Alex Gonzaga welcomes Cristy Fermin as new regular co-host in Juicy

IMAGE 0


"Nakikita n'yo naman, mga kinukuha na rin ng network may name. So, kung ngayon ako papasok, I don't think na ibibigay sa akin ang lahat ng proyektong ibinibigay sa akin ng TV5 kung hindi ako na dati pa rito," says Alex Gonzaga about the sudden influx of new talents in TV5.


For the longest time, solo ni Alex Gonzaga ang paghu-host ng daily showbiz talk show ng TV5 na Juicy habang may mga showbiz reporters lang siyang nakakatulong na mag-interview sa celebrity guest kada episode. Eventually, Alex was joined by IC Mendoza.

At sa muling pagbabagong-bihis ng TV5 ay madadagdagan na naman sina Alex at IC sa pagpasok ng veteran columnist na si Cristy Fermin sa Juicy. Dahil dito, may nagsasabing mawawala na raw si Alex sa paghu-host ng naturang talk show. Pero nilinaw agad ng younger sister ni Toni Gonzaga na hindi siya mawawala sa Juicy, along with IC.

"Actually, na-welcome na po namin si Nay Cristy sa show," sabi ni Alex. "Mapapanood po siya pero hindi pa yun ang talagang start na host na rin po siya. Welcome pa lang, siya ang guest namin. Kasi pagpasok po ni Nay Cristy, siyempre bongga lahat. Papalitan pati set. Papalitan pati logo. Pero kami ni IC, hindi naman po kami papalitan. Showbiz talk show pa rin, pero nandun na po si Nay Cristy.

"Masaya po ako. Kasi never ko pang nakatrabaho si Nay Cristy. At saka bakit naman ako maiinis? Nanay Cristy naman yun, hindi ko naman ka-level. At saka natuwa rin po ako kasi close naman si Nanay Cristy at saka mommy ko at ate ko. But we never had a chance na magkasama. At least ngayon, mas magiging close na 'ko kesa sa kanila dahil every day kaming magkakasama."

Si Alex ang tinatanong ng reaction niya sa pagpasok ni Cristy sa kanilang show dahil siya ang original host ng Juicy. Hindi naman daw niya inisip na matatanggal na siya at papalitan.

"Kasi sa totoo lang po, hindi ba, nagge-guest kami ng mga reporter, palagi kong sinasabi kay Omar [Sortijas], 'Omar, bakit hindi natin i-guest si Nanay Cristy, kasi gusto ko siyang maging guest dahil ever since bata, napapanood ko na siya.' Kaso, sinasabi ni Omar na hindi right time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, noong nalaman ko na makakasama ko nang regular, siyempre mas natuwa ako. Gusto ko nga lang guest siya, e, ngayon pang makakasama ko na siya. Siyempre, advantage din dahil kami naman ni IC, baguhan lang. Wala pa kaming masyadong authority. Unlike sila Kris Aquino, Boy Abunda... Although si IC, lahi naman siya ng mga press, pero nag-aartista kasi si IC. So, parang mahirap manggaling sa amin yung mga balita. Kaya lang kami pinapanood dahil din siguro sa mga press people at saka siguro masaya kaming panoorin," saad ni Alex.

In fairness, Juicy ang isa sa pinakamatagal nang show ng TV5 mula nag i-relaunch ito.

GROWING NETWORK. Confident naman si Alex sa kung anumang kinalalagyan niya ngayon sa network kahit alam niyang maraming artista ngayon ang gusto na ring mapabilang sa TV5. Bukod pa sa marami na ring nire-recruit ang TV5 na mga artista mula sa ibang networks.

"Kasi alam mo, ang TV5 at saka mga kasamahan namin sa TV5... Di ba, sa ibang istasyon, kapag alam mong may pumasok, alam mong mawawala ka? Pero dahil sa TV5, hindi pa naman siya...ano pa naman siya, hindi siya yung you're not needed, out. Hindi siya ganun. Hangga't mabibigyan ka ng trabaho, bibigyan ka nila ng trabaho.

"At saka siguro kung dumating man na tanggalin kami sa Juicy, alam naming bibigyan kami ng bagong show. Loyal naman ang network at alam naming inaalagaan nila ang mga artista," sabi ni Alex.

Kung tutuusin, isa sa maituturing na "reyna" ng TV5 si Alex sa dami ng shows niya rito. Bukod sa Juicy na araw-araw napapanood, kasama rin siya sa Lokomoko at Everbody Hapi. May ginagawa rin daw siyang bagong youth-oriented show at balitang kasama rin siya sa Sunday variety show ng network.

Mas gusto raw ni Alex na dumarami na ngayon ang stars ng TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mas gusto ko talaga yun kasi ever since, di ba? Isa kayong network, expected masaya, marami kayo. Siyempre, kahit na sabihin mo na masaya, like dati kapag nag-Christmas party ang TV5, konti pa rin dahil parang hindi mo ma-feel na big network kayo.

"Ngayon, mas matutuwa ka na maraming-marami na tayong makakasama. Marami nang staff at maraming artista na kilala pa sa showbiz," sambit niya.

Ang edge nga lang daw niya ay isa siya sa pioneer ng network.

"E, nakikita n'yo naman, mga kinukuha na rin ng network may name. So, kung ngayon ako papasok, I don't think na ibibigay sa akin ang lahat ng proyektong ibinibigay sa akin ng TV5 kung hindi ako na dati pa rito," saad ni Alex.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN