(UPDATED) Francine Prieto's mom Amelia Falcon succumbs to ovarian cancer

IMAGE 0


Francine Prieto's mother, Mrs. Amelia Falcon (right), dies after suffering from third-stage ovarian cancer.


Unang nakita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa status sa Facebook account ni Francine Prieto: "Di nila marevive si Mommy!!! Bwiset na pigtail yan." Nag-update si Francine ng kanyang status through her mobile.

Mula kay Francine, kinumpirma nito na pumanaw na nga ang kanyang ina na si Amelia Falcon. Matatandaang may third-stage ovarian cancer na ito at sumasailalim sa chemotherapy treatment. Bandang alas 5 ng hapon, March 26, nang pumanaw si Mommy Amy sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City. She was 54 years old.

Ang sinasabi ni Francine na "pigtail" ay ang catheter na ikinakabit sa lungs ng isang cancer patient na kini-chemotherapy. Ito ay ginagamit para mailabas ang mga namumuong likido mula sa pagki-chemo treatment. Binanggit noon ng aktres sa kanyang Facebook status na against sana siya sa paglalagay ng pigtail sa lungs nito, ngunit ang ina pa rin niya ang nasunod dahil, ani Francine, "katawan niya yun, e."

Nung huling makausap ng PEP si Francine, hindi pa nito sigurado kung ano ang nakasaad sa memorial plans ni Mommy Amy dahil siya lang daw ang nag-aasikaso sa mga bagay-bagay. Malakas din kasi ang pananalig noon ni Francine na makaka-survive ang kanyang ina sa ovarian cancer.

UPDATE. Kaninang umaga, bandang 12:34 a.m., Marso 27, nag-text si Francine na nakaburol na ang kanyang ina sa Arlington Funeral Homes sa Araneta Ave., Quezon City.

Sa kanyang Facebook status, nagpasalamat si Francine sa lahat ng tumulong sa kanila: "Salamat sa lahat ng nakiramay. Salamat sa lahat ng tumulong, Finally nakapagrest na siya. I will miss my Mommy. Mahal na mahal ko po kayo."

Alam ni Francine kung gaano kaepektibo na makapaghatid ng mensahe sa mga kaibigan at fans niya ang Internet, kaya through Facebook at Twitter siya nakikipag-communicate sa mga ito.

Sa pamamagitan ng Facebook and Twitter noon nalaman ng mga kaibigan niya na hindi na makayanan pa ni Francine ang bigat ng problemang dulot ng pagkakaroon ng ovarian cancer ng kanyang ina. Sinikap ni Francine noon na dalhin ang problema nang hindi humihingi ng tulong, kahit na may mga kusang-loob na tumutulong sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero noong nagsimulang lumaki na ang gastos nila ng kanyang pamilya sa treatment ng ina, doon na humingi ng tulong mismo si Francine. Matapos hindi makatanggap ng sagot mula sa isang taong hiningan niya ng tulong, sa Facebook, Twitter at texting na ipinarating ni Francine ang kanyang pangangailangan para matustusan ang chemotherapy ng ina.

Agad namang tumugon ang mga kaibigan, at pati na rin ibang taong di niya personal na kilala para tumulong sa kanya.

Matatandaang pinangunahan pa ng mga kaibigan niyang sina Diana Zubiri, Alfred Vargas, Ara Mina at Anne Curtis ang pagkakalat ng mensahe sa cyberspace para sa tulong kay Francine. (CLICK HERE for related article)

Bukod sa pinansiyal na tulong ay may mga nagbigay rin ng trabaho kay Francine para makatawid sa krisis na kinalalagyan niya noon. Pero hindi na nga pinalad pang humaba ang buhay ni Mommy Amy at kinuha na siya ng Panginoon kahapon, Marso 26.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN