Rufa Mae Quinto clueless about why Francine Prieto left Bubble Gang

IMAGE 0


Rufa Mae Quinto (main) said she herself was surprised when, one day, Francine Prieto did not show up at the taping of Bubble Gang, where the two were mainstays for almost five years. It was December of last year when Francine first hinted on her plans to leave the longest-running gag show. The text message she sent to the media and press people indicated (published as is), “Hi po. Francine here. Wala na po ako exclusive network contract with


"Sa totoo lang, hindi ko nga alam na mawawala pala talaga si Francine sa Bubble Gang," ito ang tinuran ni Rufa Mae Quinto noong nakarating sa kanya ang balitang nag-resign na si Francine Prieto sa longest running gag show ng GMA-7, na kinabibilangan din niya.

Nakasaad daw sa Facebook ng Norwegian-Filipino actress na ang executive producer at staff ng Bubble Gang ang dahilan umano ng kanyang resignation.

Hindi masyadong makapagbigay ng komento si Rufa Mae dahil wala siyang masyadong alam tungkol sa isyu.

"May naririnig na ako no'n tungkol diyan pero tuwing may taping naman kami, nandoon siya. 'Tapos noong mag-taping kami ulit, hindi na siya dumating," ang sabi ng sexy comedienne noong nakapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa isang beach resort sa Nasugbu, Batangas, kung saan naganap ang shoot para sa segment niya for Showbiz Central na "Team RMQ."

Ang usisa pa namin: Ano ba talaga ang nangyari?

Sagot ni Rufa Mae, "Nagtanong naman ako pero walang magbigay sa akin ng maayos na sagot. May nagsabi na nag-resign daw si Francine. May nagsabi naman na tsinugi raw siya. Kaya hindi ko alam na may ganyan palang problema."

Pero may napuna o nakaramdam ba siya ng tensiyon sa pagitan ni Francine at ng staff ng show?

"Kasi kapag nasa taping naman kami, may kanya-kanya kaming ginagawa kaya hindi ako aware na may problema pala si Francine with the staff.

"Ako kasi, pagdating sa taping, konting tsikahan lang tapos mag-taping na kami kaagad. Kumbaga yung kuwentuhan, hindi rin masyado nagaganap sa set kasi lahat nagmamadali rin. 'Tapos may iba pa akong mga kausap tulad ng road manager ko, mga kapatid ko, kaya clueless ako sa nababalita ngang may galit si Francine sa staff ng Bubble Gang," ang mahabang paliwanag ng alaga ng talent manager na si Boy Abunda.

Pero kung siya raw ang tatanungin, wala siyang problema sa mga nakakatrabaho niya sa naturang show, pero iyon ay dahil sa matagal na siya doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"In fairness, wala akong problema with them. As compared naman kasi kay Francine, mas matagal na nga akong kasama nila kaya kilala na nila ako. 'Tapos magkatsika na kami ng staff. Kaya there's no problem at never akong nagkaroon ng bad experience with them.

"Hindi naman siguro ako tatagal sa show na iyon kung hindi maganda ang samahan namin, di ba? Kaya hindi ko alam yung case ni Francine. Baka may ibang istorya iyon. Baka internal problem iyon na sila-sila lang ang may alam," ang kuwento ni Rufa Mae.

Dagdag pa niya, "Kasi sila Ogie [Alcasid], Bitoy [Michael V], Wendell [Ramos] and the rest, wala rin silang naging problema. Sana kung meron, nag-uusap naman kami at wala namang nagre-raise ng issue with the staff."

Hindi pa raw nababasa ni Rufa Mae ang naisulat ni Francine sa Facebook account nito (CLICK HERE). Matagal na rin daw kasi silang hindi nagkakausap ni Francine since nawala ito sa show.

Aniya, "Nagkukumustahan pa rin naman kami through text. Nabanggit ko nga sa kanya before na one day, bibisitahin ko ang mommy niya. Mabait kasi ang mommy ni Francine kaya nalungkot din ako noong malaman kong may sakit ito.

"Tungkol nga sa sinulat daw ni Francine sa Facebook, hindi ko pa nababasa iyon. Pero kung anuman ang laman n'on, unawain na lang sana natin. Alam naman ng lahat na may malaking problema si Francine ngayon na dinadala. Siguro one way na ma-release lang niya ang mga nararamdaman niya.

"Gusto ko siyang kausapin at magkuwentuhan kami. Baka may mga gusto siyang sabihin at handa naman ako makinig sa kanya. After all, magkaibigan naman kami ni Francine kahit na hindi kami yung sobrang close. Five years din kami nagkasama sa Bubble Gang kaya may times na nagba-bonding kami lalo na kapag out-of-town ang mga tapings namin."

At kung merong hangad si Rufa Mae, iyon ay ang maayos na ang lahat para kay Francine. Maging positive na muli ang outlook nito sa buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ba nga ang sabi ko, e, positivity lang!" tawa pa niya.

"As in puro positive lang ang isipin sa buhay para mawala ang mga negativity! The more kasi na iniisip mo ang negative, naaapektuhan ka at talagang mada-down ka. Kaya ako, positive lang parati at smile lang nang smile kahit may mga problema.

"Pero ang importante sa lahat ay ang prayers. Kahit na maraming trials, pasalamat ka pa rin kay Lord. Sabi nga na hindi ka naman bibigyan ni Lord ng pagsubok kung hindi mo kakayanin.

"Kaya to Francine, be strong kasi alam namin na matapang kang tao at kakayanin mo itong mga nangyayari sa iyo ngayon," payo ni Rufa Mae sa kaibigan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN