FIRST READ ON PEP: Annabelle Rama says son Richard Gutierrez was almost speechless upon hearing DOJ dismissal of his case

IMAGE 0


Annabelle Rama is very happy about the decision of the Dept. of Justice to dismiss the Reckless Imprudence Resulting in Homicide case filed by Lorayne Pardo against the talent manager's son, Richard Gutierrez.


Si Annabelle Rama mismo ang nagbalita sa PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa desisyon ng Department of Justice (DOJ) na ibasura ang kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide na isinampa ni Lorayne Pardo laban sa kanyang anak na si Richard Gutierrez. (CLICK HERE to read related story.)

Nalaman ng PEP ang balita nang dumating kaninang hapon, March 17, si Annabelle sa presscon ng Nokia para kay Ruffa Gutierrez sa Garden Ballroom ng Edsa Shangri-la Hotel.

Ayon kay Annabelle, ang legal counsel ni Richard ang nagparating sa kanya ng balita.

Tuwang-tuwa si Annabelle sa naging desisyon ng DOJ at halos hindi raw nakapagsalita si Richard nang tawagan niya sa telepono.

Mababa ang boses ni Annabelle nang sabihin nito na nagpapasalamat siya sa Diyos dahil isa-isa nang nasasagot ang kanyang mga dasal—ang pagkakasundo ng PEP at ng kanyang pamilya, ang pagkakaloob ng korte kay Ruffa ng sole custody ng dalawang anak nito, at ang pag-dismiss ng DOJ sa kaso ni Lorayne laban kay Richard.

Mismong si outgoing DOJ Secretary Agnes Devanadera ang pumirma sa five-page resolution na nagpapawalang-sala kay Richard.

Isinumite ni Secretary Devanadera noong February 24, 2010 ang kanyang resignation bilang miyembro ng kabinete ni President Gloria Macapagal-Arroyo alinsunod sa ruling ng Supreme Court na ang lahat ng appointed officials na nag-file ng certificates of candidacy para sa May 10, 2010 elections ay dapat magbitiw sa kanilang mga puwesto. Si Solicitor General Alberto Agra ang papalit sa puwesto ni Devanadera.

Tumatakbong congresswoman si Devanadera sa lalawigan ng Quezon ngayong eleksiyon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN