Bea Alonzo says she's clueless about the real score between Shaina Magdayao and John Lloyd Cruz

IMAGE 0


"Sa totoo lang, honestly, hindi sila nakakapagkuwento sa akin, so wala akong alam. Kung anuman ang naririnig n'yo, yun lang din ang naririnig ko. I'm sure, mas marami pa kayong alam kesa sa akin!" says Bea Alonzo when asked about the relationship status between her best friend Shaina Magdayao and her perennial screen partner John Lloyd Cruz.


Sa launching ng perfume line niya para sa Kashieca last Saturday, March 20, hiningan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Bea Alonzo ng komento tungkol sa balitang sina Shaina Magdayao at John Lloyd Cruz na. Si Shaina kasi ay best friend ni Bea samantalang si John Lloyd naman ang madalas na screen partner niya.

"Sa totoo lang, honestly, hindi sila nakakapagkuwento sa akin, so wala akong alam. Kung anuman ang naririnig n'yo, yun lang din ang naririnig ko. I'm sure, mas marami pa kayong alam kesa sa akin!" natatawang sabi niya.

Bilang best friend ni Shaina, hindi ba nagkakatampo kung sakali at hindi nga ito nagkukuwento sa kanya?

"Well, hindi," sagot niya. "Before anything happened, kami ni Shaina, hindi na rin kami masyadong nagkakakuwentuhan kahit magkasama kami. Sa ASAP naman, mabilisan lahat ng bagay. Naging busy siya, naging busy ako. Hindi na kami masyadong nakakapag-catch up talaga sa buhay niya, sa buhay ko."

Kung sakaling totoong may namamagitan na nga sa kanyang ka-loveteam at sa itinuturing niyang best friend, hindi naman daw ito magiging dahilan para magkasira sila.

"Ako naman, kung saan sila masaya. I mean, sino ka ba naman para hindi maging masaya sa mga taong masaya, di ba?" sabi ni Bea.

CONTROVERSIAL PHOTO. Nagulat naman si Bea nang tanungin tungkol sa controversial photo ng magkasintahang Angelica Panganiban at Derek Ramsay na lumabas sa isang tabloid. Naitanong ito kay Bea dahil makakasama niya kasi sa isang primetime series si Derek.

Pero ani Bea, "Hindi ko narinig 'yan at saka hindi pa kami nagkakausap ni Derek. Kasi noong last workshop namin, hindi siya nakapunta kasi may sakit siya."

Pero ano ang masasabi niya sa lumabas na litrato kung saan nakapasok ang kamay ni Angelica sa shorts ni Derek?

"Parang hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. I mean, hindi naman tayong lahat perpekto. I mean, ang hirap naman magsalita pagdating sa ganung bagay kasi hindi ko naman problema yun. Nakakatakot namang mag-comment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ni Bea, "Kaibigan ko si Angelica. Kaibigan ko rin si Derek. Mabubuti silang tao. 'Saka alam nila kung ano ang ginagawa nila. I mean, siguro naman, sila ang makakasagot nun, hindi ako."

GRETCHEN BARRETTO. Puring-puri naman ni Bea ang isa pa niyang co-star sa teleserye ng ABS-CBN na si Gretchen Barretto. Napakasimple lang daw pala nito at parang bata. Hindi rin daw ito mapili sa kinakain.

"Alam n'yo, simple lang ang kinakain namin [sa workshop] like chopsuey, as in bongga talaga. Dun lang sa may tapat ng ABS binili," banggit ni Bea.

Nagulat pa si Bea nang may magsabi sa kanya ng pagiging generous ni Gretchen at mahilig itong magregalo sa mga nakakasama at nakakagiliwan.

"Wow, bongga yun, a! Kasi, mas marami siyang pera!" natatawang sabi ni Bea.

MOVIE WITH LT. Aside from her new drama series, may pelikula ring sisimulan si Bea under Star Cinema that will co-star her again with Lorna Tolentino. This time, movie naman ang pagsasamahan nila after their TV series Kay Tagal Kang Hinintay.

"Bongga kasi family drama siya," sambit ni Bea. "Ito ang follow-up ni Direk Laurice Guillen sa Tanging Yaman na matagal nang nagawa, di ba? Kasama ko si Coco Martin, si Tita Lorna, si Enchong Dee, Erich Gonzales at saka may dad pa...hindi ko pa lang alam kung sino."

Sabay raw halos niyang gagawin ang soap at movie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN