Iwa Moto: "Nagpapaseksi ako, pero hindi naman ako kabastos-bastos."

IMAGE 0


"Nakakatuwa kasi ang daming girls ng FHM na nag-cover din, tapos nakuha ako. Siyempre, honored ako kasi 25 lang kami. Alam mo yung feeling na, 'Oh, my God, ang haba ng hair ko!' Nakakatuwa. Basta, sobrang overwhelmed lang ako," says Iwa Moto about being included in FHM's 25 Sexiest Women of the Decade list.


Wala raw naging preparation si Iwa Moto nang sumabak ito sa pictorial para sa 10th anniversary issue ng FHM magazine. Two days before lang daw siya na-inform na magpi-pictorial siya. Pero masaya naman siya sa kinalabasan ng pictorial at walang duda na mas lalo siyang naging daring sa kanyang latest FHM cover.

"Tinawagan nila ako February 20, tapos February 22 ng 1 a.m., nag-shoot na kami agad. So, parang hindi masyadong nakapag-prepare. One-day diet! Pero yun, maganda naman ang lumabas. Hindi naman ako nagsisi na pumayag ako," kuwento ni Iwa nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa anniversary party ng FHM last Thursday night, March 11, sa NBC Tent sa The Fort, Taguig City.

Bukod sa pagiging cover girl, along with Bangs Garcia, kasama rin si Iwa sa 25 Sexiest Women of the Decade ng FHM.

"Nakakatuwa kasi ang daming girls ng FHM na nag-cover din, tapos nakuha ako. Siyempre, honored ako kasi 25 lang kami. Alam mo yung feeling na, 'Oh, my God, ang haba ng hair ko!' Nakakatuwa. Basta, sobrang overwhelmed lang ako."

Pero may kaakibat daw na pressure para kay Iwa ang mapasama sa Top 25 Sexiest Women of the Decade.

"May pressure!" sambit niya. "Pero alam mo na hindi lang din naman para sa FHM kung bakit kailangan kong i-maintain [ang magandang katawan]. Kailangan ko rin naman kasi ng pang-boost ng self-confidence ko."

IT'S HARD TO BE SEXY. Gaano nga ba kahirap mag-maintain ng magandang katawan?

"Kasi, kailangan kahit na nagpapaseksi ako, hindi pa rin ako kayang bastusin ng kahit na sino. Kahit na maglakad ako diyan, hindi n'yo ako puwedeng bastusin. Nagpapaseksi ako, pero hello, hindi naman ako kabastos-bastos," sabi niya.

May insidente na rin daw kasi na nabastos siya.

"Meron talaga! Pero sinagot ko siya. Sinabi ko sa kanya na, 'Kuya, hindi porke't nag-pose ako sa men's magazine, puwede mo na akong bastusin kasi matuto ka namang rumespeto bilang may nanay ka!'" kuwento ni Iwa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano at saan nangyari yung experience niyang yun?

"Sa may Tomas Morato," sagot niya. "Naglalakad ka lang, may susutsot or kaya sinabi puwedeng mahawakan yung ano mo. Pero madalas hindi ko na lang pinapansin kasi hindi naman sila worth it ng time ko. Nambabastos lang naman sila, huwag na lang natin silang pansinin."

Nagkataon naman daw na wala ang non-showbiz boyfriend niya noong time na yun. Pero kung nandun daw yun, ani Iwa, "Naku, malamang patay-patay na ang mamang yun!"

May mga nagsasabi naman na natalbugan na raw niya ang ibang kasamahan niya sa Kapuso network pagdating sa kaseksihan. Ano ang masasabi niya rito?

"Hindi... Ganito, walang talbugan na nangyayari," diin ni Iwa. "Nagkataon lang na sinuwerte kami ni Bangs para maging cover ng month na ito. Wala naman akong planong talbugan kahit sino. Basta ginagawa ko lang ang kahit na anong feeling ko makakatulong sa career ko, sa tingin ko tama, sa tingin ko, magiging maganda ang takbo ng buhay ko. Yun lang ang ginagawa ko. Ginagampanan ko lang nang maayos ang trabaho ko."

NO ISSUE WITH BANGS. Bakit may isyu na ayaw raw niyang makasabay sa cover ng FHM si Bangs?

"Alam mo, feeling ko, iniisyu lang nila yun," sagot ni Iwa. "Basta kami ni Bangs, magkaibigan kami. Last year pa kami mag-friends. At 'eto,ha, nag-shoot na ako ng FHM, February 22. Pagkatapos ng shoot ko, tinanong ko, 'Sino ba ang kasama ko?' 'Si Bangs!' 'Ah, talaga, si Bangs?' So, natuwa ako. Nagawa ko na yung shoot. Hindi ako nag-iinarte or what.

"Basta si Bangs, kaibigan ko. At kung anuman ang mga isyu na lumalabas na 'yan, huwag naman nila kaming pag-awayin. At saka, hindi ako sakim. And I'm happy na kasama ko si Bangs sa cover na ito. Yung feeling na ABS, GMA."

Ayon kay Iwa, marami pa siyang puwedeng ipakita after her recent pictorial sa FHM. Pero nandoon pa rin daw ang mga limitasyon niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, marami pa rin naman akong surprises, so abangan n'yo na lang 'yan. Pero hindi pa rin nagbabago ang limitasyon ko. Definitely, wala kayong makikitang special body parts ko, yung sensitive part ng body ko. Siyempre sa akin na lang yun at sa magiging future husband ko," sabi niya.

Right now, busy si Iwa sa afternoon series ng GMA-7 na Ina, Kasusuklaman Ba Kita?. Umaasa ba siyang bida role na ang ibibigay sa kanya sa susunod niyang project, gaya ni Bangs na bida na sa afternoon soap ng ABS-CBN na Magkano ang Iyong Dangal?.

"Hindi, hindi... hindi ako nag-e-expect," sabi ni Iwa. "Kasi, kahit anong ibigay sa akin, masaya ako. At saka masaya ako bilang kontrabida. Masarap ang kontrabida. Hindi ako nasasampal maya't maya, ako ang nananampal! So, mas okay na ako dito."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN