Liezl Martinez openly talks about her breast-cancer surgery

IMAGE 0


"Friday check-in sa sa hospital and then, Saturday, they did na my mastectomy [surgical removal of the breast]. Ganun kabilis. Tuesday yung test, then Thursday ko nalaman, Saturday wala na akong boobs!" recalls Liezl Martinez with a laugh.


Last Saturday, March 27, ay nagdiwang ng kanyang birthday si Liezl Martinez. Kasabay ng kaarawan niya ang debut party ng pangalawang anak nila ni Albert Martinez na si Alyssa Martinez.

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na Liezl was diagnosed with breast cancer at noong una'y inilihim nila ito sa publiko. Pero sa panayam ni Ricky Lo kay Liezl sa Startalk last Saturday ay sinabi niya na almost a year and a half na rin since she was diagnosed with cancer.

"I was 41 nang ma-diagnose ako, so almost a year and a half."

Mas masaya ba ang birthday niya ngayon compared last year?

"Well, last year, wala pa akong buhok. Talagang wala talaga. Actually, nagpatsi-patsi siya noong una. Tapos, noong makita ako ni Aga [Muhlach, Liezl's cousin], sabi niya, 'Ang sagwa, Ate Liezl. Sige na, tanggalin mo na 'yan.' So, ang nag-shave sa ulo ko, si Charlene [Gonzalez, Aga's wife]," kuwento ni Liezl.

BIRTHDAY GIFT. Aside from Albert's unconditional love for her, ano ang materyal na regalong natanggap niya mula sa asawa?

"He gave me a car," sagot ni Liezl. "The other day, he said, 'You come out,' sa labas daw ng bahay. Sabi ko, 'Ang init-init naman!' Sabi niya, 'Sige na, lumabas ka na.' 'Mamaya na, mamaya na.' Ang kulit! So, sabi ko, 'Bakit ang kulit mo?' 'Basta, I'll show you something.' Parang galit pa siya. Basta sabi niya, 'You come down.'

"Tapos paglabas ng gate, may parating na car. Sabi ko, 'Ano 'to?' Then, sabi niya, 'Happy birthday.' So yun, touched naman ako," nakangiti niyang kuwento.

Liezl and Albert will be celebrating their silver anniversary on May 1. For Liezl, she attributes the success of their marriage to a give-and-take relationship.

Tinanong din si Liezl if Albert has ever given her reason to be jealous?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"No, never, never talaga. I don't think we would have lasted. Hindi ako yung tipo ng martyr type," sagot niya.

THE DISCOVERY. Ikinuwento rin ni Liezl ang first time niyang mag-take ng mammogram, o pag-e-examine sa breasts.

"Actually, kung hindi pa ako kinulit-kulit ni Pops [Fernandez], hindi ko pa gagawin. Noong tsine-check ako, yung technician, yung nagtse-check sa akin, parang hindi maganda yung mukha niya. Tapos ako, 'Bakit, bakit?' Sabi niya, 'Wala ho, Ma'am, hindi ho ako puwedeng magsalita.'

"Tapos noong kausap ko na si Doctora, 'Doctora, bakit ho? Ano na ho ang result ng exam?' Sabi niya, 'Liezl, I want you to come to the clinic. I want to discuss the result with you.' Sabi ko, 'Doctora, no, tell me na now what it is.' 'It's positive.'

"Sumigaw ako. Sumigaw ako nang malakas. I was at home. Alone, upstairs in the room and then I ran outside the door. Hinanap ko si Albert. Basta ang naaalala ko lang, hinanap ko siya tapos, sigaw ako nang sigaw. Tapos sabi niya, 'What's wrong? What's wrong?' Then, I passed the phone to him. And he started talking to the doctor."

Araw ng Huwebes 'yon nang sabihin ng doctor ang kalagayan ni Liezl. After that, she talked to her mom Amalia Fuentes and cousin Arlene Muhlach at saka nila pinag-usapan kung ano ang susunod na hakbang.

"Friday check-in sa sa hospital and then, Saturday, they did na my mastectomy [surgical removal of the breast]. Ganun kabilis. Tuesday yung test, then Thursday ko nalaman, Saturday wala na akong boobs!" natatawa na lang na kuwento niya.

It was her left breast daw na tinanggal.

Just like most patients who were diagnosed with breast cancer, Liezl went through the stages of denial, depression, realization, and acceptance.

"Ang tagal. One year ako na ayokong pag-usapan. Noong pagdating ng acceptance, may kasamang depression, na why me? Why? Kasi, I don't smoke. I never experimented with drugs," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Liezl, wala rin daw kinalaman ang breast implant niya sa pagkakaroon niya ng cancer, gaya ng hinala ng kanyang ina.

Nalaman din ni Liezl ang isang cause ng cancer—stress.

"Any sickness actually. It's really, really bad. Kapag anong-ano na 'ko, I go to Aga's farm, sa M.K., in Batangas. Kahit alone, I go there," sabi niya.


ALBERT'S BREAKDOWN. Bagamat hindi raw niya nakitang umiyak, may nakapagsabi raw sa kanyang nag-breakdown si Albert nang malaman ang kanyang sitwasyon.

"Kuwento lang sa akin. They really saw [how] Albert broke down. Yung parang sa pelikula na sumandal sa wall, sinuntok yung wall noong una, then slump down sa floor. Mas worried siya sa akin kasi, how I will deal with it because as a woman, that's important to you as a woman? Pero sabi niya, if that doesn't bother you, then, it doesn't bother me."

Did she become more spiritual after she found out about her illness?

"I'm very spiritual. It didn't change. Even when I lost my breast, it didn't change. I didn't lose my faith. Not because I got sick, I became more...it's just the same. I think, it was my spirituality that helped me cope with it," saad ni Liezl.

Any message for her friends and family that are praying for her continuous recovery?

"Well, siyempre, thank you sa friends and family who are there and support me. But you know, I'd also like to thank the people who I meet in the street, in the mall, who come up to me and say, 'Liezl, we're praying for you.' I really, really appreciate it."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN