Angel Locsin excited to work with Aga Muhlach and John Lloyd Cruz

IMAGE 0


"Hindi naman kailangang laging nasa TV ka. Exposed ka nga, pero hindi naman ganun kagaganda yung projects mo, parang sayang lang ang gagawin. Dito, sobrang nag-e-enjoy talaga ako. Kahit medyo matagal yung paghihintay ko, okey lang kasi worth it talaga yung mga projects na excited talaga akong gawin," says Angel Locsin.


After her first two-year contract with ABS-CBN ended, Angel Locsin signed up for another two years with the Kapamilya network. Under this new contract and with a new manager, Ethel Ramos, Angel's first two projects will pair her with premiere ABS-CBN stars Aga Muhlach and John Lloyd Cruz.

"Nakaka-two years na pala ako sa kanila. Parang ang bilis ng mga pangyayari. Heto pipirma uli ako para masimulan na yung movie ko with Kuya Aga and yung teleserye namin ni John Lloyd," banggit ni Angel nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Naging kuntento at masaya naman daw si Angel sa mga proyektong ginawa niya sa unang dalawang taon niya sa ABS-CBN. Nakagawa siya ng dalawang teleserye (Lobo at Only You) at isang pelikula (Love Me Again) para sa Star Cinema, bukod pa rito ang ilang TV guestings gaya ng ilang episodes sa drama anthology na Maalaala Mo Kaya.

"I can say na dito [ABS-CBN] ako nakilalang aktres," deklara ni Angel. "Dati pag mga awards night, hindi naman ako tinatawag. Tapos dito, kahit papaano natuto akong mas maging serious ka sa craft mo. Basta ako, mahal ko ang trabaho kong ito.

"Tuturuan ka rin nila na maging patient talaga. Kasi hindi naman kailangang laging nasa TV ka. Exposed ka nga, pero hindi naman ganun kagaganda yung projects mo, parang sayang lang ang gagawin. Dito, sobrang nag-e-enjoy talaga ako. Kahit medyo matagal yung paghihintay ko, okey lang kasi worth it talaga yung mga projects na excited talaga akong gawin."

JOHN LLOYD & KOKEY. Isa na rito ay ang fantaserye niya with John Lloyd, at masayang ikinuwento ni Angel ang matitinding preparations na ginagawa niya para rito.

"Di lang kasi siya basta-basta acting workshop kasi isa siyang fantasareye. Di siya normal na acting lang, basta may twist sa story na kailangan ng workshop sa acting. Tapos martial arts, harness at kung ano pa ang i-request ng director namin," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa rin sa nakalinyang gagawin sana ni Angel ay ang Kokey@Ako, pero may usap-usapan na hindi na raw matutuloy dito ang aktres.

"Actually sa Kokey, hindi ko talaga alam kung ano ang nangyari," sabi ni Angel. "In-ask na rin ako ng management na kailangan ko nang simulan yung movie namin ni Kuya Aga, tapos yung sa amin ni John Lloyd.

"Hindi ko alam kung kasama pa ako sa Kokey. Parang sayang lang kasi gusto kong makatrabaho si Direk Wenn [Deramas] saka si Vhong [Navarro], pero siyempre kailangan ko ring sundin ang management kung ano ang nakasulat sa timetable nila."

NEW MANAGER. Kinumusta rin namin kay Angel ang relasyon nila ng bago niyang manager na si Manay Ethel at kung may komunikasyon pa sila ng dati niyang manager na si Becky Aguila.

"Okey naman kami ni Manay Ethel," sagot ni Angel. "Nagsisimula pa lang kami, parang getting-to-know stage pa lang kami. Pero so far, okay naman kami. Very honest, professional... Open naman sa akin si Manay. Kumbaga, wala pa naman kami nagiging problema. She's very motherly, napakabait.

"Kami naman ni Tita Becky, nagte-text kami, pero di pa kami nagkikita. Wala namang issue sa amin."

LUIS MANZANO. Sa naunang panayam kay Angel ay sinabi niyang pinahihinto na niya ang sobra-sobrang effort ng ex-boyfriend niyang si Luis Manzano para magkabalikan sila. Pero sa hiwalay na panayam ay sinabi ni Luis na hindi siya nadi-discourage lalo pa't gusto niya ang ginagawa niya. Sinabi rin ni Luis na gusto niyang bumawi sa mga naging pagkukulang niya kay Angel. (CLICK HERE to read related story.)

"Okey naman kami ni Luis, nag-uusap naman kami," ang reaksiyon dito ng aktres. "Ang sa akin kasi, wala pa akong dapat sabihin sa kung anuman, kasi kami ni Luis, we're okay, we're happy. Siguro ibigay n'yo na lang sa amin yun. Kung magiging kami, magiging kami. Pero hindi naman kami nagmamadali, hindi naman kailangan na maging kami agad. Wala kaming itinatago. Hindi ganun kadali ang mga bagay-bagay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Regarding diyan sa nagsisisi daw siya sa mga naging pagkukulang niya," patuloy niya, "as much as possible kasi hindi namin pinag-uusapan yung past. To be honest, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

"Ako, ayoko ng sobrang effort kasi ako yung may problem, ako naman yung hindi ready. Kasi kahit mag-effort nang mag-effort yung tao na hindi ako okey, mag-aaway lang kami. Ako, ayoko ng ganun, kawawa naman siya. Si Luis, hindi naman nawawala yun sa puso ko. Kung gaano siya ka-special noon, ganun pa rin siya sa akin. Kumbaga, kailangan lang namin ng space," paliwanag ni Angel.

HELPING FRANCINE. Marami naman ang natuwa sa tulong na ibinigay ni Angel at iba pang mga artista sa aktres na si Francine Prieto, na ang ina ay may sakit na colon cancer. Isa kasi si Angel sa mga nanguna sa pagkakalap ng donation para makatulong sa medical expenses ng ina ni Francine.

Pero ani Angel, "Lahat ng kasama sa industriya, tumulong naman, hindi naman kami nahirapang mag-ask ng tulong. Actually sila Anne [Curtis], sila Luis [Manzano], Diana [Zubiri] ang nagsimula. Kasi hindi naman ako kasama sa grupo nila, pinasok nila ako, tapos nagtulong-tulong kami. Kulang pa. Kailangan maka-one million, kailangan pa rin namin ng suporta ng mga tao kasi hindi ganun kadali ito."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN