Regine Velasquez not pressured by pilot episode of Party Pilipinas

IMAGE 0


"Actually, personally, hindi ko masyadong nararamdaman ang pressure. Basta ang alam ko lang, mag-e-enjoy ako kasi ang ingay ng show, e. Yun lang ang nararamdaman ko, ang pressure hindi," says Regine Velasquez about the pilot episode of Party Pilipinas.


Habang hindi pa nakasalang sa kanyang production number ay nagpaunlak ng ilang minutong interview si Regine Velasquez sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press na naimbitahan sa pilot telecast ng bagong musical-variety show ng GMA-7 Party Pilipinas sa GMA Network Studios kahapon, March 28.

For Regine, who was also part of the defunct show SOP, how does she feel now na ipinalabas na finally ang Party Pilipinas?

"Masaya ako. Masaya, di ba, masaya? I know that a lot of people will kind of, 'It's another ganyan.' E, siyempre, musical-variety show, ano pa ba ang iiba nun? Pero ang importante, mas mataas ang production value, I think. At saka sumayaw ako!" natatawang hirit pa ng Asia's Songbird.

Naramdaman ba niya yung pressure, lalo na sa pilot episode nila, dahil sa dami ng nag-aabang kung paano maiiba ang Party Pilipinas sa SOP at kung ano ang bagong maibibigay ng show nila?

"Actually, personally, hindi ko masyadong nararamdaman ang pressure," sagot ni Regine. "Basta ang alam ko lang, mag-e-enjoy ako kasi ang ingay ng show, e. Yun lang ang nararamdaman ko, ang pressure hindi.

"Matindi rin kasi ang involvement ko sa Diva [her primetime kantaserye], so... Not that I'm not also involved at excited sa Party Pilipinas. Excited ako kasi nga, ang ingay. So more than being pressured, I'm excited to do the show."

Pero ang boyfriend ni Regine na si Ogie Alcasid ang masasabi na talagang very hands-on sa Party Pilipinas bilang isa sa creative directors ng programa.

"Oo, hands-on, fit-on...lahat ini-hands-on na! Baka nga siya na ang producer ng show! Tapos, hindi naman ako magre-rehearse, kasi pagod ako!" natatawang biro niya.

DIVA. Gaya ng nabanggit ni Regine, all-out ang involvement niya sa kanyang primetime series na Diva. Masaya ang Asia's Songbird dahil ang Diva ang isa sa may pinakamataas na ratings among the Kapuso primetime shows now.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Of course, we're very happy kasi ine-effortan din naman ito nang bonggang-bongga," sambit niya. "And like I've said, I'm very involved with the songs that I'm going to sing. Siyempre, yung mga writers will just gonna write and ide-describe nila kung ano ang eksena at nararapat na song, so pagmi-meetingan.

"Like every two weeks or three weeks, meron kaming brainstorming, nagpapatawag ako. Join ako dun! Kasi kapag may naisip si Direk [Dominic Zapata], naisip ako, iaano namin yun, mga kanta ba...meron din kaming researchers talaga, pero [tinitingnan] rin namin lahat. At saka we don't just choose the song na 'eto uso, maganda. Kailangan, nagma-match sa story.

"Abangan n'yo yung episode na nandun sila Radha, Mitch Valdez, Eva, Pinky Amador at saka si Starlet, yung singer. They are all nuns," excited na sabi ni Regine.

Parang Sister Act?

"Parang, pero hindi. Basta ang ganda-ganda. Very heartwarming," sagot niya.

Kuwento pa ni Regine, may ipinangako rin daw si Annabelle Rama sa kanila.

"E, gusto nga namin... Well, I don't know if I can already say it, pero pinangakuan nga ako ni Tita Annabelle na magge-guest daw si Richard [Gutierrez]. So, hinahanapan pa namin siya ng role. Baka boyfriend ko na siya!" tawa ni Regine.

Tawa lang nang tawa si Regine dahil sa birong sobra na siya dahil ang dami-rami na niyang lalake sa Diva.

"Pangit pa ako nun, nagustuhan niya sa akin yung heart ko!" tawa niya ulit.

"Pero alam n'yo, sa totoo lang, excited ako sa Diva kasi nagso-soap ako, pero nagla-live ako. Mayabang kami, e!" biro niya. "Pero natutuwa ako kasi kapag gumagawa ako ng soap, parang nababakante boses ko, sa SOP lang ako kumakanta."

AMANPULO HOLY WEEK. Sa Wednesday naman, March 31, pupuntang Amanpulo sina Regine at Ogie para sa kanilang Holy Week vacation. Ani Regine, first time daw nilang magbakasyon ni Ogie na silang dalawa lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, aside sa first time namin sa Amanpulo, first time din namin na kaming dalawa lang ni Ogie, aside dun sa mga trips namin sa Australia. Pero kapag umaalis kami, madalas may bitbit-bitbit ako or may karay-karay akong kasama," sabi ni Regine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN