John Prats opens up about past with Shaina: "Nandito na ako sa stage na accepted ko na."

IMAGE 0


The last time John Prats and Shaina Magdayao had a talk was "last year," according to the actor-dancer. But he chose to keep mum about the real score, "Kasi wala naman akong gustong sabihin, e. Kumbaga, yun yung stage ng buhay mo na ayaw mo nang magsalita. Parang gusto mo nang manahimik kasi, ayaw mo rin naman nung nangyari. Hindi ko rin naman gusto yung nangyari."


Naghahanda para sa kanyang production number sa bonggang launching ng TV5 si John Prats nang makausap siya backstage ng PEP (Philippine Enetrtainment Portal).

Umpisa pa lang ay sinabi na agad ni John na hindi siya ang unang nanakit sa ex-girlfriend niyang si Shaina Magdayao noong nagkahiwalay sila.

"Nilinaw ko na naman po, e. Sabi ko nga, ibigay na lang natin ng respeto kung saan sila masaya," sabi ni John.

Aware si John na nali-link na ngayon si Shina sa aktor na si John Lloyd Cruz.

"Oo naman, may nababalitaan pa rin ako. Kung may gawin ka man o may hindi ka man gawin, wala rin namang mangyayari."

Hindi ba niya sinubukan na isalba ang relasyon nila ni Shaina?

"Of course on my part, I've really tried my best. Lagi naman sa lahat naman ng ginagawa ko I always try my best para no regrets and now, I am here...in my life na talagang wala akong regrets"

Nasasaktan pa rin ba siya?

"Siyempre nung una masakit, but eventually, okey na ako ngayon."

Sinabi ni Ruffa Gutierrez sa kanyang interbyu sa launching din ng TV5 na she's the first to know sa relasyong John Lloyd at Shaina. August of 2009 pa lang daw ay alam na niya na may nangyayari kina John Lloyd at Shaina.

"Ay, wala po akong alam doon."

Kailan ba niya nalaman ang tungkol kina John Lloyd at Shaina?

"Actually, hindi ko na matandaan kung anong date. Wala, na-lose track ako nung mga panahon na yun. I really lost track of dates. Siguro nga, ganun talaga ang buhay, 'no? Parang siyempre, lahat naman tayo, ako rin, kaya nga kapag tinatanong na ako kung siya na ba talaga nung dati, di ba, sabi ko, 'sana.'

"Sana kasi open pa rin talaga ako sa possibility na puwede pala talagang mangyari na hindi kayo mag-e-end. Hindi siya fairy tale...hindi lahat happy ending"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit may tsismis na he's trying to win back Shaina?

"Yun ang tsismis, hehe."

Totoo nga ba na siya ang unang nakipag-break kay Shaina through text message?

"It was a mutual decision kasi, we never had a chance. Nag-cool off muna kasi kami and we never had the chance to see each other."

Ilang buwan silang nag-cool off?

"Two weeks, mga ganun."

Bakit sila nag-cool off?

"Siguro yun nga, mga personal differences."

Hindi dahil sa may third party?

"Naniniwala ako na...yun ang gusto kong paniwalaan."

Galit pa siya kay Shaina?

"Wala, wala na akong anger."

Pero gusto pa niyang na magkausap sila ni Shaina?

"Siguro in time. But not now."

Open ba siya sa possibility na maging magkaibigan sila ni John Lloyd?

"Never naman kaming naging close, e. So, siguro ganun, 'hi and hello.' But dumating ako sa point na ang daming nagsasabi kung sasapakin ko raw, kung totoo yung ganyan. Hindi kasi ako ganung tao, e. Kasi naniniwala ako na kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay."

Kung magkikita sila ni John Lloyd, ano ang una niyang gagawin?

"Magpapa-autograph ako, hehehe. Magpapa-picture ako. Hahaha!"

Hahayaan ba niyang mapunta sa iba si Shaina?


"Oo, sinabi ko nga, kung may gawin ka man o wala kang gawin, wala rin namang nangyayari, e, di ba?"

Wala ba siyang plano na kausapin si John Lloyd?

"Well, hindi naman kami ano, e, hindi naman kami in speaking terms. Kumbaga, 'hi and hello' lang talaga kami. Never kaming naging close."

Ano naman ang masasabi niya sa ipinalabas na VTR sa Showbiz News Ngayon, kung saan ipinakita na sumusulyap-sulyap sa kanya si Shaina habang nagre-rehearse sa taping ng ASAP XV sa Boracay?

"Baka gusto niya yung tan ko. Hahaha!"

Anong nararamdaman kapag nakikita o nababalitang magkasama sina John Lloyd at Shaina?

"Actually ngayon, yung Boracay, okey naman ako, e. Okey na ako. Actually ngayon nga, mas naramdaman ko yung...kaya nga kapag tinatanong kung magkaka-girlfriend ako or if I'm dating someone now, kasi parang ngayon ko na-e-enjoy yung time ko with my friends. Siyempre, kung may dyowa ka, hindi mo naman ma-e-enjoy yun, e, di ba? Time with my friends and family. Kasi siyempre nung kami that time, most of my time usually kapag wala akong trabaho, sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang reaksiyon niya noong napabalita na lumalabas daw at umiinom sina John Lloyd at Shaina?

"Drink moderately, hehe. Don't drive while you're drunk," biro ni John.

Sa kanya ba natutong uminom si Shaina?

"Ako?! Ako yung pinaka-last na tao na makikita ninyong umiinom. Isang beer lang, lasing na ako, may allergy din ako."

Nag-iinuman ba sila ni Shaina noong sila pa?

"Well, occasionally. Kasi ako, hindi ako lumalabas din, e. May mga times din na, siyempre, kasama niya yung mga friends niya and I allow that naman."

May closure ba sila ni Shaina?

"Oo, eto, closure na ito."

Naka-move on na ba siya?

"Oo, definitely."

Dagdag niya, "Siguro ano, nung nangyari yun, mahirap talaga. Stage yun, e. And nandito na ako sa stage na accepted ko na. Na wala naman akong choice but to be okey, di ba?"

May nararamdaman pa rin ba siyang pagmamahal kay Shaina?

"Lahat naman ng naging ex ko, siyempre, lagi silang may special place in my heart and never akong magba-bad mouth against them. Hindi ko naman gawain talaga yun."

Speaking of ex, may balitang nakiki-symphatize raw sa kanya ang dati niyang girlfriend na si Heart Evangelista?

"Ah, si Hearty? Well, hindi ko alam yun . I haven't seen Heart for a long time, kasi nga, lumipat siya."

Ano naman ang sinabi sa kanya ng Magdayao family?

"Okey kami. I mean, kami nina Ate Vina [Morales]. Well, nung rocky naman kami, sila yung kausap ko, e. And alam naman nila, that's why okey kami ngayon. Alam naman nila na hindi naman sa wala akong kasalanan or never kong inintensyon...I never cheated and never kong sinaktan si Shaina, physically and verbally."

Bilang panghuli, nagbigay siya ng mensahe para sa ex-girlfriend:

"Well, stay happy, and lagi ko na ang sinasabi sa kanya kahit nung huli kaming nag-usap, alagaan niya ang sarili niya. Siya lang naman ang mag-aalaga sa sarili nya, e. Wala ng iba kundi siya lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa pang hirit: Ano naman ang mensahe niya kay John Lloyd?

"Alagaan niya si Shaina. Dapat....kasi grabe rin yung alaga ko doon sa tao," pagtatapos ni John.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN