Guji Lorenzana still waiting for Kaye Abad to confirm her breakup with Chito Miranda

IMAGE 0


""I can say closer kami nga, I can say that naman. Dito sa Pilipinas kasi, it takes time. Ako, I'm taking my time pa rin. We have to take more time. Pangit naman kasi from a relationship, papasok ka agad sa isa. We have to know each other pa," replies Guji Lorenzana when asked about the status of his relationship with Kaye Abad.


Hindi pa man nakukumpirma ang breakup ni Kaye Abad at ng lead vocalist ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda, balitang madalas daw nakikitang kasama ng aktres ang perennial screen partner nitong si Guji Lorenzana. Ayon sa ilang sources, "sweet na sweet" sa isa't isa sina Kaye at Guji.

Very vocal naman si Guji sa pagsasabing gusto niya si Kaye and he will pursue whatever he feels for her. Mas lalo ngang nagkaroon ng linaw ang lahat dahil kamakailan ay personal nang ipinakilala ng singer-actor si Kaye sa kanyang pamilya sa States.

Kuwento ni Guji sa PEP (Philippine Entertainment Portal), "Actually we came from the States. Galing kami ng San Francisco for a show, sold out ang concert namin, so masaya talaga. It was a long trip kaya I can say na mas naging close kami, tapos she was able pa to see my family, she's able to see where I grew up. Pumunta yung family ko sa show. They love her and even yung mga sisters ko, gusto si Kaye."

Pero ano ba talaga ang totoong esatado ng relasyon nila ni Kaye?

"Okay naman, good friends pa rin kami," sagot ni Guji. "I can say closer kami nga, I can say that naman. Dito sa Pilipinas kasi, it takes time. Ako, I'm taking my time pa rin. We have to take more time. Pangit naman kasi from a relationship, papasok ka agad sa isa. We have to know each other pa. Especially sa showbiz, it's very difficult to have a relationship. So, mas maganda kung maging friends muna kami. We still go out, we still see each other."

Aminado naman si Guji na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin niya tinatanong si Kaye kung talaga bang break na sila ni Chito.

"I'm waiting for her to confirm it to me," sabi niya. "Naririnig ko ang balitang 'yan, nababasa ko sa Twitter. Ako naman kasi, I wouldn't pursue her kung alam kong mayroon siyang boyfriend."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

As for his career, Guji is really happy sa dami ng projects na pinagkakaabalahan niya ngayon.

"Maraming blessings this year," sambit niya. "Mayroon akong play later this year kasama ko si Nikki Gil... I'm one of the love interests of Nikki in Legally Blonde. I have a Sunsilk project with Sarah [Geronimo]. Halos every day siya, parang teleserye, called microserye. I'm also part of Babe I Love You with Sam [Milby] and Anne [Curtis], and kasama din ako sa Magkano ang Iyong Dangal. Ako yung business partner ni Rayver na taga-States.

"Sana rin magkasama kami uli ni Kaye sa isang project," asam pa ni Guji.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN