Ryan Christian Recto is more interested in politics than showbiz

IMAGE 0


At 13, Ryan Christian Recto is beginning to take interest in politics just like his famous parents. When asked what course he plans to take up in college, the son of Batangas Governor Vilma Santos and former Senator Ralph Recto said "political science and law."


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang anak nina Batangas Governor Vilma Santos at former Senator Ralph Recto na si Ryan Christian sa ipinatawag na presscon ni Mother Lily Monteverde para sa mag-asawa. Ginanap ang presscon sa Imperial Palace Suites kagabi, March 3.

Smart, diretso, at seryoso kung sumagot si Ryan sa aming mga katanungan.

Grade 7 na si Ryan Christian sa De La Salle-Zobel at graduating na this March. Kapag dumating na ang panahon na tutuntong na siya sa kolehiyo, anong course ang gusto niyang kunin?

"I am interested in political science and law," sagot niya.

Gusto rin ba niyang maging politician?

"Why not?"

Papasukin din ba niya ang showbiz?

"Yeah, why not? But like what my mom always tells me and I always say, studies first."

Showbiz o politics?

"More on politics for me, more on politics. Why? Because I'm more interested in politics than on being an artist."

Mahirap ba na parehong politician ang kanyang mga magulang?

"No, its not hard. Hindi naman, no."

Ano ang advantage na parehong pulitiko ang kanyang mga magulang?

"They help me in my Social Studies subject in school. I ask them about current events, and they help me in my homework, and they teach me."

Mama's boy or Papa's boy ba si Ryan?

"Both. I am very close to both, equal."

Hindi naman daw siya spoiled kahit very close siya sa kanyang parents.

"They give me rewards when I have good grades."

Bakit dapat iboto ang kanyang ama sa May 2010 elections?

"He would be a good senator," maikling sagot ni Ryan.

Kumusta naman bilang kuya ang half-brother niyang si Luis Manzano?

"He's a good brother, he teaches me values."

Nag-away na ba sila?

"Well, when I was young, yeah, when I was young. But now, not anymore."

Ano naman ang masasabi niya sa pagbe-break nina Luis at Angel Locsin?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"That's actually their choice."

Nababaitan daw si Ryan kay Angel kaya okay sa kanya if ever magkabalikan ang kuya niya at ang aktres.

Sino ang mas guwapo sa kanila ni Luis?

"We're both the same."

Very proud naman si Ryan dahil nang gabing 'yon ay parehong nanalo ang mommy at kuya niya sa Gawad Tanglaw. Si Governor Vi bilang Best Actress at si Luis bilang Best Supporting Actor for the movie In My Life. Kaya nga isa raw sa mga pinakapaborito niyang pelikula ito.

"Coz both my mom and my brother are in the movie. It's a great movie," sabi ni Ryan.

Noong bata siya, ano ang paborito niyang pelikula ng mommy niya?

"My favorite movie of my mom when I was young...well, until now, is Darna. It's one of my favorites."

Dahil magkakatorse pa lang si Ryan sa March 29, wala pa raw siyang mga crush sa showbiz. Pero ilan sa mga nagagandahan siyang aktres natin ngayon ay sina Anne Curtis at Angel Locsin, na incidentally ay parehing na-link sa Kuya Luis niya.

"There are many pretty actresses in showbiz," sabi ni Ryan.

Ano ang gusto niyang matanggap na regalo mula sa parents niya sa birthday niya on March 29?

"Well, it's up to them... Well, I want a book. I still want to read the book Percy Jackson and the Lightning Thief."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN