Tirso Cruz III expects to be paired with Nora Aunor again when she makes her comeback

IMAGE 0


"We owe it to the viewing public to come out with something. A story that is meaty, a story that is mature. A story that is relevant, di ba? Huwag naman sanang mangyari yung to pair us together for the sake of pairing Guy and Pip together," says Tirso Cruz III about doing a project with former screen partner Nora Aunor (inset) when she returns to showbiz.


Kasama sa cast ng indie film na The Red Shoes ang premyadong aktor na si Tirso Cruz III. Pero during the press conference of the movie, hindi nito nagawang i-describe kung ano eksakto ang character na ginagampanan niya. Mas maganda raw na kilalanin ang bawat cast kapag pinapanood na ang kabuuan ng pelikula na ngayong araw na ito, March 10, ang simula ng regular showing sa mga sinehan.

Entry sana sa Cinemalaya noong 2007 ang The Red Shoes, pero hindi ito umabot. At ngayon nga, ang Unitel Productions na ang nagpatuloy ng paggawa nito with Marvin Agustin and Nikki Gil as lead stars.

Sa dami na ng pelikulang nagawa ni Pip, palayaw ni Tirso, ano ang masasabi niyang kaibahan sa kanya ng The Red Shoes?

"Well, yun nga, I would dare to say, it is really for the young," sabi ng veteran actor sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Bagong director [Raul Jorolan], bagong scriptwriter, cameraman. Makikita mo yung enthusiasm niya kaya nakakatuwang katrabaho nga. Iilan lang naman ang genre na allowed tayong gawin dito because we're also controlled by the Censor, di ba?

"At least ito, it's a window na you can touch on, yung mga love story, at may mga anggulo ka na puwedeng gawin because you're aiming for outside the country, yung mga festival abroad. So, even yung mga language that you use, you can basically use. But when you think about it, it's demanded by the situation. Kasi tayo rito, may tendency tayong maging careful, sina-sanitize natin. At saka very meticulous sila, pati technical, framing, nakakaaliw na magtrabaho rin ng ganun."


(CLICK HERE to read PEP's review of The Red Shoes)

OLD & NEW. Dahil matagal-tagal na rin ngang gumagawa ng pelikula si Pip, sa palagay ba niya ay maganda ang nangyayaring development ng paggawa ng pelikula ngayon sa Pilipinas?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, it's a mixture," sagot niya. "There are certain old practices that I still miss. Pero ngayon, may mga new practices na, it's new. Pero sabi ko nga, like anything else siguro, some of us are having a hard time. On the awkward stage kasi minsan ang mga changes, but like anything in the industry, it's an evolution.

"It's something at first na hindi mo matanggap. But then, you learn to realize na, yes, this is it. This is the 21st century and this is the way that this is it now. Although yung time management, dating mga artista, scheduling, during the old days, if there's one thing that we'll follow, of course, with the absence of cell phone, hihintayin mo ang call slip. Pero nakalagay dun lahat. Ngayon, text na lang.

"Saka noon, if you have a copy of the script, somehow tinitingnan mo na, binabasa at pinag-aaralan mo na. So, pagdating mo, madali na. Ngayon kasi, minsan taping, location to follow, requirement to follow. A-adjust ka siyempre dahil yun ang system na rat race na talaga. Habulan nang habulan. And with the length of time na nandito ako, I've learned to accept na ganun talaga," saad ni Tirso.

Sa kasalukuyan ay regular na napapanood si Pip sa GMA-7 fantaserye na Panday Kids. Masaya raw siya na he can do shows sa magkabilang network basta may kasama na rin respeto.

"Siguro I'm lucky that I can cross-station. Kung kailangan nila ako dun. Ano rin siguro, a large part of it is seniority. Matagal na ako na yung mga kasabayan ko noong araw, sila na rin ngayon yung higher up. So, I find it easy to talk with them," sabi niya.

EXPECTED TEAM-UP. Hindi na rin pinalampas ng PEP ang pagkakataon na tanungin si Pip tungkol sa nalalapit na pagbabalik ng kanyang former perennial loveteam na si Nora Aunor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, I'm sure they will try to pair us again," nakangiting sabi ng aktor. "Wala pa namang offer, pero para bang everybody is expecting it na. Ang mga nag-i-interview nga sa akin, sabi ko nga, ako, feeling ko lang kasi, sa akin, this is my profession, this is my job, regardless kung sino ang ka-partner ko. Pero lalo na kung kaming dalawa.

"We owe it to the viewing public to come out with something. A story that is meaty, a story that is mature. A story that is relevant, di ba? Huwag naman sanang mangyari yung to pair us together for the sake of pairing Guy and Pip together.

"Para bang...huwag ganun. Huwag nating sayangin ang pagkakataon. Let's make a good movie talaga. A good story. Whether it's a musical, a comedy or drama. Walang problema sa akin yun. Let's do it as better as before. Utang na loob namin sa mga tao yun, sa mga nanonood."

Masaya ba siya na darating na ang Superstar?

"Oo naman," sagot ni Tirso. "Siguro nakakalimutan na ng mga tao, but more than half of my career noong araw, siya ang ka-partner ko. And then, the very long time na nasa States siya, with the couple of days na nandun ako, nagsu-show pa rin kami. Minsan, magkikita kami. May show ako dun, minsan may tatawag na producer, 'O, tutal nandito na kayong dalawa.'

"Kung minsan, siya mismo ang tumatawag sa akin. Kausap niya ang wife ko [Lyn Ynchausti]. 'O, Mare, baka puwede naman si Pipo.' Ako naman kung libre, aside from it's work, I got to bring my wife and a couple of days na pasyal-pasyal sa abroad."

Hindi nga lang daw natuloy yung show sana nila before the Pacquiao-Clottey fight. Their last show together was two years ago pa.

Ano ba ang pakiramdam na hanggang ngayon ay marami pa rin ang nakakaalala sa Guy & Pip loveteam, na itinuturing na pinakasikat na tambalal sa kasaysayan ng Philippine showbiz?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I think a lot of people was asking nga me about that. Many years ago, ang dami nang nagtatanong sa akin. What was the secret of the loveteam? Sabi ko nga, there's no secret. If there's one thing na naaalala ko when I look back, siguro it's because we allowed our fans to be part of our personal lives.

"Nag-umpisa sila as fans then later on, they became friends, they became close. Kaya nga ako, kapag nagpupunta ako sa States, tuwang-tuwa ako na nakikita ko ang mga fans na hindi ko na nakikita for 20 years. So, nakikita ko sila. Ang gaganda na ng buhay dun. Parang feeling ko, I'm very proud of them also. Nakakatuwa. At kapag nagkikita kami, kuwentuhan about the fans.

"Siguro isa yun sa malaking factor that's why the clamor for the loveteam has always been there. At kasi nga, parang kami ang nag-start ng shrieking fans, habulan. Kapag nag-aaway kami, away rin sila. Iyak kami, iiyak din sila. And I'm glad that I'm part of that.

"Sinasabi nga nila, parang yun na lang yata ang existing record sa showbiz na hindi nabi-break. So, I'm proud to be able to keep that clamor and sa generation ngayon, they still talk about us. So, nakakatuwa. And from that loveteam, I've learned a lot also," pagbabalik-tanaw ni Pip.

NORA'S CHOICE. Nilinaw naman ni Tirso ang balitang tinawanan diumano niya ang pagpaparetoke ng mukha ng Superstar.

"May nagtanong kasi sa akin, natawa ako. Na-misinterpret yata ako na pinagtawanan ko. I said, hindi ako natawa na pinagtawanan ko. I just found it funny dahil para sa akin, it's a very personal question. Siya [Nora] ang nagpagawa, siya ang tanungin n'yo, huwag ako.

"Of course, it's an accepted fact naman na ngayon lalo na sa industry. Sa TV nga, nagte-thank you na, 'Salamat kay Doctor na ganito, ganyan.' Pero sa akin, I don't think I have the right to comment, personal na niya yun, di ba? Pero kung ako tanungin ako, nagpagawa yung tao, okey lang," pahayag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN