihan?

"Una na po talaga pamilya, mga pami-pamilya po namin. Umuwi po ako ng Cavite right after."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang reaksiyon ng kanyang pamilya?

"Nakatunganga sila. Siyempre, parang bothered lahat kami, e. Hindi namin alam. Nung nalaman kong buntis, ano na ang gagawin ko? Paano ko ito ia-announce? Kahit sa mga managers po namin, hindi ko... Kina Mr. M [Johnny Manahan, head of Star Magic], parang natakot akong sabihin. So, parang iisa-isahin ko ito," saad ni Roxanne.

How did she break the news about everything sa kanyang managers?

"Sila po yung... Bukod sa magulang ko, si Ms. Mariole [Alberto] po ang una kong sinabihan. And eventually, sasabihin niya naman po yun kay Mr. M. And hindi po sila na-disappoint. And hindi naman po ibig sabihin nito, sabi nga nila, goodbye showbiz. Hindi po totoo yun. Hello, showbiz!" aniya.

Kailan niya nalaman na buntis siya?

"January, mga siguro po pa-Feb [February] na rin po, e."

Nung nalaman niya na buntis siya, ano ang naging reaksiyon niya?

"Naiyak po ako," sagot ni Roxanne. "Hindi po dumaan sa utak ko na patayin yung bata dahil unang lumalabas sa mga ano [diyaryo] na nagpa-abort daw."

Umiyak ka dahil natuwa ka ba, natakot ka ba, kinabahan ka?

"Kinabahan ako, paano ko ito gagawin. Pero masarap yung pakiramdam na, 'Ay, kaya ko palang gumawa ng baby na magiging proud ako na 'eto yung anak ko na naging bunga ng pagmamahalan namin.'"

BREAKING THE NEWS TO ANGELO. Paano niya sinabi kay Angelo na buntis siya?

"Tinext ko lang siya. Hindi siya sa akin tumawag, sa ate niya. 'Ate, totoo?'" natatawang sabi ni Roxanne. "At least now, tatlo na kami. And then magiging masaya na yung family niya and sa amin. Ako po kasi, sobra akong mahilig sa bata. Alam niya na paglabas nito, alam niyang magiging masaya ang bata kasi mamahalin ko nang todo."

Ang mommy niya, ano ang reaksiyon?

"Iyak lang nang iyak. Nagulat lang siya. 'Ang aga naman,' sabi niya. Siyempre, lahat naman ng magulang, 'Bakit napaaga? Sana kasal muna.' Ang lagi ko lang sinasabi, hindi po talaga nagkulang ang mga magulang ko sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DEFENDING HER FAMILY. Sa dami ng naisulat, saan talaga siya napipikon?

"Masakit kasi pag pamilya ko na yung sinasaktan ng iba," sabi ni Roxanne.

Ang mommy niya raw ay nagde-demand ng house and lot sa kanyang mapapangasawa. Totoo ba ito?

"May sarili po kaming bahay at lupa. Bago pa ako nag-artista, may negosyo rin ho kami. Nung nag-start po akong magtrabaho, ang kinikita ko para lang sa sarili ko. Hindi ho sila nagde-demand. Ang nanay ko po at ang tatay ko, napakabubuting magulang. 'Eto nga na ganitong nangyari sa buhay ko, ni hindi ko naramdaman ang galit nila," pagtatanggol ni Roxanne sa kanyang mga magulang.

Ano ang dasal niya?

"Nagpapasalamat ako na hindi ako pinapabayaan ng mga taong aakalain kong...pamilya ko nandiyan. Si Angelo, mas hinarap niya yung buhay na kaming dalawa magkasama. Umaasa ako na maging masaya ako. Nakasakit din ako. Ang lagi kong hinihiling, sana hindi ito maulit dahil ibang buhay na itong haharapin ko. Siguro mas magiging mabuting artista ako, mas mahusay, mas mabuting tao, magiging mabuting anak, magiging mabuting ina sa magiging baby ko."

MESSAGES. Sa mga taong hindi nakakaunawa, ano ang nais niyang sabihin sa kanila?

"Hindi naman po ako kriminal. Hindi ko ho pinatay ang bata. Nandito ho kaming dalawa [ni Angelo], haharapin ito. Siguro maraming taong naiintriga, sino ba talaga 'yan? Simpleng tao lang sila, simpleng pamilya. Nagsisikap din sila sa buhay para mabuhay. Mahal ako, mahal ang pamilya ko. Lahat naman tayo we all deserve to be happy."

Ano ang mensahe niya sa mga taong nagmamahal sa kanya?

"Strength ang nakukuha ko ho talaga sa kanila. Excited sila for the baby. Excited sila for the wedding. And naramdaman ko yung sayang iyan sa mga totoong taong nasa paligid ko."

Isang araw, mapapanood ito ng magiging baby niya, ano ang nais niyang sabihin sa baby niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naku, ngayon pa lang nagso-sorry na ako sa kanya. Kung anuman yung mga pagkakamali ko sa buhay, iga-guide ko na talaga siya kasi ayokong masaktan siya kung paano ako nasaktan dati. Tutularan ko ang ginawa ng nanay ko. Sobrang thankful ako na dumating siya sa buhay ko. Buo ang pamilya ko. May nagmamahal sa akin. Buo ako bilang tao. So, walang kulang sa buhay ko ngayon."

Mensahe niya para kay Angelo.

"Ayokong mangako pero hangga't nabubuhay ako, hangga't nagmamahalan kami, wala na siyang dapat ikatakot, e. Buo ang pamilya naming dalawa. Wala nang puwedeng tumibag sa amin. Ngayon pa na may baby kami."

May maikling mensahe din si Roxanne para sa mga taong naghihintay sa kanyang kumpirmasyon.

"Ngayon, narinig na ng lahat ang hinihintay nila. So, wala na siguro silang dapat hanapin pa," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN