Judy Ann Santos neither confirms nor denies that she's pregnant

IMAGE 0


"I am so happy na marami ang nag-aabang. Marami ang nagte-text. Marami ang masaya for us. Pero gaya nga ng sinabi ko, sasabihin naman namin. Hindi naman kami kailangang ma-pressure sa mga sagot, di ba?" said Juday.


Na-corner ng host ng Startalk na si Butch Francisco ang aktres na si Judy Ann Santos sa ginanap na Gawad Parangal ng Urian. Ito ay kaugnay sa balitang nagdadalang-tao na raw ito.

Simula nang pumutok ang balitang buntis na raw si Juday, hindi pa ito nagsasalita o nagbibigay ng anumang kumpirmasyon kung totoo ba ito o hindi.

So, totoo ba ang balita, ang unang tanong ni Butch.

"Na ano? Ha ha ha!" ang sagot naman ni Juday.

Na ikaw ay nagdadalang-tao na?

"I am so happy na marami ang nag-aabang. Marami ang nagte-text. Marami ang masaya for us. Pero gaya nga ng sinabi ko, sasabihin naman namin. Hindi naman kami kailangang ma-pressure sa mga sagot, di ba?"

Tinanong din ni Butch kung nagpa-check na ba ito at kung ano ang naging resulta?

"Wala pa... wala pa kaming checkup. It will happen like last week of March."

Hindi naman sila naiinip?

"Hindi... kasi wala pa naman din kaming one year na kasal, e. I guess, tama lang din naman ang timing kung saka-sakali nga na mabuo. Ibig sabihin, binigyan kami ng Diyos ng tamang oras para ma-enjoy namin ang moments namin as newlyweds."

Kinailangan agad umalis ni Juday nang makatanggap ng impormasyon na isinugod sa ospital ang adopted daughter niya na si Yohan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN