Joshua Dionisio says First Time has lessons for those too young to fall in love

IMAGE 0


Some expressed concern that First Time's success might encourage more young teens to form relationships, but 15-year-old Joshua says the bagets series actually advocates the opposite.


Nadadama na ni Joshua Dionisio kung gaano kalakas ang youth-oriented series na First Time ng GMA-7, kung saan magka-love team sila ni Barbie Forteza at tinatampukan ng iba pang mga bagets.

Sabi ni Joshua nang makausap namin sa set ng serye sa may Christ The King Church sa Quezon City, "Nakikita ko naman po ang mga reaction ng mga tao, makikita mo naman po na lahat sila, nanonood naman pong talaga... 'Ay, si Joshua!' or 'Si Barbie, si Jhake [Vargas]!' yung kilala naman po nila kami."

Nararamdaman ba niyang sikat na talaga sila?

"Kilala lang po, hindi naman sikat," nakangiting pagtatama niya na tila nahihiya pa.

Pero inamin niyang medyo iba na ang status niya ngayon.

"Like before po, siyempre, palagi lang naman akong batang support. So, siyempre po, mas kilala yung bida. Ngayon po mas marami, kasi bida na po kami. So, nag-improve," natatawa niyang sabi.

MALL INCIDENT. Understatement na siguro ang katagang "kilala" kung pagbabasehan ang naganap sa SM San Lazaro sa Manila noong March 7. Dapat ay grand fans day ito ng cast ng First Time, pero pinatigil ng mall management ang show dahil sa rami ng mga taong dumalo, na may mga nahimatay pa at naipit sa crowd.

"Tapos yung iba pong mga fastfood chains sa mall, yung mga lamesa po, tinatayuan na ng mga tao," kuwento ni Joshua. "Pero kung titingnan n'yo rin po, hindi rin naman po siya masasabing ganun kagulo. Hindi lang po talaga masyadong secured ang area.

"Kumbaga, hindi rin po nila ine-expect na ganun karami kaya konti lang din po siguro ang pinadala nilang guard."

Personally, nabitin daw siya sa pagkaudlot ng show.

"Parang build up na build ka nang mag-show, tapos pinatigil. Sayang din yung ipinunta namin. At saka, nakakahinayang po para sa mga pumunta kasi yung iba po, galing pa ng probinsiya. Pumunta pa ng San Lazaro."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LESSONS FOR THE YOUNG. Nagulat si Joshua sa ilang komento tungkol sa young love team nila ni Barbie. May nagsabi na dahil nasa early teens pa lang ang mga bida ng show, posible raw maimpluwensiyahan nila ang mga batang uma-idolize sa kanila na magkarelasyon nang masyadong maaga. Karamihan daw ng fans nila ay nasa 10-14 age bracket. Fifteen years old si Joshua at 12 naman si Barbie.

"Ay, ganun po? Pero hindi naman po kasi ganun yung show namin. Wala nga po, e. Actually, ang dapat po talaga, intindihin yung show para malaman nila kung ano yung moral ng show dahil hindi naman po puro kilig lang talaga. Meron po talagang itinuturo yung show."

On his part, he would never advise young teens to enter into a romantic relationship right away.

Aniya, "Sana nga po kumuha sila ng insights or inspiration sa show. Ipinapakita po kasi rito kung ano ang kailangan mong gawin. So, bago sila umakyat sa love-love na 'yan kumuha muna sila ng mga information sa mga nakakatanda sa kanila."

Inamin niyang noong 13 siya ay nagkaroon siya ng girlfriend or parang puppy love raw na matatawag, pero naging napakabilis lang no'n.

"Kasi bata pa po talaga. So, hindi pa po talaga magwo-work. Alam n'yo po yung hindi pa po talaga serious. Kaya po ako ngayon, mas gusto ko pong wala munang ganun. Bata pa naman po."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN