StarStruck V winnerSteven Silva is willing to give fans whatever they want

IMAGE 0


The Ultimate Male Survivor explains what drives him: "I'm focusing on my career for my family, too, kasi I really want to help my family sa Davao, my mom and dad, kasi alam ko talaga they put so much effort for me and my sister, so really I should focus now to help them."


Handang maghubad sa harap ng kamera ang StarStruck V Ultimate Male Survivor na si Steven Silva!

Pero within limits pa rin.

"Not frontal nudity right now!" sabi niya.

Pero halos lahat ay gagawin niya para maging successful sa show business, at isa na rito ay unahin ang career bago ang lovelife.

FAMILY FIRST. Bukod sa career, isa pang rason kung bakit naudlot ang relasyon nila ni Diva Montelaba, ang Starstruck V First Princess, ay ang hangad niyang makatulong sa kanyang pamilya.

"I'm focusing on my career for my family, too, kasi I really want to do this, to help my family sa Davao, to my mom and dad, kasi alam ko talaga they put so much effort for me and my sister, so really I should focus now to help them."

Kung wala raw sila, sabi ni Steven, "I wouldn't have a chance here sa StarStruck. I wouldn't have a chance in life kung wala ang family ko, so I want to help them first."

Alam ni Steven na hindi madali ang naging mutual decision nila ni Diva na mag-focus muna sa career.

"I think nasaktan siya, ako din, nasaktan rin ako. Alam ko talaga, really sayang yung efforts if we would rush into something like that, we will just be wasting our efforts sa StarStruck.

"Right now it's just the start, tapos siguro someday... there's always the chance."

PRIORITIES. Sabi si Steven, "Love can always wait."

Sinusunod lang rin daw niya ang payo ng kanyang ina.

"My mom always tells me you have to focus on your prioritities."

Magkaibigan pa rin naman daw sila ni Diva.

"Siyempre. Close talaga kami, and like if we have projects together, parang we can get closer."

Paano kung dumating ang panahon na liligawan na niya talaga si Diva at si Diva na ang hindi interesado?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sigurado masasaktan ako, pero... you know, like the saying, there's a lot of fish in the ocean."

Paano kung mas gustuhin ng mga fans na si Sarah Lahbati ang maging karelasyon niya? Gagawin ba niya ito para sa kanyang career?

"Siguro po, kasi if it's for my career siguro you have to. Kasi kung wala nang support from the fans, mahirap."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN