Vice Ganda fantasizes about the women he'd like to be and the men he'd like to be with

IMAGE 0


If he could turn into any female celebrity, Vice Ganda said he'd like to be Gretchen Barretto for her "timeless beauty" and Anne Curtis for her sexy lips. As for the men he'd love to hook up with, top of the list is Piolo Pascual, "ang pinakaguwapo sa showbiz," texting him, "Puwede ka ba tonight? Ha! Ha! Ha!"


Si Vice Ganda ang pinakabagong celebrity endorser ng Calayan Surgicentre.

"Na-flatter naman ako... hindi naman basta-basta ang Calayan Surgicentre."

Naitanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Vice Ganda kung halimbawang maging babae siya, in terms of beauty, sinong female celebrity ang gugustuhin niyang maging? Hiningan namin siya ng tatlong choices.

"Si Gretchen [Barretto], kasi ewan ko, parang sobrang timeless ang ganda ni Gretchen. May nakita nga akong picture dati ni Gretchen noong 14 Going Steady, parang hindi masyadong nagbago yung mukha niya...

"Gusto ko siyempre si Angelina Jolie. Itotodo ko na yung Angelina Jolie, noh! At 'tsaka Audrey Hepburn, iyon.

"Isa pang local? Teka, baka mamali ako, baka may ini-endorse na iba, e.

"Si Anne Curtis, oo. Yung Gretchen kasi parang mataas na level, e. E, ang Anne bagets naman na diyosa, kasi parehong diyosa yun. Ang seksi ng lips ni Anne, si Gretchen din ang sexy ng lips."

MALE WISH LIST. Kapag maganda na siyang babae, sino naman ang tatlong male celebrities na gusto niyang mag-text sa kanya, at ano ang gusto niyang i-text sa kanya?

"Si Piolo [Pascual]... yun naman ang pinakaguwapo sa showbiz."

Ang gusto raw niyang i-text sa kanya ni Piolo ay, "Puwede ka ba tonight? Ha! Ha! Ha!

"Ang guwapo kasi talaga ni Piolo, ewan ko ba, hindi ako nagsasawang titigan si Piolo. Kahit nung hindi pa ako nag-aartista tapos ngayon na kahit papaano artista na rin ako, nananatili akong fan ng mukha niya."

Nag-bonding na sila ni Piolo sa ASAP, pero, "Ay, nahiya ako, ayokong dumidikit, oo! Pinakilala nga ako ni Pokwang dun, nanliliit ako, hiyang-hiya ako."

Susunod sa listahan niya si Si Sam Milby.

"Ang ganda ng katawan ni Sam. Ang ite-text naman niya, 'Uy, puwede rin ako tonight, ha?'" muling tumatawang sinabi ni Vice Ganda.

"E, kasi gusto kong um-Anne kaya magsa-Sam ako." Bukod pa roon, "Ang dami ko nang projects na nakasama siya... mabait siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pangatlong choice ni Vice Ganda ay si Jon Avila.

"Ang ite-text niya sa akin? 'Free ako tomorrow night!'"

Bakit si John Lloyd Cruz na nakasama niya sa In My Life, hindi siya naakit dito?

"Iba si John Lloyd, kasi hindi naman seksi yun, cute siya, pogi, ganun. Mas gusto ko kasi yung seksi kesa sa pogi."

Seksi naman si Luis Manzano na nakasama rin ni Vice Ganda sa In My Life.

"Kaya lang nakakatawa kasi si Luis, e. Ibang naging bonding namin nun, wala akong naramdamang malisya. Bago ko pa siya harutin, haharutin na niya ako na walang kamali-malisya, walang kabastusan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN