Pops Fernandez is hoping that her next relationship would be "the right one"

IMAGE 0


"Na-realize ko na kapag nagmahal ka, siyempre kapag hindi nag-work, parang ang pangit naman kapag hindi ka nasaktan. Parang ang ibig sabihin, kapag hindi mo mahal, you just really wasted your time," says Pops Fernandez.


Pops Fernandez remains single. 'Yan ang sinabi ng Concert Queen nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) bago siya umalis noong nakaraang 10th anniversary celebration ng YES! sa NBC Tent.

Kahit noong Valentine's Day, after daw ng concert nila ng ex-husband niyang si Martin Nievera, One Amore Time, she just spent the remaining hours of the day with her two boys, Robin and Ram.

"Wala talaga, promise!" natatawang sabi ni Pops. "At saka kayo pa, ang titinik n'yo, kapag meron, nakakaamoy agad kayo!"

Dagdag ni Pops, hindi raw siya nag-e-entertain ng suitors at hindi rin siya nakikipag-date.

"No, none yet... Parang I want to take my time. I didn't wanna rush it because wala lang...parang I really wanna take my time now," diin niya.

Hindi naman daw siya napagod magmahal after several failed relationships, the last of which was with Jomari Yllana. Pero na-realize din ni Pops na ganun lang talaga sa isang relasyon.

"Life is really like that," sabi niya. "Sometimes it works, sometimes it [doesn't]. Sometimes it's meant to be, sometimes it's not. Siyempre, hindi mo rin naman maaalis na hindi porke't na-in love ka, yun na yun. Hindi rin naman ganun.

"Pero as much as possible, I wanna rest first and enjoy my single life again, which I tremendously enjoy doing. Sobrang okay with my kids. I get to spend time with my friends and my family. I like it. Parang wala lang...masarap pala."

Nagka-trauma ba siya?

"Hindi naman," sambit ni Pops. "Pero na-realize ko na kapag nagmahal ka, siyempre kapag hindi nag-work, parang ang pangit naman kapag hindi ka nasaktan. Parang ang ibig sabihin, kapag hindi mo mahal, you just really wasted your time."

Pagkatapos ng relasyon nila ni Jomari, masasabing okey na sila ngayon. Kaya ang tanong, bakit parang ang dali lang niyang magpatawad?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi nga, I figure na kapag hindi naman talaga swak, e, di hindi," sagot ni Pops. "Parang ganun lang ang life. Parang mas pangit na galit ka. Ako kasi, ayoko ng... As much as possible, ayoko ng may galit sa tao. Parang mas mabigat. Hindi lang para sa kanila kung hindi para rin sa akin. Mas okey yung magkakaibigan kami. Tutal, may pinagsamahan naman kami."

JOMARI YLLANA. At what point yung nasabi niyang napatawad na nga niya si Jomari?

"Yun yung okay na 'ko. Kailangan okay ka, di ba? Wala lang, it just happened. One time yata nagkita kami. Dito rin yata yun [NBC Tent] by accident. Sa tingin ko, okay naman ako. So, okay naman ang feeling ko. Hindi na masama ang loob ko. Hindi na ako sad or whatever. So I guess, why hold on to anger and pain kung okey ka naman?" saad niya.

Nagte-text o nag-uusap na ba sila ulit ni Jomari?

"We're getting there," sagot ni Pops. "Siyempre, it's a slow start. We're not constantly texting. He doesn't constantly text me. But I guess when he needs something, he knows that he's free to text me."

Ano ang naaalala niya kay Jomari?

"Okay lang, happy times. I guess that's the best way to remember a person, di ba?"

Kahit nakailang failed relationships na si Pops with showbiz guys, she's not closing the possibility na taga-showbiz pa rin ang susunod niyang makakarelasyon.

"Hindi ka naman puwedeng magsalita ng patapos. Ayoko namang kainin ang sasabihin ko. Kasi ang problem diyan, kung ano lang ang circle mo, yun lang usually ang nakikita mo, di ba? Pero sana, as much as possible, from another world or from another planet naman!" tawa niya.

Dagdag ni Pops, "Siyempre, gusto mo rin that the next one is kinda the right one, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN