Oyo Sotto plays it coy when asked to define his relationship with Kristine Hermosa

IMAGE 0


Oyo Sotto remains hesitant to publicly acknowledge actress Kristine Hermosa as his girlfriend. But when asked if he's serious about his feelings and intentions for Kristine, TV5's Midnight DJ star replied, "Opo."


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng ibang entertainment press si Oyo Sotto noong Thursday, March 25, sa trade launch ng TV5 sa World Trade Center sa Pasay City. Bagama't very open ang TV host na pag-usapan ang closeness nila ni Kristine Hermosa, ayaw pa rin nitong diretsahang aminin na girlfriend nga niya ang mestisang aktres.

"Kasi parang sinasabi nila na exclusively dating pero ayoko magkaroon ng tagline na exclusively dating. Gusto lang talaga namin na i-keep 'yong pagiging best friends namin," paliwanag ni Oyo.

"Ang sa amin naman ni Tin [palayaw ni Kristine], as much as possible we want to keep it private, kung anuman ang nangyayari sa amin ngayon. Pero if may mga nangyayari na ganitong interview, okay naman kaming magsalita."

Kasabay ng mailap na tugon ni Oyo ay ang pagtanggi nito sa kumakalat na bulung-bulungan na nagpakasal na daw ang dalawa sa abroad. Wala raw dahilan para ilihim niya ang isang bagay na dapat ay buong loob na ipinagmamalaki.

"If ever magpapakasal kami, sasabihin ko talaga sa press kasi ayokong itago," mariing tugon ng binata.

DEFENDING KRISTINE. Kung naging matipid si Oyo sa pagsasalita tungkol sa totoong status ng kanilang relasyon ay hindi naman ito nagpaawat sa pagtatanggol kay Kristine kaugnay sa ilang intriga na patuloy na ikinakabit dito.

Hanggang ngayon kasi ay hindi tinatantanan si Kristine ng mga tsismis na unprofessional raw ito at mahirap pakisamahan sa trabaho, bagay na pinasinungalingan ni Oyo.

"Si Kristine very simple and true," mabilis na depensa ni Oyo. "Maraming taong nami-misinterpret 'yong ugali niya na parang iniisip na suplada siya or mahirap siyang kausapin. Pero if you get to really know her, she's very kind, mabait, loving, and caring."

Dagdag ni Oyo, "Nami-misinterpret ng mga tao 'yong pagiging totoo niya. If she really feels something na hindi niya gusto, sasabihin niya talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman raw naaapektuhan si Oyo every time na may nababasa o naririnig siyang negative comment about Kristine.

"Hindi. Sanay na, e," pahayag ni Oyo. "Okay lang naman. You can't please everyone. Alam ko marami rin namang taong naghihimutok sa akin, okay lang."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN