FIRST READ ON PEP: Ruffa Gutierrez on Yilmaz Bektas's reported wedding: "He hasn't admitted anything and he hasn't denied anything."

IMAGE 0


"I was actually expecting something na baka kumirot ang puso ko or baka maglulupasay ako or...naghihintay ako kagabi na, okey, baka naman if I'm alone na, like biglang mag-iiyak ako, magli-listen ako ng mga Turkish songs, wala! Nakakaloka, hintay ako nang hintay, wala akong naramdaman. So, siguro nga, time heals all wounds," says Ruffa Gutierrez about the news that her ex-husband, Yilmaz Bektas, is marrying former Miss Universe Zuleyka Rivera Mendoza.


Isang araw pagkatapos pumutok dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ng balitang pagpapakasal diumano ng Turkish businessman na si Yilmaz Bektas sa Miss Universe 2006 na si Zuleyka Rivera Mendoza, nakuhanan na rin namin sa wakas ng reaksiyon ang dating asawa ni Yilmaz na si Ruffa Gutierrez. (CLICK HERE to read related story.)

Nakausap ng PEP si Ruffa sa trade launch ng TV5 kagabi, March 25, sa World Trade Center, Pasay City.

Ayon kay Ruffa, nakausap niya si Yilmaz kahapon ng madaling-araw sa pamamagitan ng Skype. Inilagay niya kasi sa Twitter account niya na meron siyang "ka-reminiscing" at "time heals all wounds." Incidentally, kung hindi sila nagkahiwalay ay kahapon sana ang 7th wedding anniversary nila.

"Okay naman, we're back on speaking terms. We're communicating at naging masaya naman ang pag-uusap namin last night. We actually talked for three hours," sabi ni Ruffa nang kumustahin ng PEP ang pag-uusap nila ni Yilmaz.

Tinanong ba niya si Yilmaz sa balitang pagpapakasal nito kay Zuleyka sa June 21?

"Tinanong ko siya, pero hindi niya ako mabigyan ng sagot," sabi ni Ruffa. "Well, he hasn't admitted anything and he hasn't denied anything. So, I guess it's not my place also to comment if it's true or not. Siguro it's better kung siya ang tanungin natin, if ever."

Baka gusto ni Yilmaz na siya mismo ang magsabi sa kanya kapag nagkita sila?

"I don't know, we'll see," nakangiting sabi ni Ruffa.

When she heard the news about Yilmaz's upcoming wedding, may naramdaman ba siyang sakit sa dibdib, kahit papaano?

"Actually, no... I wish him the best of luck. We already filed for annulment. It's ongoing and, inevitably, it's gonna happen."

Dagdag niya, "I was actually expecting something na baka kumirot ang puso ko or baka maglulupasay ako or...naghihintay ako kagabi na, okey, baka naman if I'm alone na, like biglang mag-iiyak ako, magli-listen ako ng mga Turkish songs, wala! Nakakaloka, hintay ako nang hintay, wala akong naramdaman. So, siguro nga, time heals all wounds. And wala akong maramdaman na ganun. When we talked yesterday, nagtutuksuhan kami, reminiscing din and it was a good talk."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, she can say that she has finally moved on?

"Yeah, we've moved on," sagot ng actress-TV host. "I think we respect each other now. Nakakapag-usap kami and any time he wants to talk to me, he can call me, and the same thing with him. It's actually much, much better now than the first few years [after the separation]."

YILMAZ WILL STILL VISIT. Sa isang interview kay Ruffa ay sinabi niya na kahapon ay darating si Yilmaz para bisitahin ang mga anak nilang sina Lorin at Venice. Pero walang Yilmaz na dumating kahapon. What happened? (CLICK HERE to read related story.)

"He's coming after Holy Week. I told him to come after Holy Week kasi the kids and I will be away," paliwanag ni Ruffa.

Ayon pa kay Ruffa, excited na raw ang dalawang anak sa pagdating ng ama nila.

"Oo naman. Siyempre, hindi mo maiiwasan that Lorin and Venice will miss their dad, so they are really excited that he's gonna come. Wala namang problem with me."

Kung naka-move on na nga and if it's true na magpapakasal na ngang muli si Yilmaz, magiging senyales na ba ito sa kanya na okey na ring bumonggang muli ang kanyang lovelife?

"Ay, ayoko ngang bumongga!" natatawang sabi ni Ruffa. "Napaka-busy ko. Parang wala namang interesting lately. Hindi rin naman ako naghahanap. I think with all the blessings coming my way, I think it's better if we'll just focus at work. Alam mo naman, when it rains, it pours.

"So, gusto ko munang mag-ipon at asikasuhin ko yung trabaho ko. Darating din naman yung love. I'm happy naman on my own. I chose to be single. Marami naman diyang admirers. May mga dumating, may nawala. May mga nandiyan lang, umaaligid. So, it's up to me naman if I wanna be with someone or not."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE "TRIANGLE." May nai-post din si Ruffa sa kanyang Twitter account na huwag na siyang isama sa "triangle." Ano ang ibig niyang sabihin dun?

"Oo, di ba? I think huwag na akong isali sa Shaina [Magdayao] and John Lloyd [Cruz]. I think it's silly for me to still be involved on that and you know, every time na lang they ask me where they are, what they are doing, like...I don't care! Hello! Di ba? Like, stop it already. OA na, di ba?" sabi niya.

May communication pa rin ba sila ni John Lloyd?

"Oo naman, we're friends," sagot ni Ruffa. "Hindi naman naputol yun. Kaibigan ko naman talaga si JL and we're still very much in touch."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN