StarStruck V winner Sarah Lahbati wants to be paired with Richard Gutierrez and Dingdong Dantes

IMAGE 0


"Kinikilabutan po ako. Ang bilis kasi ng mga pangyayari. Katatapos lang ng StarStruck tapos may magsasabi na puwede raw akong leading lady sa Captain Barbell. Tumatawa lang ako pero deep inside, kinikilabutan talaga ako. I mean, parang hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari. Pero gusto ko po talaga. Nakaka-excite," says StarStruck V Ultimate Female Survivor Sarah Lahbati about flattering co


Excited na ang StarStruck V Ultimate Female Survivor na si Sarah Lahbati na magtrabaho sa GMA-7, lalo na ngayong officially ay Kapuso na siya at ang iba pang kasama niya sa Final 14 matapos nilang pumirma ng five-year exclusive contract sa GMA Artist Center kahapon, March 11, sa 17th Floor ng GMA Network Center.

Present sa contract signing sina Atty. Felipe Gozon (Chairman, President and CEO), Mr. Jimmy Duavit (Executive Vice President and COO), at Ms. Ida Henares (VP for GMA Talent Development and Management Department).

Nagkaroon ng pagkakataon na makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Sarah pagkatapos ng inihandang presscon para sa kanila ng GMA Artist Center. Kaagad naming tinanong sa kanya kung ano ang feeling na officially ay Kapuso na siya?

"I'm very blessed and thankful. I'm very excited sa projects na gagawin ko. So, talagang gagalingan ko," sabi ni Sarah.

Sino ang gusto niyang makatrabaho sa mga Kapuso artists?

"Siyempre, hopefully everyone, lahat ng mga artists sa GMA. But specifically Richard Gutierrez and Dingdong Dantes," sagot ng 16-year-old newcomer.

Saang show niya gustong makasama?

"Gusto ko po sanang makasama sa Encantadia, Endless Love [with Dingdong and Marian Rivera], o sa Captain Barbell [with Richard Gutierrez]," nahihiya pang sabi ni Sarah.

Marami ang nagsasabing bagay siyang maging bagong leading lady ni Richard sa Captain Barbell. Ano ang masasabi niya rito?

"Hopefully makuha nga ako. Sana talaga."

Ano ang reaksiyon niya kapag naririnig niya ito?

"Kinikilabutan po ako," sambit niya. "Ang bilis kasi ng mga pangyayari. Katatapos lang ng StarStruck tapos may magsasabi na puwede raw akong leading lady sa Captain Barbell. Tumatawa lang ako pero deep inside, kinikilabutan talaga ako. I mean, parang hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari. Pero gusto ko po talaga. Nakaka-excite."

IMMEDIATE PROJECTS. During the presscon ay naging isyu kung kailan mabibigyan ng GMA ng sarili nilang projects ang bagong batch ng StarStruck. Inusisa kasi ng ilang members ng entertainment press ang tungkol dito para maiwasan ang nangyari sa ibang batch ng StarStruck na tila nabantilawan ang pagsikat. (CLICK HERE to read related story.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang reaksiyon ni Sarah sa sinabing ito press na dapat ay mabigyan na agad sila ng projects?

"It's a good thing na tinanong nila yun kasi para rin sa amin yun, e. We can tell na excited na sila na magka-show kami since they are asking 'Kailan? Kailan?' So, kami rin masasabi namin excited na rin kami na magtrabaho at magka-show," saad niya.

PARTY PILIPINAS. Natutuwa naman si Sarah na sa pag-ere sa March 28 ng Party Pilipinas, na ipinalit sa SOP ay kasama silang Final 5 ng StarStruck V. Ano naman ang aabangan sa kanya ng mga fans niya rito?

"Siyempre, more of me. Singing, of course. Tapos magwo-workshop po ako for dancing. Kaya ko rin naman sumayaw. Pero magwo-workshop po ako para sing and dance. And of course, hosting. Dream ko rin kasing maging host. So, lahat ng gusto ko, matutupad dito sa Party Pilipinas."

STARSTRUCK V BEACH PARTY. Nagbigay na rin pala ng thanksgiving party si Sarah para sa kanyang mga fans at supporters, gaya ng Second Prince na si Rocco Nacino. (CLICK HERE to read related story.)

"Yes, last week lang, Saturday yata yun. Tapos dumalo yung mga fans ko pati yung family ko. Pero aside po sa party sa mga fans, gusto rin po namin ni Steven [Silva, Ultimate Male Survivor] na gumawa ng party din para sa mga staff ng StarStruck kasama rin ang Final 14."

Anong klaseng party ang plano nilang gawin?

"Beach party po sana. Pero sa ngayon po, hindi pa po namin alam kung kailan, kasi po ang dami ring schedules sa work. So, ang hirap pong mag-plan. Pag nagkaroon ng pagkakataon mag-uusap po kami," sabi ni Sarah.

ENZO PINEDA. Very open ang First Prince na si Enzo Pineda na gusto niya si Sarah. Pero si Sarah naman ay hindi pa open na magkaroon ng boyfriend. Napag-usapan ba nilang dalawa ang tungkol dito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman po actually nag-usap. But then, alam niya po na ako, ayoko po munang magka-boyfriend. Kasi ang focus ko po muna, sa career. Yun po talaga ang goal ko at alam niya yun."

So, hindi niya naman binabasted si Enzo?

"Ay, hindi naman po! At saka hindi naman po siya nanliligaw."

Hindi naman daw mahirap magustuhan si Enzo dahil mabait daw ito. Kaya nga lang ay wala pa sa isip ni Sarah ang magka-boyfriend sa ngayon.

SCUBA BUSINESS. Sa mga naunang interviews niya sinabi niyang mula sa kanyang napanalunang one million cash prize ay gusto niyang magkaroon ng small business. Anong business naman ang gusto niyang pasukin?

"Gusto ko parang scuba diving center. Pero siguro pag mas nakaipon na po. Kasi siyempre now, gusto ko munang makatulong sa family ko," sabi ni Sarah.

Bata pa lang daw siya ay mahilig na siyang mag-scuba diving kasama ang kanyang daddy. Kaya dream niya raw talagang magkaroon ng sariling scuba diving center either sa Puerto Galera o sa Boracay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN