Anne Curtis says new endorsement will not affect her friendship with Angel Locsin

IMAGE 0


During the brief program held at the successful special screening of Babe, I Love You in SM The Block last April 11, the host mentioned Anne Curtis's tweet: "I love my iPad. I love my new boyfriend." When asked to comment about it, Sam Milby just smiled and said, "It was my pasalubong."


Pagkatapos ng kanilang movie project na Babe, I Love You, muling makakasama ni Anne Curtis si Sam Milby dahil ito ang napiling endorser ng A-series scents ng Folded & Hung.

Noong nagkaroon ng special screening ang Sam-Anne fan clubs na Kismets at Hot Girls sa The Block noong April 11, nabigyan ang ilang guests ng mga cologne—Innocence, Muse, Ingénue, at Stargaze—na ayon sa dalaga ay swak sa kanyang bubbly personality.

Sa huling panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Anne, ayon daw sa "moods at qualities" ang kanyang A-series.

"I hope that everyone will fall in love with my scents. I personally chose the scents that go with my different moods. It's a special thing for me and I want other people to love it as well. It's like sharing a part of myself to those who have supported me since I've started my career in showbiz. It's my own way of saying thank you for everything," dagdag pa ni Anne.

Hindi kaya intrigahin siya at si Angel Locsin, na endorser din naturang brand?

"That will never happen because magkaibigan kami ni Angel," ang mabilis na sagot ni Anne.

Dugtong ng ex-girlfriend ni Sam, "Idinagdag lang ako because of the scent line. I'm not endorsing their clothes because kay Angel iyon. Hindi naman siguro maapektuhan ang friendship namin because we know each other very well. Magkasama nga kami sa isang business venture, di ba? Yung Show and Share auction namin... Kaya huwag na nila kaming gawan ng intriga because pagtatawanan lang namin 'yan ni Angel."

BABE, I LOVE YOU. Isa pang nagpapasaya kay Anne ay ang box-office success ng kanyang recent film. Ayon sa nakalap ng PEP na impormasyon, kumita raw ng higit sa 12 million pesos ang Babe, I Love You sa first day nito.

Ang balita ni Anne, "We're very happy talaga. It's something na pinagdasal namin pareho and up to now, showing pa naman siya at kumikita pa rin. It only proves na we have chemistry and people accept us as a love team na rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"People are asking me kung kelan kami ulit magsasama ni Sam sa bagong pelikula? Wala pa akong masagot, pero definitely may bago kaming gagawin ulit. Wait na lang sila for the good news."

For now, busy si Anne sa shoot para sa pelikulang In Your Eyes, kung saan makakasama niya sina Richard Gutierrez at Claudine Barretto.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN