Ruffa Gutierrez says she's not affected by recent John Lloyd-Shaina sighting

IMAGE 0


Last Sunday turned out to be the last appearance of Ruffa Gutierrez in The Buzz. A source told PEP (Philippine Entertainment Portal) that the host-actress will bid her farewell via a VTR interview.


Hindi apektado si Ruffa Gutierrez sa balitang nag-uugnay kina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao. Matapos makuhaan ng picture ang dalawa sa isang bike shop (LINK HERE), namataan naman ang dalawang Star Magic talents na nag-shopping noong Friday, March 5, sa Shangri-La Mall, Edsa Ave., Mandaluyong.

Sabi ng eyewitness, bitbit ng 26-year-old actor ang mga ipinamili nila ni Shaina. Gandang-ganda rin daw siya sa simpleng suot na blouse and shorts ng 20-year-old actress.

Ang reaksiyon ni Ruffa sa recent sighting: "We're still friends pa naman. We still keep in touch. Kahit saan ako magpunta, Kahit saang network, hindi mawawala yun. Walang balikan dahil wala naman kaming inaamin na naging kami."

Matatandaang naging usap-usapan noon ang rumored affair nina Ruffa at John Lloyd, na dalawang beses na nakitang magkasama sa U.S.

Alam ba ni Yilmaz Bektas ang balita tungkol sa kanila ni John Lloyd?

"Naku, huwag niyo na banggit-banggitin," pag-aalala ng host-actress. Dugtong ni Ruffa, Well, nakaka-stress, ha..."

YILMAZ'S VISIT. Sa buwan na ito, bibisita raw sa Pilipinas ang ama ng mga daughters ni Ruffa.

"Buti na lang si JL [John Lloyd], may show sa States. Perfect," pumapalakpak na sabi ni Ruffa. Hindi naman daw masama kung magkita ang dalawa, pero mas maigi kung hindi na lang.

Ang tanging hangad niya sa ngayon ay maging on good terms sila ni Yilmaz para na rin sa kapakanan nina Lorin at Venice. May respeto pa rin daw siya sa dating asawa, pero idiniin niyang hindi na siya in-love dito.

Aniya pa, "Ang importante sa amin ay ang pagpapalaki sa dalawang bata."

Susunduin ba niya si Yilmaz sa airport, at magiging exclusive report ba ito ng upcoming talk show niyang Paparazzi sa TV5?

"Let's see kung kailangan niya ng driver, padadalhan ko siya ng driver. Kayo naman, 'wag na kayong ganyan. Kakaloka," sagot ni Ruffa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi na raw niya ipinaalam kay Yilmaz ang pagsali nina Lorin at Venice sa Goin' Bulilit dahil ipinaubaya na sa kanya ang full custody sa mga bata. Ibig sabihin daw nito, lalo pa't hindi nila kasama ang Turkish businessman, she can decide for her daughters.

Dagdag pa ng non-exclusive talent ng TV5, "Mga anak naman niya ang may gusto. Hindi naman ako, in fairness...Excited talaga sila sa Goin' Bulilit."

Noong nakaraang Huwebes, March 4, nagkausap raw sila ni Yilmaz sa telepono at maganda ang naging resulta. Ayon kay Ruffa, nangako raw si Yilmaz na magbibigay na ito ng pinansiyal na suporta. Tatlong taon na ang nakakaraan mula noong i-anunsiyo ni Ruffa ang kanilang paghihiwalay, at siya rin daw ang mag-isang nagpalaki sa kanilang mga anak.

TRANSFER TO TV5. Samantala, magsisimula na sa April 4 ang talk show niya sa TV5 na pinamagatang Paparazzi, kung saan makakasama niya sina Cristy Fermin and DJ Mo Twister.

Ang kuwento ni Ruffa, "Actually, I was supposed to guest sa Maalaala Mo Kaya. Last time kong mag-MMK ay eight years ago. Hindi ko nahintay yun kasi minsan lang naman yung offer ng TV5.

"It's a very hard decision, it's very difficult pero one of the main reasons why I left coz I believe sa capabilities of Manny Pangilinan [owner of TV5]. With a very good businessman and boss like Manny Pangilinan, I know that TV5 will surely be a force to reckon with."

Kung iba raw ang owner ng TV5 ay mag-iisip siya ng 100 times bago umalis sa ABS-CBN.

Ang paliwanag niya, "It's nice to grow with a company that has so much hope and so much plans and vision, such as going HD [high-definition], and a whole lot more.

"Ang sarap maging parte ng malalaking plano na yun, at nakakataba ng puso na isa ako sa mga unang artist that was signed up by TV5."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero nalulungkot siya na hindi na niya magagawa ang mga pending projects niya with Channel 2, gaya nga ng MMK. Ayon kay Ruffa, sinabihan siya ng station head na si Cory Vidanes, baka hindi muna i-allow ang guesting kahit sa mga non-exclusive talents ng ibang networks, gaya ng TV5. Maiiwan sa Dos ang dalawa niyang anak, na mapapanood sa Goin' Bulilit twice a month. May six-month contract daw sina Lorin at Venice sa Star Magic.

ISSUE WITH KRIS. Siyempre, napag-usapan din ang naging isyu niya with one of the hosts of The Buzz na si Kris Aquino.

Tinanggap na ni Ruffa ang apology ni Kris noong Tuesday (LINK HERE), subalit hindi pa rin matigil ang diskurso ng mga fans.

Tila magiging rival sila ni Kris dahil bukod sa pareho silang main host ng isang showbiz-oriented talk show, magsisilbing judge din sila sa isang talent competition—Talentadong Pinoy for Ruffa and Pilipinas Got Talent for Kris.

"Mataas ang respect ko kay Kris. Kahit mawawala ako sa ABS, wala naman yung pangsabong. Hindi naman ganoon ang strategy ng TV5. They're very kind. Hindi sila maintriga. Yung show lang namin na Paparazzi ang maintriga," ang huling tinuran ni Ruffa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN