Boy Abunda on Nora Aunor: "Wala akong kaba sa mga interviews, pero 'pag si Guy... iba!"

IMAGE 0


The opinionated King of Talk reminisces about his time with Ate Guy's (inset) management team and how he was putty in the Superstar's hands.


Likas ang pagmamahal ni Boy Abunda sa kanyang propesyon, at ito ang dahilan kung bakit masasabing ang buhay niya ay totoong makulay. Sa pagpapatuloy ng PEP (Philippine Entertainment Portal) interview with the multi-awarded talk show host, nabanggit ang ilang mga programa ni Boy Abunda, tulad ng SNN: Showbiz News Ngayon at ang in-depth interview program na Bottomline.

Matatandaang sa maikling panahon ay pumatok sa ratings ang SNN, ang daily late-night showbiz news and features program nila ni Kris Aquino, na para raw itong walang katapat na programa.

"Meron din. May katapat naman sa kabila," pagsalungat naman ni Kuya Boy. "Kahit saan, may katapat 'yan. Pero klaro yung brand, e."

IN HIS ELEMENT. Pero masasabing sa Bottomline nasa kanyang elemento si Boy. Serious, in-depth interviews at analyses ang ginagawa niya rito, at nakakasalamuha niya di lang mga personalidad mula sa showbiz kundi sa iba pang fields, tulad ng government, politics, business, etc.

"I love doing that show. 'Pag nag-umpisa ako sa isang palabas, lahat ibinibigay ko," aniya. "Di ba, ganun naman talaga?... Ang pagmamahal mo sa palabas mo... If your question is, 'Which among my shows is the most important?' hindi 'yan nahahati... Parang tinanong mo ang isang ina kung sino ang pinakamamahal niya sa kanyang tatlong anak."

With Bottomline, sabi ni Boy, "I do a lot of research, of interviews... I do a lot of reading." Di raw siya umaasa sa mga "idiot boards" pag siya'y nasa harap ng camera.

Hangarin din ni Boy Abunda na magkaroon ng dagdag-kaalamang pansarili, bilang isang dalubhasa. Kaya nag-enrol siya sa Philippine Women's University para sa masteral course na International Relations on Public Diplomacy at malapit na siyang matapos.

"Humanap ako ng oras, nag-aral ako," simpleng sagot niya sa tanong kung paano niya naisiksik iyon sa kanyang busy schedule.

SELF-CONFESSED NORANIAN. Nangiti si Kuya Boy sa obserbasyon na para siyang si "Ate Guy" o si Nora Aunor, na iba't iba rin ang pinagkaabalahan at pinagpunyagi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

As a self-confessed Noranian, Boy Abunda is elated by the comparison.

Special featured segment sa SNN noong March 25, ang ulat, na may kasamang video clip, tungkol sa sinubaybayang pagtanggap ni Nora Aunor ng parangal bilang isa sa Asia's Ten Best International Actresses of the Decade ng Green Planet Movie Awards sa U.S. Ang awarding ay ginanap sa Los Angeles noong March 24.

"I am humbled," wika niya. "I cannot... nobody can go near the woman. She is alone in her pedestal. Walang makakalapit sa pedestal ng nag-iisang 'diyosa'..."

Gustong ipabatid ni Boy, "Sobra ang paggalang ko kay Governor Vi [Vilma Santos-Recto]," at marami pa siyang masasabing maganda tungkol sa Star for All Seasons, pero sa pagkakataong ito'y nag-focus ang PEP sa mga anekdota niya hinggil sa legendary Superstar.

DEFENDING THE SUPERSTAR. Ito rin nga ang gabi ng pagpupugay ng SNN sa nanalong aktres, bilang isa sa sampung pinakamahuhusay sa buong Asya, na nanguna pa sa online survey na pandaigdig.

"Congratulations! Best International Actress of this particular decade, the one and only Nora Aunor!" masiglang pagbati ni Kuya Boy (at kasamang host ng SNN, si Ms. Bianca Gonzales). "We're proud of you, Ate Guy!"

Sa mga pag-uusisa sa kanya on Nora Aunor, hindi puro magagandang katangian ng iniidolong singer-aktres ang lumilitaw. Open book na ang buhay ni Nora. Na para sa isang kilalang host, kaibigan at tagasunod, ang mga ito'y kailangang bigyang-unawa, kundi man tahasang salungatin.

"Kung ano ang naging buhay ni Nora Aunor, choice niya ['yon]," opinyon ni Boy.

"Alam mo, 'pag sinasabi nilang, 'Dapat si Guy, dapat... dapat...' Bakit ba? You know, what she has become is her choice. What she's become... she suffers alone... [or] I mean, with friends, but she knows what she is!

"Does it make her less of who she is? Does it diminish her talent, her greatness as an actress? Hindi! Diyos ko, hanggang ngayon!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Latelyraw ay pinapanood niya ang mga classic films ni Nora Aunor on DVD, na bigay sa kanya ni Albert Sunga, isang Noranian din na kunektado sa Ivory Music and Video, Inc., ang kumpanyang nag-release sa DVD ng ilang Nora Aunor films, kabilang na dito ang Tatlong Taong Walang Diyos, Bona, at Banaue. Ang Himala namanay ni-release ng Star Video, na meron din si Kuya Boy.

"Nung isang araw, I was watching The Hurt Locker, [and other] Oscar winners... Ang breather ko Bona!" pagtukoy ni Kuya Boy. "Tapos, papanoodin ko naman The Blind Side [ni Sandra Bullock], gano'n... tapos, manonood ako ng Himala!..."

PUTTY IN SUPERSTAR'S HANDS. Ang tanong, kung may pagkakataon at puhunan, magpo-produce ba si Boy Abunda ng isang Nora Aunor film?

"Ay, hindi ko naman kaya," mabilis niyang sagot. "I mean, I cannot work for Ate Guy... na matino!"

Kinuwento ni Kuya Boy kung bakit.

"Sinubukan ko na, at one point. I was with the team of GR [Girlie Rodis, talent manager], Vivian Recio, who composed the management team of Ate Guy," pagbabalik-tanaw ni Kuya Boy sa panahong late '80s and early '90s.

"I was with that team. Hindi ko talaga kaya. Hindi ko kayang manilbihan at mag-serbisyo, bilang isang manager sa isang... Hindi naman siguro lingid sa inyong kaalaman na I have very strong opinions about many things in this business. Pero 'pag sinabihan ka na ni Guy na, 'Kuya, ibahin natin ang awit...'"

"Oo!" raw agad siya. "So, how can you be effective [as a manager]?" tanong niya.

Tuloy pa niya, "I travelled with Ate Guy [for some shows]... to Europe, Middle East, halos isang buwan at kalahati, hanggang dalawang buwan. May mga plano kami, ganito ang entrada, ganito ang atake natin, ganyan ang kanta, ha... Paglabas ni Ate Guy, 'Kuya, Dahil Sa 'Yo na lang ang kakantahin...'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Agad naman daw sasang-ayon si Kuya Boy na tila hindi niya maipaliwanag ang kadahilanan. "'Oo, Ate Guy, tama 'yan...'" sabay pagbibigay ng instruksiyon sa mga kinauukulan. "'Oy, oy, Dahil Sa 'Yo, ha... Maestro, Dahil Sa 'Yo...'

"Wala. Tagahanga ka, e," ang masasabi lang ni Boy.

NOBODY, NOBODY BUT GUY. Noong1991 ang ika-25 taon ni Nora sa show business, at ang early '90s ang isa sa pinaka-glorious sa career ng Superstar. Noon siya nagwagi ng maraming parangal sa kahusayan sa pag-arte. Sa kauna-unahang pagkakataon ay gumanap siya sa entablado sa dulang Minsa'y Isang Gamu-Gamo ng PETA. Sold-out ang first-ever concert niya, Handog ni Guy, sa Araneta Coliseum.

Malaki ang naging ambag ng management team nina Kuya Boy, GR at Ms. Vivian sa propesyon ni Ms. Aunor sa puntong iyon.

"To a certain extent. But we could have been more effective. Pero ako, flop ako dun. Flop!

"I will speak for myself, kasi I know, iba ang bond namin ni Ate Guy. Diyos ko, sino naman ang tao dito sa Pilipinas na hindi ako maglalakas-loob interbyuhin? Wala na akong kaba sa mga interviews, pero 'pag si Guy... hindi naman ako kinakabahan, pero iba! Alam mo yun?" at tumawa na lang ang tinaguriang Philippines' King of Talk.

Bilang isa sa maimpluwensiyang personalidad ngayon sa ABS-CBN network, makakapag-suggest ba siya sa movie arm nito, ang Star Cinema, ng isang project para kay Nora Aunor?

Mabilis ang naging sagot ni Kuya Boy. "Ay, kahit naman sinong nakakusap ko—'Uy, bagay 'yan kay Ate Guy'—kahit hindi naman ako tinatanong. Kahit sa mga writers dito... pag may istorya, 'Ay, bagay 'yan kay Ate Guy!'

"Ang tingin nga dito, 'Wala ka namang artistang alam kundi si... Ate Guy!'"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN