Jennylyn Mercado and former PA carry on word war at bail hearing

IMAGE 0


"Habang nagsasalita siya sa court, nakita ko yung pagiging sinungaling niya. Lumabas yung pagiging artista niya," said Mel Pulmano. "Gusto kong marinig sa kanya, gusto kong aminin niya rin na nagkamali siya," said her former boss, Jennylyn Mercado (in photo).


Last Tuesday, March 16, nagharap sina Jennylyn Mercado at ang dati niyang assistant na si Rowena "Mel" Pulmano sa Quezon City Regional Trial Court Branch 77. Matatandaang kinasuhan ng aktres ng qualified theft ang kanyang dating personal assistant noong Oktubre 2008.

Ang nasabing paghaharap ay para sa pagdinig sa petition for bail ni Mel na kasalukuyang nakalagak sa piitan. Ayon sa kanyang abogado na si Atty. Cornello Samanigeo, since October of last year ay naka-detain na raw ang kanyang kliyente. March 2010 na, kaya ngayon ay nagpe-petition sila for bail.

Ang nakangiting obserbasyon ng aktres tungkol sa panahon niya sa tunay na korte, "Yung mga ginagawa namin sa taping, ganun din pala ang nangyayari, iba lang ang feeling. Ganun lang."

Ayon naman kay Mel, "Kay Jennylyn, wala na yung dati na love na love ko siya. Nawala na yun."

WAITING FOR ADMISSION OF GUILT. Isang bagay ang hinihintay na marinig ni Jennylyn sa kanyang dating PA.

"Gusto kong marinig sa kanya, gusto kong aminin niya rin na nagkamali siya."

Pero pahayag ni Mel, "Habang nagsasalita siya sa court, nakita ko yung pagiging sinungaling niya. Lumabas yung pagiging artista niya."

Tila natatawang sinagot ni Jennylyn ang pahayag na ito ng, "Kung nagsisinungaling ako, e, di sana, hindi na lang ako nag-aksaya ng panahon na magdemanda pa. Pinabayaan ko na lang.

"Wala naman akong ibang sinabi kung hindi yung totoo. Ang totoo, kahit pa siguro paikut-ikutin, paiba-ibahin ang tanong, yun pa rin ang sasabihin mo."

GUMAPANG LOVE INTEREST. Sa ibang developments sa buhay ng aktres, sinabi niyang mananatili siyang talent ni Becky Aguila, sa kabila ng mga intrigang aalis na siya sa poder nito.

"Hindi po," tanggi ni Jennylyn. "Last year pa po ako nakapag-renew ng contract at hindi pa po tapos."

Itinanggi rin ni Jen na may plano siyang umalis sa Kapuso network.

"Hindi... unang-una, matagal pa yung contract ko. Mga one year and a half pa. Pangalawa, wala naman kaming problema at wala naman sigurong dahilan para umalis kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kanyang sinenobela na Gumapang Ka Sa Lusak, may bago raw tagahanga si Jennylyn. Ito ay ang StarStruck V Second Prince na si Rocco Nacino.

Hindi kaya si Rocco ang makapag-convince sa kanyang pumasok muli sa isang relasyon?

"Why not?" natatawang sagot naman ni Jennylyn. "Nice naman siya, very friendly. Ano siya, makuwento. Tapos, mabait siyang tao kaya siguro nami-misinterpret lang siya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN