Jericho Rosales neither confirms nor denies rumored relationship with TV personality Cesca Litton

IMAGE 0


Jericho Rosales (main photo) is now being linked to TV personality Cesca Litton (inset). But when asked if there is indeed something going on between them, the actor refused to talk about it.


May mga lumbas na reports sa ilang mga pahayagan na nagsasabing may bago nang pag-ibig ang aktor na si Jericho Rosales. Ito ay sa katauhan ng TV personality na si Cesca Litton, lady reporter ng SNN (Showbiz Ngayon) at dating host ng TV5 show na Philippines' Scariest Challenge.

Madalas daw kasing makitang magkasama sina Jericho at Cesca. Minsan na ring naibalita sa PEP Alerts na nakita sila sa parking lot ng isang mall.

Sinubukan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na hingan ng pahayag si Jericho tungkol sa pagli-link sa kanya kay Cesca at kung ito na nga ba ang bagong nagpapatibok ng kanyang puso matapos ang relasyon nila ni Heart Evangelista. Pero naging maingat si Echo sa pagbibigay ng mga pahayag dahil, aniya, he wants to keep his personal life private.

"So that I can enjoy my private life, that whenever you see me, you see me as a new person," paliwanag ng aktor. "I respect my followers. I also respect my family, my loved ones, especially my son. I also want to respect the family of whoever is involved with me, especially if they're not from show business.

"I don't think mamasamain siya ng iba. Everybody is entitled to their own opinion. I'm not saying na marami akong kalaban. I'm protecting lang peace. I'm a private property. I serve people. In a way, I see myself as a servant. Ako, I really, really appreciate it. My friends from the industry respect me and my decision."

Dagdag niya, "Now, I'm happy, relaxed, and it's a genuine happiness. I can say that someone is making me happy."

LEARNING FROM PAST RELATIONSHIPS. Ang desisyon ba niya to keep his current relationship discreet ay dahil naging bukas ang mga relasyon niya noon at ito ang lesson that he's applying now sa kanyang bagong relasyon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"No regrets naman," sabi ni Jericho. "Ako, in my past relationships, I learned to value people. Kumbaga, kung sino ang dumaan sa buhay ko, naging importante silang bahagi ng buhay ko and I learned from them. In a way, kung anuman ang natapos sa akin, I learned something from them. So, nakatulong talaga sila ng malaki sa akin.

"Ako, I don't hate anyone. Wala akong grudges sa puso ko. I appreciate everyone in my life. Kung gusto ko mang maging pribado ang buhay ko ngayon, yun ay para sa ibang tao na mahalaga sa akin."

Nang kumustahin namin kung may communication pa sila ng ex-girlfriend na si Heart Evangelista, "hindi" ang sinagot sa amin ni Echo. Pero aniya, "I think Heart is okay. Nag-birthday siya last February 14, hindi ko na siya grineet. I don't wanna talk about her, out of respect na lang for her, sa personal niyang buhay. But I'm a friend if she would consider me as one and I consider her as a friend also," saad ng 30-year-old actor.

MOVIE WITH KC. Nasimulan na ang shooting ng bagong pelikula ni Jericho kung saan makakasama niya ang mag-amang sina Gabby at KC Concepcion. Si Jericho ang makakatambal dito ni KC, pero sinabi ng aktor na hinding-hindi siya mai-involve romantically kay KC. Out of respect na rin daw ito sa kaibigan ni Echo, si Piolo Pascual na balitang nanliligaw ngayon sa dalaga.

"I don't think this is a loveteam, team-up in a way. If you look kasi at KC, hindi siya yung para sa loveteam-loveteam," sabi niya.

Dagdag ni Echo, "Right now, I'm preparing for the movie. Hindi kami masyadong nagkakasama pa ni KC 'cause lagi siyang wala sa bansa. Sa personal life, ako, wala talaga akong interes na manggulo or anything but to work with her. Siyempre, I'm thrilled and excited."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN