Kristel Moreno heaves a sigh of relief after the premiere of her launching film

IMAGE 0


"Sobrang kabado ako kanina bago ang showing ng movie, pero masaya na ako ngayon. Maganda naman ang story at maayos naman ang kinalabasan ng pelikula. Nagawa naman lahat ang work namin nang maayos," says Kristel Moreno about her launching movie, Pitas.


Successful ang premiere night ng pelikulang Pitas, ang launching film ni Kristel Moreno, na ginanap sa SM North EDSA Cinema 6 noong Biyernes, February 26.

Masayang-masaya si Kristel sa naging pagtanggap ng mga tao sa kanyang unang starring role.

"Dati puro supporting roles lang ang ginagawa ko. Ito po talaga ang launching film ko," pahayag ni Kristel nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) after the premiere.

Dagdag niya, "Sobrang kabado ako kanina bago ang showing ng movie, pero masaya na ako ngayon. Maganda naman ang story at maayos naman ang kinalabasan ng pelikula. Nagawa naman lahat ang work namin nang maayos."

SEXY SCENES. Masaya rin daw ang baguhang artista dahil nakatrabaho niya si Sid Lucero, who plays her leading man in the film directed by Joey Romero. May kissing scene at love scene pa sina Kristel at Sid sa Pitas, kung saan naging daring ang baguhang artista dahil naghubad siya bagamat wala naman siyang frontal shot showing her breasts.

"Masarap katrabaho si Sid dahil magiging comfortable ka sa mga eksena ninyo kahit na sexy ang eksena kasi inalagaan niya ako, kasi sanay na siya sa mga eksenang ganoon. Sobrang masaya ako dahil siya ang napili para maging leading man ko," wika niya.

How did she feel nang malaman niya na si Sid ang magiging leading man niya?

"Siyempre, sobrang masaya ako kasi siyempre marami na siyang awards sa mga indie films. Tapos kasama pa sa movie sina Bembol Roco at Ms. Rio Locsin, so napa-wow talaga ako. Parang sobrang suwerte ko naman na sila ang makakasama ko sa launching movie ko."

Wala ring problema kay Kristel ang sexy scenes na ginawa niya sa movie.

"Ang tinitignan ko naman talaga ay yung kuwento. Hindi naman ang unang tinitignan ko ay kung ano yung ipapakita ko pagdating sa mga maseselan na eksena. Para sa akin, importante talaga yung istorya at saka kung talagang kailangan ng sexy scene, I think natural naman talaga ito sa ganitong klaseng pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tungkol naman doon sa mga maseselang eksena, nasa istorya naman po 'yon kaya ginawa namin ni Sid. Hindi naman basta ginawa 'yon for the sake of the love scene. Nasa istorya naman talaga. Wala naman problema sa akin kung may love scenes. Kung nasa istorya naman at 'yon ang ikagaganda ng kuwento, willing akong gawin," saad ni Kristel.

Wala rin naman naging problema sa Star Magic ang pagtanggap ni Kristel nang daring role na ito sa Pitas.

"Tinanong naman nila ako kung okey sa akin ang role. Kung hindi naman okey sa akin, hindi rin naman nila ito tatanggapin. Pero okay rin naman sa kanila, e, di ituloy din natin. Sayang naman ang project," sagot ng Star Magic talent.

STAR MAGIC TALENT. Masaya raw si Kristel sa pag-aalaga sa kanya ng Star Magic.

"Okay naman dahil hindi naman po ako nawawalan ng project. After ng isa, mayroon na agad kasunod. Full support din sila kasi kahit na indie film itong Pitas, they made sure na okay ang role ko tapos tumulong pa sila sa promo," sabi niya.

May natanggap na offer si Kristel to do a new movie, pero hinihintay pa raw nila ang sagot ng handler niya from Star Magic kung tatanggapin nila ang offer. Okay lang kay Kristel kung sexy role uli, although wish din niya na ibang klaseng project naman ang ialok sa kanya para maipakita naman ang kanyang versatility.

"Sana iba't ibang roles naman ang ibigay sa akin para ma-try ko naman lahat ng klase ng role," sabi ni Kristel.

Aminado ang sexy newcomer na medyo may konti siyang kaba dahil ipapalabas na ang Pitas. "Pero confident naman ako that things would turn out well," aniya.

Nanghihinyang lang si Kristel na hindi nakadalo sa premiere night ng Pitas ang tita niya na si Ms. Alma Moreno. Busy raw kasi ngayon si Alma sa kampanya dahil tumatakbo itong konsehala sa ParaƱaque.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ever since naman nakasuporta siya sa amin kasi marami kami na nag-aartista. Masaya kasi part na talaga ng buhay namin ang pag-aartista. Tumawag siya sa akin and she congratulated me dahil may launching film. Sobrang sarap ng feeling," lahad niya.

Hindi pa raw alam ni Kristel kung ano ang plano sa kanya ng Star Magic dahil ayaw naman daw niya magtanong. In fairness naman daw ay binibigyan naman siya ng project ng Star Magic. Hindi raw siya nawawalan ng show.

Sa ngayon ay regular siya sa ASAP XV kung saan naipapamalas niya ang husay niya sa pagsayaw. Todo sayawan daw sila sa ASAP kaya mas lalo siyang nahahasa sa pagsayaw. Iba raw ang feeling niya kapag siya ay sumasayaw. For a short time ay naging member ng SexBomb Dancers si Kristel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN