Maricel Soriano, if ex-hubby Edu asks her to endorse VP bid: "Hindi ako magye-yes kaagad."

IMAGE 0


The Diamond Star tries to steer clear of politics, even though former husband Edu Manzano is running for vice president: "Kasi magulo 'yan, e... Paiyakin n'yo na ako, magpatawa na ako, pero when it comes to politics, sa kanila na lang 'yan."


Kahit pagod sa trabaho ay makikita pa rin na masayang-masaya ang Diamond Star na si Maricel Soriano dahil sa mga blessings na dumarating sa kanya.

Hindi lang daw ang bago niyang TV drama na 5-Star Specials sa TV5 (na magsisimula na sa March 22) ang ikinatutuwa niya kundi ang parating pagsasama nila ng kanyang dalawang anak, sina Marron at Sebastien. 'Yon daw ang kanyang mga happiest moments.

"If I have the time, yung talagang bakasyon na mahaba, kami ang magkakasama. Either out of town or sa ibang bansa. Basta doon kami sa lugar na kaming mag-iina lang ang magkasama."

PROUD MAMA. Si Marron, her adopted son, is 23 years old, at si Sebastien naman ay 19 years old.

"Mga higante ang mga anak!" malakas na tawa ni Marya. "Hindi ko alam kung bakit sila lumaki nang ganyan. Kaya parati akong nasa gitna nila. Parang ako tuloy ang anak nila!"

Kuwento pa niya, "Nagugulat nga ako kasi parang ang bilis ng panahon, di ba? Itong si Marron with matching girlfriend na. Si Tien naman, hayun may ibang mga ginagawa rin. Proud ako sa mga anak ko. I'm a proud mama kasi napalaki ko silang mababait, magagalang at may takot sa Diyos."

DEDICATION TO WORK. Sa edad na 45 years old ay alagang-alaga ni Marya ang kanyang pangangatawan. May kakaibang glow nga ang kanyang mukha. Tinanong tuloy kung ano ang sikreto ng kanyang magandang aura?

"Naku, walang secret. Ito ay produkto ng trabaho lang nang trabaho," tawa niya ulit.

"That's true. Kapag dedicated ka sa work mo at mahal mo, lahat ay maganda lalabas. Ako naman, alam ninyo na I work para sa family ko. Thirty-nine years na akong nasa trabahong ito at sa bawat trabaho na magawa ko ay para sa mga minamahal ko sa buhay.

"Tulad ngayon, I am working for my kids. Para sa future nila itong ginagawa ko. Nawawala naman lahat ng pagod mo kapag nakikita mo silang malusog at masaya, di ba? Kung ganyan ba parati, halika at trabaho lang tayo parati.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero may mga pagkakataon naman na kailangan natin tumigil muna at magpahinga. But kasama pa rin ang mga mahal mo sa buhay. Mas nakaka-recharge iyon sa 'yo."

RETURN TO TV. Kaya malaki ang pasasalamat ni Marya na nakapagpahinga siya nang matagal bago niya sinimulan ang kanyang bagong drama show sa TV5.

"Matagal din ako nagbakasyon, e. The last TV drama I did was Florinda sa ABS-CBN 2. Tapos nag-sitcom din ako na John En Shirley. After nga mawala ang mga shows na iyon, nagpahinga talaga ako.

"Kaya noong may offer to do a TV drama, aba, hindi na ako tumanggi pa, di ba? Na-miss ko ang gumawa ng drama anthology. Kaya gusto kong balikan ang pagganap sa iba't ibang characters. Tama lang ito at perfect timing."

Napatunayan na ni Maricel Soriano ang kanyang husay sa pagganap ng iba't ibang roles on TV sa kanyang drama anthologies na Maricel Regal Drama Special (1988 to 1992) at The Maricel Soriano Drama Special (1992 to 1997), parehong para sa ABS-CBN, kunsaan ay umani siya ng ilang Best Actress awards for television.

LONG RELATIONSHIP. Sa 5-Star Specials ay may input si Marya sa bawat episode na gagawin niya. Bagamat para one month lang ang pinirmahan niya, galing na rin kay Marya na mahaba pa raw ang magiging working relationship nila ng TV5.

"Marami pa kaming gagawin at hindi lang itong TV drama. May iba pa kaming naiisip kaya mahabang pagtatrabaho ito sa kanila.

"Dito nga sa 5-Star Specials, kinu-consult nila ang bawat episode sa akin. Kung may gusto akong ganito gawin, gagawin naman nila. Kaya ang sarap ngang katrabaho sila. Lahat ikukunsulta sa iyo. Talagang importante ang role mo sa show. Hindi lang ikaw ang bidang artista kundi kasama ka sa development ng bawat episode."

Pati ba pelikula sa TV5 ay papasukin din ni Marya?

"Like what I said, marami kaming nilulutong gagawin sa TV5. Baka masyado nang maprito ito kaya hanggang dito muna tayo sa TV show muna. Darating din tayo diyan sa iba't ibang bagay. Isa-isahin muna natin 'yan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NO TO POLITICS. Sa usapang politics naman, tinanong si Marya kung may ie-endorse ba siyang presidentiable since marami ngang mga artista ngayon ang may kani-kanyang sinusuportahang kandidato.

Pero pinagdiinan ni Marya na wala siyang ie-endorse na presidential candidate o kahit na sinong politician na tatakbo. Never daw siyang nakisali sa anumang usapang politika. Hindi raw niya iyan gusto at mas aasikasuhin pa raw niya ang kanyang pamilya at ang kanyang trabaho.

"Hindi ko gustong pag-usapan 'yan kahit noon pa. Kapag tinatanong ako regarding politics, ay hindi ko 'yan gusto. Umiiwas ako diyan kasi magulo 'yan, e...

"Paiyakin n'yo na ako, magpatawa na ako, pero when it comes to politics, sa kanila na lang 'yan kasi hindi ako interesado diyan," diin ni Marya.

Kahit nga kandidato ang kanyang ex-husband na si Edu Manzano bilang vice president, mas pipiliin pa rin daw ni Marya ang manahimik tungkol sa usapang pulitika.

"Magkaibigan kami ni Doods. If he asked me, pag-iisipan ko. Hindi ako magye-yes kaagad sa kanya. Marami akong dapat na i-consider. Kasi nandiyan ang mga anak ko. Ang magiging desisyon ko ay kasama sila parati.

"Ngayon kung makita nila akong nasa kung anong campaign rally ng kung sino diyang tumatakbo, it means na naniniwala ako sa taong ito kaya ini-endorse ko. But for now, wala talaga. Hindi ko pa napi-feel na dapat may i-endorse ako," pagtatapos ng Diamond Star.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN