Recent legal ordeal teaches Aljur Abrenica how to deal with fans

IMAGE 0


"Kilala ko nga po ang katulad ko na sobrang bait po talaga, sobrang warm sa mga supporters natin. Yung sobrang bait, sa next time, lahat ng sobra masama. May limitasyon na," says the actor, who was accused by a minor last year of acts of lasciviousness.


Live na nakapanayam ng Startalk si Aljur Abrenica kahapon, March 20, ilang araw matapos ma-dismiss ang kasong acts of lasciviousness laban sa kanya. (CLICK HERE here to read related story.)

Halos mag-iisang taon na nang akusahan si Aljur ng pang-aabuso ni Michelle Denise, isang menor de edad, at ng ina nitong si Rachel Saludo. Ngayong napawalang-bisa na ang kaso, ano ang nararamdaman ng aktor?

"Unang-una, nagpapasalamat ako kay Lord na natapos na rin, lumabas na rin ang katotohanan. At sa family ko, sa mga supporters at naniniwala sa akin, nagpapasalamat po ako sa kanilang lahat. At sa GMA-7 at sa Artist Center, nagpapasalamat po ako sa kanilang lahat."

IMPACT ON THE FAMILY. Malaking ginhawa ngayon ang nararamdaman ng kanyang pamilya.

"Sobrang naging emotional ang aking mother. Kasi nga, bilang isang ina, hindi niya ine-expect na mangyayari yun sa kanyang anak. Siyempre, unang-una, nanay ko 'yan, hindi niya matanggap. Kasi, kasama ko sila sa Puerto Galera. Kasama ko sila... vacation kasi yun kaya hindi nila ine-expect na mangyayari yun."

Napag-usapan na ba nila na magsampa ng counter suit?

"Actually po, hindi pa po kami nagkakausap ng aking father tungkol d'yan. Nakausap ko pa lang po siya tungkol d'yan. Actually, ang pinakanaapektuhan dito ay ang aking father dahil unang-una, dala-dala ko nga po yung kanyang pangalan, yung Abrenica nga po.

"Hindi lang po ang aking father kung hindi ang buong angkan ng Abrenica. At sila lang, sila lang ang gumawa nito sa amin."

Aspiring artist daw yung menor de edad. So, may posibilidad na magkita silang muli. Ano raw ang gagawin at sasabihin ni Aljur kung mangyari man ito?

"Ang sa akin naman po kasi, wala po akong hinangad kung hindi matapos na lang po ito at magtrabaho. Kung magkita man kami, wala na sa akin yun, tapos na sa akin yun."

ARTISTS SHOULD TAKE CARE. Napatawad na ba niya ang mag-inang Rachel at Michelle?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Opo, napatawad ko na po silang mag-ina. Pero, ako po yun. Hindi pa po ako sigurado sa ibang family ko. Like yung tatay ko, hindi ko po alam. Hindi ko pa po alam kung ano ang iniisip nila ngayon, kung ano ang pinaplano nila. At kung ano ang magiging action namin kung magkita-kita po kaming lahat."

May natutunan si Aljur sa pangyayaring ito at gusto niyang iparating sa mga kapwa niya artista:

"Kilala ko nga po ang katulad ko na sobrang bait po talaga, sobrang warm sa mga supporters natin. Yung sobrang bait, sa next time, lahat ng sobra masama. May limitasyon na."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN