Phillip Salvador still waiting for sign before filing counter-suit against ex-lover

IMAGE 0


"Siyempre, as an actor, you know, I love my craft so much kaya gusto ko yung tipong mae-electrocute ako sa gagawin ko, parang ganun. Pag nakita ko na ganun yung gagawin ko, nandun na yung excitement," says Phillip Salvador.


Present kagabi, March 16, si Phillip Salvador sa get-together presscon na ipinatawag ni Mother Lily Monteverde para sa kandidatura ng mag-asawang Sen. Bong Revilla at Lani Mercado sa May 2010 elections. Re-electionist bilang Senador si Bong, habang tumatakbo namang kongresista sa second district ng Cavite si Lani.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Phillip at ayon sa aktor, nagpunta siya sa presscon para suportahan ang kanyang mga kaibigan. Sa katunayan nga raw ay kasama pa siya ni Bong sa Davao kahapon para sa campaign sorties ng Senador doon.

"All the way ang support ko for Bong. It's either magkasama kami sa pupuntahan o magkahiwalay kami at may iba akong pupuntahan for him. So, ganun ang lakad namin. Tatlong teams kami, minsan kasi si Jolo [Revilla, Bong's son] kasama rin namin sa pangangampanya, di ba? Madalas hiwa-hiwalay kaming tatlo para mas marami kaming mapuntahan at mapagbigyan lahat ng mga tao," pahayag ni Phillip.

Base sa na-witness niya sa Davao, kumusta ang pagtanggap ng mga DavaoeƱo kay Sen. Bong?

"Iba, e. Alam mo, kasi matagal nang hindi nagpupunta si Bong doon. Ngayon lang ulit nila nakita si Bong nang malapitan. Makikita mo talaga na nagugulantang sila sa saya. Nag-motorcade kami doon at very warm ang mga tao sa amin," kuwento ni Phillip.

ALL-OUT SUPPORT FOR BONG & LANI. Hanggang saan ang puwede niyang itulong kay Sen. Bong?

"Hanggang sa makakaya ko to represent him," sagot ng aktor. "Maski saan man ako pumunta, kahit sa dulo man ng Pilipinas, basta makatulong lang ako sa kanya. Siguro marami ang hindi nakakaalam sa mga ginawa niya on his first term bilang Senador. Pero ang totoo, marami siyang naipasang batas na talagang nakatutulong sa mga kababayan natin. Kasi he is a very good man. He has a very good heart. Pag nakilala n'yo si Bong Revilla as tao, per se, ni hindi ko nga iniisip na Senador siya, e. Mahirap makakita ng isang Bong Revilla."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit pa nila kailangang tumodo sa pagkakampanya gayong number one naman sa senatorial surveys si Bong?

"Well, siyempre, kinakabahan hindi lang siya pati rin kami. Kaya kailangan doble sipag o kahit triple pa. Ganun talaga dapat. Hindi ka puwedeng mag-lax dahil lang sa resulta ng surveys. More than the surveys, mas maganda yung nakikita mo at nararamdaman mo talaga up close yung suporta ng mga tao sa iyo.

"Sa ganitong mga national elections, hindi ka puwedeng mag-lax. Mahirap din kasi yung ganyan na number one siya sa surveys, mas nagkakaroon ng pressure siyempre sa actual na resulta ng botohan. Kailangan ma-sustain mo yun, so hindi ka puwedeng mag-lax," saad ni Phillip.

Pati ba kay Lani ay todo rin ang suporta niya?

"Oo naman," sagot niya. "As a matter of fact, last Sunday [March 14], nandoon kami sa Cavite, magkakasama kaming tatlo. Lalo na siguro pag nag-umpisa na yung campaign ni Lani, kasi March 26 pa ang start for local candidates. So, it's going to be doubly busy, ganun ang mangyayari."

ANG PANDAY SEQUEL. Since lagi nga silang magkasama ni Bong ngayon, napag-uusapan din ba nila ang tungkol sa gagawin nilang sequel ng Ang Panday?

"Actually, inaayos ang script. Si Kuya Marlon [Bautista] ang namamahala doon sa script ng Panday 2. Kasi kami, sa campaign kami ni Bong naka-focus."

Ano naman ang reaksiyon niya sa sinabi ni Bong na tinitingnan pa kung makakaabot ang Panday 2 sa Metro Manila Film Festival sa Disyembre?

"Well, God permits. In God's grace pagkatapos ng eleksiyon magtuloy kaming mag-shoot ni Bong. Matatapos 'yan pag gusto nung nasa Itaas, mangyayari lahat. At saka ngayon ang ganda ng blessings na nangyayari kay Bong talaga. That's why I said, if you are a good man or a good person, God sees your heart. Wala naman tayong maitatago sa Panginoon. Kaya naman ang Panginoong Diyos, walang tigil ang blessings na ibinibigay sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NEW MANAGER. Bukod sa Panday 2, may iba pa ba siyang gagawing projects sa pelikula man o telebisyon?

"Kasi right now, very busy sa campaign nga. Also my manager now is Malou Choa-Fagar [TAPE Inc. and Eat Bulaga! executive]. So, depende iyan sa sasabihin sa akin ni Malou," sabi ni Ipe.

Kailan pa niya kinuhang manager si Malou?

"Bago lang. Kaya wait and see muna tayo kung ano ang mangyayari."

Kasama ba sa pinag-usapan nila ng bagong manager niya na priority muna niya ngayon ang pagtulong sa kampanya ni Bong?

"Habang wala pa. Pero pagka siyempre kinausap na ako ni Malou na meron nang project, let's say TV or movie, then we sit down and talk. But my support will always be here for Bong and Lani."

Kung siya ang masusunod, anong project ang gusto niyang gawin? Gusto niya bang mag-teleserye?

"Kahit ano basta't maganda yung gagawin ko. Importante kasi sa akin yung ma-excite ako, e. Siyempre, as an actor, you know, I love my craft so much kaya gusto ko yung tipong mae-electrocute ako sa gagawin ko, parang ganun. Pag nakita ko na ganun yung gagawin ko, nandun na yung excitement."

CRISTINA DECENA. Nitong mga nakaraang linggo ay naging laman ng mga balita ang tungkol sa pagka-absuwelto ni Phillip sa Court of Appeals sa kasong estafa na isinampa sa kanya ng dati niyang kinakasama na si Cristina "Tina" Decena. Nauna na kasing na-convict si Phillip sa Lower Court at talagang pinagdusahan niya ito emotionally. Pero umapela nga siya at ngayon ay binaligtad ng Court of Appeals ang unang hatol sa kanya.

Kumusta na ang pakiramdam niya ngayon?

"Masaya ako na lumabas yung totoo at napatunayang wala akong kasalanan," sabi niya. "God is really good, you know. Sobra ang blessings ng Panginoon sa akin. Ine-expose Niya ngayon yung katotohanan, ine-expose Niya yung mga kamaliang nagawa sa akin. Pati na rin yung mga paghusga na ginawa sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa mga naunang interview kay Phillip, sinabi niya na pinag-iisipan pa niya kung babalikan niya ng demanda si Cristina at ang mga naging kasabwat daw nito para madiin siya sa kaso. Ngayon ba ay nakapagdesisyon na siya?

"Sa ngayon kasi I'm still waiting for signs from the Lord. Mangyayari naman yun kung talagang mangyayari. So, we'll see. Kung ano ang gusto ni Lord. Like He has exposed the truth already, so hindi ko pa alam ngayon. Maraming puwedeng mangyari."

May galit pa ba sa puso niya para kay Cristina?

"Wala akong galit. Yung sama ng loob ko, wala na rin, e. So, bahala ang Panginoon. Basta't wala nang kawalanghiyaan na gagawin sa akin, so baka wala na rin akong gawin. Pero kung may kawalanghiyaan pa rin na gagawin sa akin, baka si Lord na rin ang magsabi sa akin na, 'Gumalaw ka na.'"

Ano na lang ang message niya para kay Cristina?

"I have no message for her. Sa akin lang, bahala ang Diyos sa kanya. Bahala ang Diyos doon sa mga nagamit niya. Bahala ang Diyos sa kanila," pahayag ni Phillip.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN