Toni Rose Gayda and family try to find solace and meaning in the short, tragic life of James Lim

IMAGE 0


Toni Rose recalls: "Maliit pa siya nun, nakita niya 'kong umiiyak, kasi, naghiwalay na nga kami noong ex-husband ko. Tapos sabi niya, 'Mom, don't cry.' Tapos sabi niya, 'Mom, sana, iba na lang ang napangasawa mo kahit hindi na lang kami naging anak mo, basta naging masaya ka lang.'"


Mag-aalas singko ng umaga ng Biyernes, March 19, nang matagpuan si Edward James Lim, ang bunsong anak ng Eat Bulaga! host na si Toni Rose Gayda, sa ibaba ng tinitirhan nilang condominium sa Mandaluyong City. Balitang nahulog siya mula sa balkonahe ng unit nilang nasa ikaapat na palapag.

Namatay din ng araw na iyon ang 27 anyos na anak ni Toni Rose Gayda at apo ng screen legend na si Ms. Rosa Rosal.

Ang panganay na anak ni Toni Rose na si John daw ang nagbalita ng trahedya sa mga kasamahan ng ina sa Eat Bulaga! sa pamamagitan ng text message.

Sa Funeraria Paz ginawa ang cremation ni John kinahapunan ng Biyernes ding iyon at nagkaroon ng lamay ng dalawang araw sa Santuario de San Jose sa Greenhills, San Juan City.

LAST MOMENTS. Sa kauna-unahang pagkakataon, humarap si Toni Rose sa camera para sa isang interview with Startalk, kahapon, Sabado, March 20.

"The other night, pinagalitan ko, sabi ko, 'James, favor naman, don't smoke na in your room.' Sabi ko, 'If you can just go out.' Tapos, sabi naman niya, 'Sige, Ma, I will.' So, four o'clock kanina, nagising pa, the usual, nag-computer pa, ganyan... kumain, tapos, bumili siya ng sigarilyo. Siguro, tinamad nang bumaba ulit, binuksan niya yung balcony, dun siya lumabas. Fourth floor kami, e. May railing kami na ganun. So ngayon, ang ginawa niya siguro, umupo.

"E, malaki yung anak ko, 6'2" na medyo mataba nang konti. Siguro umupo siya run, na-off balance."

Magkakasamang nakatira sa unit sina Toni, ang inang si Rosa Rosal, at ang dalawang anak na sina John and James.

Tinuloy ni Toni ang kuwento: "Narinig ng mga yaya sa second floor na may umuungol. So, nag-report sa guard na parang may nangyari, kasi may narinig silang parang bagsak nga na malakas.

"So, ginising ng guard yung mga drivers. Umakyat yung driver ko sa 'taas. Sabi niya, 'Ma'am, nahulog si James. May nangyari ho... basta sumama kayo.' So, nag-panic na 'ko nun. Then, I saw him. Sabi niya, 'Ma, I'm in pain.' Sabi niyang ganun, 'Pain... pain...' gumaganun siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko, 'James!' Ni hindi ko na natanong what happened. Sabi ko, 'James, hang in there.' Tapos, sabi niya, 'Water, water...' Binigyan namin ng tubig. Hinintay naming dumating yung ambulance. Pagdating ng ambulance, sa loob ng ambulance, sumisigaw siya. Sabi niya, 'Ang sakit, I'm in pain!' Gumaganun siya...

"So, we took him to the hospital. Pagdating dun, sabi niya, 'Please, lagyan n'yo ko ng kahit na ano,' kasi, sobra nga raw yung sakit. Noong tsinek yung BP [blood pressure] niya, it was 173 over 83, then, sabi ng doctor, 'I'd rather have it high than low.' Pero siguro in five minutes or less, biglang ano na, biglang bumababa na ang BP niya.

"Tapos nakita namin siya nun, medyo lumalayo ako nun, ayoko munang tumingin. So, akala ko, medyo okey na. Kasi, nakita ko, wala naman sa ulo. Pero later on, nasabi nila, may dumugo rin daw," sabay turo ni Toni sa kanyang ilong.

Nag-cardiac arrest na raw si James.

Ayon kay Toni, "Nag-cardiac arrest. Sabing ganun ng mommy ko, 'Stop it na.' So that's it, he was declared dead already at 6:30 ng umaga. Siguro, umabot pa siya ng mga 30 minutes sa hospital."

AT HOME WITHOUT JAMES. Noong makauwi na si Toni, sabi niya, ang "pinakamasakit sa lahat, was I think, yung umakyat ako..." Sa puntong ito ng kanyang pagkukuwento, hindi na napigilan ni Toni ang maiyak.

"Kumuha ako ng damit niya. Halik ako nang halik sa kumot, halik ako nang halik sa unan niya. Kasi miss na miss ko yun... Gusto ko yung naamoy ko pa siya. Sabi ng katulong namin, 'Alam mo, 'Ma'am,' noong pag-akyat ko, tumutugtog pa raw yung PSP [PlayStation Portable] niya. 'Tapos,' [sabi ng maid], 'alam n'yo, picture n'yo lang ang nandun.' Yung parang screen saver niya raw yung mukha ko. Ganun kami ka-close."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong pa niya, "May part ng konting sisi siguro kung bakit ko sinabing huwag kang mag-yosi sa kuwarto mo. But then, naiisip ko rin, siguro, talagang oras na niya. So yun, you just have to let go."

Budding musician si James kung ilalarawan ng kanyang mga kaanak at kaibigan. Balak pa sana nitong tapusin ang kanyang pag-aaral, isang pangakong ibinigay niya sa kanyang lola.

"Dapat mag-e-enroll siya for summer. Sa March 22 for summer. In fact, kagagaling lang niya sa school."

Dugtong pa niya habang umiiyak, "I remember noon, maliit pa siya nun, nakita niya 'kong umiiyak, kasi, naghiwalay na nga kami noong ex-husband ko. Tapos sabi niya, 'Mom, don't cry.' Tapos sabi niya, 'Mom, sana, iba na lang ang napangasawa mo kahit hindi na lang kami naging anak mo, basta naging masaya ka lang.'

"Paano ka naman hindi aanuhin nun... parang hinihiwa. 'Basta makita lang kitang masaya.'"

NO PREMONITION. Kung babalik-tanawin daw ni Toni, wala siyang nakitang anumang palatandaan na iiwanan na siya ng kanyang bunso.

"Wala... nothing at all. It was a normal day for everybody. Only I have lang siguro that I will call a premonition was two days ago, may hinahanap ako na white na polo shirt. Pina-dry-clean ko. Kasi minsan, nagsi-share sila ng damit na magkapatid.

"Sabi ko pa, 'James, sa 'yo na lang 'to, gamitin mo sa special occasion na lang kasi,' sabi ko, 'sayang naman 'to. Armani pa 'yan... isuot mo na lang for special occasion.' Well, little did I know na ito yung special occasion niya that I'd like to call it special, because I'd like to believe that he's in heaven already and with the Lord."

SUICIDE RUMOR. Sinagot din ni Toni ang mga alegasyong nagpakamatay daw ang anak. Ayon sa isang artikulong lumabas sa Inquirer.net noong Biyernes, may nakalap daw silang report na suicide ang sanhi ng pagkamatay ni James at hindi aksidenteng pagkahulog.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ang sagot ni Toni Rose: "Matalino naman ang anak ko. Kung magsu-suicide 'yan, aakyat 'yan sa rooftop. Dun tatalon 'yan. Bakit ka naman tatalon sa alam mong masasaktan ka lang, mababalian ka lang? So he really slipped. At nang inano namin sa medicolegal, meron siyang konting lamog lang dito [sa may bahagi ng leeg malapit sa mukha].

"Ang bumigay talaga was his elbow. Lumabas yung bone niya rito at lahat sa arms niya. Yung rib cage niya, I think, it pressed against the liver. So, na-lacerate yung liver niya sa kanan. Tapos yung kanang leg niya, bali."

Sinagot din ni Toni ang tanong kung bakit mabilis nilang pina-cremate ang mga labi ni James.

"Wala talaga kaming balak na ilibing siya. Kaya pina-cremate. Kasi gusto ko, kami ng mommy ko, kasi, siyempre, gusto mo yung may nayayakap ka pa. Nauuwi mo, nadadala mo."

Ang message ni Toni Rose sa kanyang anak:

"James, you know, I love you so much. I'm going to miss you so much. I know you'll be happy. I'll be sad. But I know, yakap-yakap ka na ng totoo mong Ama. At mas masaya ka sa aming lahat dito. And that alone, you know, gives me peace and strength.

"Sabi ko nga, sa Panginoon, nagpapasalamat ako na pinahiram niya si James sa akin ng 27 years. Thank you, thank you for the wonderful, wonderful blessing. Maaaring sa iba, hindi ganun ang blessing ko, but I am really blessed with my two wonderful sons. I am really proud of them."

ROSA ROSAL RECOUNTS HOSPITAL SCENE. Nakausap din ng Startalk ang lola ni James na si Ms. Rosa Rosal.

"I was with him when he had his last breath. Kasi, nakita ko noong niri-revive. Sabi ng doctor, 'Okay lang ba sa inyo or we'll stop it?' Kasi, I've been with the Red Cross, sanay ako sa first aid and everything like that."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinuwento niya ang nabanggit na pangako ng apo sa kanya.

"I was talking to him two weeks ago. Kasi, nadulas ako kaya nga ako naka-brace. Ngayon, sabi ko sa kanya, 'James, promise me that even when I'm not still around, you will finish your studies.' Then, sabi niya sa akin, 'Mom, sit down, I want to talk to you.'

"Sabi ko, 'What?' 'Don't worry about us. Of course, we cannot say we'll not grieve when you go,' sabi niyang ganun, 'the Lord takes you home. But then, just remember, God is taking care of us all this time and He will always take care of us.'"

Patuloy ng veteran actress, "Sa ngayon, hindi pa masyadong nagsi-sink in sa akin. Yung wake, we're gonna make sure that it's going to be tonight, then, Sunday, I'm gonna take him home. Dun muna siya sa akin."

Ayon pa sa lola niya, "Praise Him not just for the good times but also in bad times. So, there's no need why his death was the last... Thank You, Lord. Thank You for taking him home. Praise You, Praise You. Ang konsuwelo namin ni Toni, I know that he's in the arms of Jesus right now...

"God has blessed us with wonderful boys also. Ang mga pangalan pa nga nila ay John at James."

GRIEVING BROTHER. Nakausap din ng Startalk ang kapatid ni James na si John Lim.

"Hindi ko matanggap... hindi ko matanggap that I lost yung kasama ko. Matagal ko nang kasama. Isang tao na mahal na mahal ko. Wala na siya," ang pahayag ni John na hindi rin napigilan ang pagtulo ng luha.

"Yung uuwi ako tonight na magkatabi pa kami ng kuwarto. Uuwi ako tonight na wala... madalas sinasalubong niya 'ko. Pero wala na siya. Kinuha na siya ni Jesus."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong pa niya, "I'm glad that I've known my brother for 27 years. And parang magkikita rin naman kami someday. We can never escape that and it's just so hard na kami ang mga maiiwan. And siya... hindi na siya ganung mahihirapan.

"Sana, I could have spent more time with him because I will really miss him talaga."

Pumunta si Butch Francisco sa Santuario de San Jose para sa lamay. May personal itong kuwento tungkol kay Ms. Rosa Rosal na inilahad niya kahapon sa Startalk.

Ayon kay Butch, "Last March 5, I hosted the award presentation para sa Gawad Parangal ng mga Ginintuang Bituin ng Pelikulang Pilipino. At one of the awardees was Rosa Rosal. And in her acceptance speech, she made a public declaration when she said na inihahabilin niya sa akin kung anuman ang mangyari sa kanya ang kanyang anak na si Toni Rose at ang kanyang mga apo na si John at si James.

"Who would have known that two weeks later, James, at age 27, ay mauuna pa sa ating lahat?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN