Pauleen Luna learned she was moving to TV5 only four days before transfer

IMAGE 0


It was her manager's decision, she said, but "hindi ako nagdalawang-isip na i-trust si Nanay Lolit [Solis]. Kung anuman ang decision niya, dun tayo."


Balita na noon na isa si Pauleen Luna sa Kapuso stars na magiging bagong artista ng TV5. At tulad nga ng mga balita, ipinakilala ang Eat Bulaga! co-host last March 25 sa trade launch ng TV5 sa World Trade Center.

Pero clueless daw ito sa kung anong mga negosasyon ang nangyari sa paglipat niya.

Aniya sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang entertainment press, "Si Nanay Lolit [Solis] kasi ang nakapag-deal at sinabi lang niya sa akin. Ang alam ko, I have two shows. They are cooking up something for me and JC [de Vera] na light drama. At yung Lokomoko U."

Nire-revive ba ng TV5 ang love team nila ni JC?

"We were never a love team, so what's there to revive?" natatawa niyang sabi. "But, of course, it's nice. Kilala ko na siya. It's always difficult to work with somebody you don't know. I know that I won't be having a hard time with JC."

NEW PAGE. Nagulat daw siya noong nalaman sa manager na lilipat na siya ng network.

"Nagulat pero parang na-excite ako. I'm turning a new page of my book na naman, of my life. New people to work with on-cam and off-cam. So, it's really exciting. And I'm still glad that I'm still keeping Eat Bulaga!, yun naman ang importante."

Hindi ba siya nagdalawang-isip na lumipat sa TV5?

"Hindi ako nagdalawang-isip na i-trust si Nanay Lolit. Kung anuman ang desisyon niya, this is all her decision. Kung anuman ang decision niya, dun tayo," sagot ni Pauleen.

Gusto rin bang ipahiwatig ng paglipat niya na hindi na sila satisfied sa GMA-7?

"I don't wanna say that. It just that when my manager told me, 'You have to do this,' sunod lang ako. Actually, kakatapos lang ng Ikaw Sana and it was something big for me. Pero yun nga, things happen and you have to make a decision and I have to follow my manager, and I did."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

COMEDY-SEXY BUILDUP. May pagka-comedy-sexy raw ang gagawing packaging sa kanya sa TV5 and, at the same time, bilang leading lady ni JC.

May mga ni-request ba sila para pumayag siyang lumipat?

"Siguro si Nanay may mga ni-request. Ako, wala, e. Kasi nga, nalaman ko lang four days ago."

Hindi pa raw niya alam kung makakasama siya sa bagong variety show ng TV5 na P.O.5, pero gusto raw niya yung kumakanta at sumasayaw.

Tinanong ng PEP si Pauleen kung ano ngayon ang nararamdaman right at that moment ngayong Kapatid na siya.

"Noong malaman ko [na lilipat ako], hindi ko pa siya ma-feel. I don't have any background kung ano ang gagawin ko. Hindi ko alam. I have no idea talaga, as in, nothing. Noong papunta 'ko rito, dun ko na-feel yung excitement at kaba at the same time, but it's more of excitement," sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN