Claudine Barretto on Teleserye Queen title: "Basta ang alam ko, kaming dalawa ni Juday 'yon."

IMAGE 0


"It's been one year and three months na wala akong ginagawa. Feeling ko, para akong nabobo. Parang hindi na ako makaka-memorize ng script kung hindi pa ako magtatrabaho," says Claudine Barretto.


More than a year na ang huling teleserye na ginawa ni Claudine Barretto sa dati niyang home network na ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang, kung saan nakasama niya sina Gabby Concepcion, Diether Ocampo, Angelica Panganiban, at Laurice Guillen.

Sa una naman niyang proyekto sa GMA-7, ang drama anthology na Claudine, ang co-star niya noon sa Iisa Pa Lamang na si Laurice ang magdidirek ng unang episode ni Claudine na pinamagatang "Alzheimer." Ito ang unang pagkakataon na madidirek ni Direk Laurice si Claudine.

Binisita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press ang first taping day ni Claudine para sa kanyang drama anthology kahapon, March 12, sa Samar Avenue, Quezon City.

Habang kausap namin si Claudine ay katabi niya si Direk Laurice at sinabi ng aktres na gusto niyang magpa-one-on-one workshop sa kanyang direktor.

Paliwanag ni Claudine, "Gusto kong mawala yung fear ko kapag nagge-guest ako nang live sa mga shows. Kapag may mga kamera na, nakakaramdam talaga ako ng nerbiyos. Ewan ko kung napansin n'yo yun nang una akong mag-guest at i-welcome sa SOP."

Umoo naman si Direk Laurice at mag-i-schedule daw sila ng oras para sa kanilang one-on-one workshop. Pagkatapos nito ay bumalik na sa taping ang direktor.

RAYMART AS CLAUDINE'S LEADING MAN. Bagamat todo-todong drama ang karamihan ng mga eksena ni Claudine sa "Alzheimer" ay mukhang masayang-masaya ang aktres habang kausap namin siya. Ayon kasi kay Claudine, masaya dahil pumayag ang mister niyang si Raymart Santiago na makatambal siya sa first episode ng kanyang drama anthology.

"Ilang beses na kasing in-offer sa kanya ito, pero nang malaman niyang drama, ayaw daw niya. Nahihirapan daw siya, napapagod siyang magdrama," kuwento ng bagong Kapuso star.

Paano niya napapayag si Raymart?

"Siguro, dahil sa bago niyang kotse," sagot ni Claudine. "Matagal na niyang gustong bumili ng bagong kotse, may nakita raw siyang gustung-gusto niya, Porsche. Turbo siya pero hindi ko alam kung ano exact name nito. Yun, pagkatapos niyang mabili ang car, tinanong niya ako kung open pa raw yung offer na makatambal ko siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero ako naman ang medyo kinabahan nang mag-start na kami ng eksena namin. Nakita kong napakahusay pala ng asawa ko. May eksenang sabi ni Direk Laurice, umarte raw kami kung paano kami sa bahay. Mahirap pala kapag sa harap na ng kamera, hindi ko siya matingnan nang diretso sa mata. Di ba, crush ko muna siya noong bata-bata pa ako? Dala ko pa rin 'yon hanggang ngayon. Six years kasi ang tanda ni Raymart sa akin!" natatawang kuwento ng 30-year-old actress.

THE BIG MOVE. Alam ng lahat na isa sa pinakamalaking bituin ng ABS-CBN si Claudine kaya marami ang nagtaka nang magdesisyon itong lumipat sa GMA-7. Ano nga ba ang naging dahilan kung bakit nagdesisyon siyang maging Kapuso?

"Gusto ko pa ring mag-grow as an actor," seryosong sagot ni Claudine. "It's been one year and three months na wala akong ginagawa. Feeling ko, para akong nabobo. Parang hindi na ako makaka-memorize ng script kung hindi pa ako magtatrabaho.

"Hindi naman ako nahirapang lumipat dahil kilala ko na ang mga boss dito [sa GMA-7] dahil kay Raymart. Madalas din silang nagdi-dinner sa bahay kapag inimbita ni Raymart. Saka nakaranas na rin akong makapagtrabaho dito dahil naige-guest ako sa shows ng asawa ko paminsan-minsan."

Ano ang expectations niya ngayong nasa GMA Network na siya?

"Alam kong magiging masaya ako dito," sabi ni Claudine. "Mas marami akong makakatrabaho, mas marami akong mata-tackle na roles, bagong directors na hindi ko pa nakatrabaho. Sa ngayon kasi, may 26 weeks na silang in-offer sa akin. Bale six months at baka maging one year pa ito. Bukod sa drama, mayroon ding comedy, suspense-thriller, romantic-comedy, action-drama.

"Masaya dahil alam kong maraming magkakaroon ng trabaho. Gusto ko ring makatrabaho sina Dingdong Dantes, Dennis Trillo, Marian Rivera, Iza Calzado... Tama na muna sa akin ang drama anthology para may time naman ako na gumawa rin ng movie."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

How about working with ex-boyfriend Mark Anthony Fernandez?

"Siguro po, saka na lang kami magtrabaho together dahil pareho na rin naman kaming busy ngayon. But after po ng mga nangyari, I'm okay na," nakangiting sabi ni Claudine.

Paano niya maiku-compare ang pagtatrabaho sa ABS-CBN at ngayon sa GMA-7?

"No point po naman ng comparison," sabi ni Claudine. "Seventeen years akong binuhay at pinakain ako at ang family ko sa pagtratrabaho ko sa ABS-CBN, kaya wala naman akong masasabi tungkol sa kanila."

JUDAY'S PREGNANCY. That morning, in-annouce ni Ryan Agoncillo sa Eat Bulaga! na two months pregnant na ang wife niyang si Judy Ann Santos. Ano ang reaksiyon dito ni Claudine?

"I'm happy for Juday," sambit niya. "Nag-uusap kami ni Juday, sinamahan ko pa nga siya sa doctor. Friends kami ni Juday, in good times and bad times. In due time, malalaman din ng mga tao kung ano ang friendship naming dalawa.

"Di ba, pareho pa kaming may anak bago ikinasal? Sabina will turn six na sa June. Their daughter, si Yohan, sa November, six years old na rin. Si Santino naman is three years old na. At heto ngayon, si Juday, magkakaroon na rin ng baby."

Ano naman ang masasabi niya na nung umalis siya sa ABS-CBN ay binansagan namang "Reyna ng Teleserye" si Juday. Hindi ba sumama ang loob niya?

"No, hindi po sumama ang loob ko," sagot ni Claudine. "Basta ang alam ko, kaming dalawa ni Juday 'yon. I really don't dwell on it. Nabigla rin siguro sila sa biglang paglipat ko. Deserving po naman talaga si Juday sa title na Reyna ng Teleserye," saad niya.

IN YOUR EYES. Bukod sa kanyang drama anthology, malapit na ring mag-shooting si Claudine para sa pelikulang In Your Eyes kung saan makakasama niya sina Richard Gutierrez at Anne Curtis. Co-venture ito ng Viva Films at GMA Films.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Claudine, nagwo-workshop na raw sila kay Mac Alejandre na siyang magdidirek ng pelikula nila. May mga ilang eksena rin daw silang kukunan sa Orange County sa California.

"We might leave by April. Inaayos na ang mga permits to shoot there dahil maraming lugar doon ang magiging location namin," banggit pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN