Katrina Halili almost sold her house in New Manila

IMAGE 0


"Financially, okey na po ako. Tapos, okey na po ako. Siguro, nakikita n'yo na rin ang hitsura ko ngayon din. Sabi ko nga kanina, never akong nagsasabi ng problema ko," says Katrina Halili.


Pagkatapos pumutok ang sex video scandal ni Katrina Halili with Hayden Kho, nagkaroon ng problemang pinansiyal ang young actress. Kaya naman napabalita na ang bahay na hinuhulugan pa lang niya sa New Manila, Quezon City ay ibinebenta na raw ng sexy actress.

Pero ayon kay Katrina, sa panayam ng Startalk sa kanya noong Sabado, March 27, "Dumating po talaga ang time na magbebenta talaga ako. Pati bahay ko, ibebenta ko. E, di ba, last year, nawalan ako ng trabaho for six months? Tapos, may bahay rin ako na binili sa New Manila. Tapos, nagkaroon ng sabay-sabay na operasyon—ang Mama ko, ang lola ko. Tapos, namatay pa ang lola ko."

Nagpapasalamat na lang daw si Katrina na mabuti na lang at may nagmagandang-loob na tumulong sa kanya kung kaya't hindi na natuloy ang pagbebenta ng kanyang mga ari-arian.

"Actually, dapat ibinebenta ko po yung bahay ko dun, pero hindi po niya binili. Tapos, pinahiram na lang niya ko," banggit niya.

Sinigurado naman daw ni Katrina na hindi mayamang DOM (dirty old man) ang tumulong sa kanya.

"Mommy po siya ng kaibigan ko," sabi niya. "Siguro kung yung mga taong nag-iisip sa akin ng mga ganoong bagay, siguro po, hindi ko na kailangang magbenta, nag-pokpok na lang ako.

"Actually, noong dati naman, yung tumulong sa akin, isa lang naman, yung mayor namin sa Palawan. Basta..kasi ayokong nagri-reveal ng mga names, pero family ng kaibigan ko lang.

"Never akong humingi ng tulong kahit na kanino. Isang beses pa lang, yung sa lola ko lang po. Talagang blessing in disguise lang po na tuwing kakailanganin ko, may dumarating naman po."

Nagiging isyu nga raw kay Katrina kapag naaalala niya ang mga panahon na gipit siya.

"Financially, okey na po ako. Tapos, okey na po ako. Siguro, nakikita n'yo na rin ang hitsura ko ngayon din. Sabi ko nga kanina, never akong nagsasabi ng problema ko," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ani Katrina, "Hindi naman po ako nagpapaawa sa tao. Okey naman po ako ngayon. Okey po ang buhay ko. Masaya po ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN