Michael V: "I don't have a lot but I'm satisfied with what I have."

IMAGE 0


"Ang konsepto ng show is to give hope, na huwag kayong mawalan ng pag-asa. Pero hindi naman sinasabi na lotto lang ang paraan para ikaw ay maging successful. Marami pa, siyempre. Pero kapag nabigyan ka ng isang pagkakataon, what do you do? You make the most out of it," says Micahel V about his first sitcom, Pepito Manaloto.


Sa tinagal-tagal na rin namang lumalabas sa TV ng ace comedian na si Michael V ay ngayon lang pala siya magkakaroon ng isang sitcom. Ito ay sa pamamagitan ng reality-sitcom ng GMA-7, Pepito Manaloto, na magsisimula na sa March 20. Ang Pepito Manaloto ang papalit sa timeslot na iiwan ng Bitoy's ShoWWWtime na hinu-host ni Michael V.

"Yes, ito ang first sitcom na pinagbidahan ko. Kasi dati, nagge-guest lang ako, nagpi-pinch hit lang ako. So, hindi talaga legitimate na sitcom. So, I'm very excited," sabi ni Bitoy (palayaw ni Michael V) sa presscon ng Pepito Manaloto kagabi, March 4, sa 17th floor ng GMA Network Center.

IT'S NOT ALL ABOUT LOTTO. Napag-alaman din ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Bitoy na matagal na raw pala niyang konsepto ang Pepito Manaloto.

"Matagal na, ngayon lang nabigyan ng pagkakataon. Tumatakbo pa ang Bitoy's Funniest Videos, nagawa na namin ang konseptong ito," banggit niya.


Base pa lang sa title ng Pepito Manaloto, malalaman nang may kinalaman ito sa pagtaya sa lotto. No wonder na ka-tie up ng show ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

"Actually, dun nag-take off," sabi ni Bitoy. "Sa pilot episode makikita niyo na very prominent yung role ng lotto kasi dun umikot ang istorya, e."

Ibig bang sabihin nito ay ineengganyo nila ang mga manonood na tumaya sa lotto?

"Not necessarily," sagot niya. "Pero ang konsepto ng show is to give hope, na huwag kayong mawalan ng pag-asa. Pero hindi naman sinasabi na lotto lang ang paraan para ikaw ay maging successful. Marami pa, siyempre. Pero kapag nabigyan ka ng isang pagkakataon, what do you do? You make the most out of it."

In real life, tumataya ba siya ng lotto?

"Ako? Hindi!" natatawang sagot ni Bitoy. "Hindi nga ako marunong, e. May ano ako, e... I may sound masyadong righteous, pero ang feeling ko, kapag hindi ako tumaya, dinaragdagan ko ang chances ng iba na manalo. Pati sa mga raffle. "

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Biniro namin siyang mayaman na kasi siya.

"Hindi!" tawa naman niya. "Hindi yun...wala akong masyadong hawak. I don't have a lot but I'm satisfied with what I have. I'm comfortable. Kung yun ang paraan para makatulong na rin sa iba kahit papaano, yun na lang ang gagawin ko or hindi ko gagawin."

END OF SHOWWWTIME. Nakaramdam ba ng lungkot si Bitoy nang magtapos na ang Bitoy's ShoWWWtime?

"Hindi naman," sagot niya. "Kasi lahat naman ng ginagawa kong project, alam kong may definite ending. Ito ngang Pepito Manaloto, believe it or not, hindi pa umeere ang pilot, nakaplano na ang ending.

"Meron kaming konseptong ganun, pero hindi mo siyempre pababayaan nang ganun. Siyempre, ang objective mo, mapataas ang rating, mas tumagal. Pero inevitably, kapag dumating na ang panahon na kailangan mong tapusin, nakahanda ka. Hindi yung pagdating ng panahon, e, bigla na lang mawawala sa ere, hindi mo natapos nang maayos."

BITOY'S PERSONAL CHOICE. Bukod kay Michael V, kasama rin sa cast ng Pepito Manaloto sina Carmina Villarroel at Manilyn Reynes na handpicked mismo ng premyadong comedian.

"Hindi lang ako, e. Binigyan ako ng choices ng GMA kung sino yung tingin ko ganito...nagsa-suggest din ako. Tapos, inaano namin yung merit ng bawat artista, bawat gaganap, and we came up with the decision na si ganito ang kunin sa ganito, sa ganyan. Hand in hand kaming pumili. Mahirap din kasing gumawa ng script na hindi mo alam kung sino ang gaganap. So, habang isinusulat namin, dapat may idea ka na kung ano ang kakayahan ng artistang ito."

Gaano siya ka-hopeful sa bago niyang show?

"Very!" mabilis niyang sagot. "Hanep ang sagot, e, 'no? Well, kasi hindi pa nagagawa. So, nang makita namin ang chance, we grabbed the opportunity. Baka maunahan pa ng iba, kumalat pa. Maganda kasi yung ikaw ang nagki-create at hindi ka nag-i-imitate."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natuwa naman si Michael V nang malaman niyang he was chosen as one of the 25 Most Influential Men of the Decade ng FHM magazine, na magkakaroon ng celebration sa March 11 sa NBC Tent.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN