Francine Prieto's mom Amelia Falcon to be laid to rest today

IMAGE 0


Francine Prieto says she is the carbon copy of her mother Amelia "Mommy Amy" Falcon. "Pero ang pagkakaiba lang namin, ako kasi may limit. Kapag nagkasala ka na sa akin, at marami ka nang ginawa sa akin na kapalpakan, wala na, tapos na. Hindi na ako magtitiwala pa sa iyo. Parang sumosobra naman yung tao. Pero ang mommy ko, kahit na ilang beses na siyang niloko, kahit na kung anu-ano pa ang masasamang sinabi sa kanya, kapag humingi sa kanya ng tulong


Kagabi, March 30, Martes, ginanap ang huling gabi ng lamay para sa ina ni Francine Prieto na si Amelia Falcon o mas kilala ng mga kaibigan ni Francine sa showbiz circle as Mommy Amy. Nagkaroon ng isang simple at intimate na misa na dinaluhan ng mga malalapit na kaibigan at pamilya nina Francine.

Pumanaw noong March 26, Biyernes, si Mommy Amy matapos ang ilang buwang pakikipaglaban sa sakit na stage 3 ovarian cancer sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City.

Sa memorial service, nagbigay ng tribute ang lahat ng malalapit na kaibigan at ang mga anak ni Mommy Amy na sina Francine, Richard, Sheila, Joseph at Patrick. Pangungulila at pag-alala sa magagandang mga sandali nila sa kanilang ina ang ibinahagi nila sa mga naroroon na nakikiramay sa kanilang pamilya.

CARBON COPY. Ibinahagi pa ni Francine ang klase ng relasyon nila ng kanyang mommy. "Galit-bati kami. Wala namang mother-daughter na hindi nag-aaway, imposible yun, di ba?" aniya nang makapanayam na ng PEP (Philippine Entertainment Portal) matapos ang misa.

"Kami ng mommy ko, away-bati kami, pero alam naman namin na mahal namin ang isa't isa. 'Tsaka mula nung pagkabata ko, laging sinasabi sa amin na carbon copy ako ng mommy ko, pero yun nga lang, morena lang siya. Pero hindi lang naman kami sa itsura magka-carbon copy kundi pati na rin sa pag-ugali.

"Ang mommy ko moody, ganun din ako, moody. Pero ang pagkakaiba lang namin, ako kasi may limit. Kapag nagkasala ka na sa akin, at marami ka nang ginawa sa akin na kapalpakan, wala na, tapos na. Hindi na ako magtitiwala pa sa iyo. Parang sumosobra naman yung tao. Pero ang mommy ko, kahit na ilang beses na siyang niloko, kahit na kung anu-ano pa ang masasamang sinabi sa kanya, kapag humingi sa kanya ng tulong, tutulungan niya," kuwento pa ni Francine tungkol sa ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang santa yan, e. Mahilig tumulong. Sabi ko sa kanya, 'Mommy, huwag kang tulong nang tulong. Kasi minsan, napapahamak ka lang. Pero ganun talaga. Dun kami nagkaiba. Kaya siguro kahit na sinasabing carbon copy kami, siya pa rin yung original.

"Kaya siguro nakita nyo naman, ang daming dumadalaw sa mommy ko, ang daming bumibisita sa kanya ang daming nagbigay ng dugo sa kanya last year. Ngayon, ang daming mga bulaklak, ang daming mass cards, nakita nyo naman.

"Kaya siguro kung nasaan man si Mommy ngayon, nandiyan lang siya sa tabi-tabi at nakikita niya naman yung ang daming nagmamahal sa kanya, natutuwa yun. Kasi nga ang daming nagmamahal sa kanya," sabi pa ng 27-year-old na half-Norwegian, half-Filipina actress.

ALWAYS BY HER SIDE. Si Mommy Amy ang lagi nang kasama ni Francine simula pa noong nagsimula ito sa pag-aartista noong 1990 sa edad na walong taon, nang magkaroon ito ng maliit na role sa pelikulang Hindi Laruan Ang Puso. Hanggang napasama sa That's Entertainment! noong 1993 si Francine bilang Anna Marie Falcon, nagmodelo at sumali sa Bb. Pilipinas noong 2003, si Mommy Amy ang nakikipag-usap sa mga naging managers ni Francine at nag-aasikaso ng mga kontrata at mga papeles ng noo'y young star.

"Pero lagi naman niya akong tinatanong kung gusto ko. Laging gano'n. Ako pa rin talaga ang nagde-decide. So, mali yung ibinibintang sa kanya noon na, ibinubugaw raw ako o ibinebenta. Sino ba namang ina ang magbubugaw sa anak? Maling-mali yun. Ako ang nagde-decide talaga.

"Maski nung in-offer sa akin ang Seiko [Films, kunsaan nakilala si Francine bilang sexy star], ako talaga ang nag-decide. Nung maging hanggang top 12 lang ako sa Binibini, kinakausap na ako noon ni Tito Ces [Evangelista], interesado nga raw si Robbie Tan [Seiko Films boss] na gawin akong sexy star. E, siyempre, ang joke noon, di ba, 'If it's from Seiko, it must be bold.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So natakot naman ako nun. Pero nung di nga ako nanalo sa Binibini, ang sabi ko, 'Hah, magbo-bold star na lang ako.' So yun na nga, first movie ko [sa Seiko under her new screenname Francine Prieto] Liberated. Awa naman ng Diyos hindi yung mga title na Itlog... Bakat... di ba, parang... baka asar-asarin naman ako nun," nangingiti pang kuwento ni Francine.

Lagi nga noon sa tabi ni Francine ang ina at laging nakaalalay sa lahat ng pangangailangan niya, kahit na hindi pa magsalita si Francine. "Syempre ganun naman ang nanay, laging nandiyan," sabi pa ng dalaga.

Kaya noong nagkasakit na si Mommy Amy, si Francine naman ang di umalis sa tabi nito. Laging nakaalalay at laging kasama sa gamutan. Puwera na lamang nung malagutan ng hininga si Mommy Amy. Delikadong procedure kasi ang ginawa sa kanya at tanging ang mga manggagamot at staff lang nito ang puwedeng naroon.

Sa hiwalay na kuwento ni Francine, noong kabuburol pa lang si Mommy Amy, ikinuwento niya na wala nang buhay ang kanyang ina nang muling mayakap niya ito.

Ngayong wala na si Mommy Amy, mami-miss daw ni Francine ang pagpapaalala lagi sa kanya ng kanyang ina.

"Wala nang sisigaw sa bahay, wala nang manenermon. Wala na ring magte-text sa akin na, kalalabas ko lang ng bahay, 'Where are you? Where are you? Where are you?' Yung mga ganun na tatlu-tatlong beses mag-text para sigurado raw na ma-receive ko. Pero ganun naman talaga ang mga nanay, di ba? Normal lang nila ginagawa yun na, siyempre tayo naiirita tayo, pero sila, nag-aalala lang talaga," natatawa pang pagbabalik-tanaw ni Francine.

Bago magtapos, hiningan ng PEP ng mensahe si Francine para sa kanyang ina.

"Ang message ko sa mommy ko, tapos na yung pain niya. Kung nasaan man siya ngayon, sana makita na niya yung happiness, dahil ang dami niyang ginawang sacrifices para sa amin. Hindi biro yung 54 years na ibinuhay niya at paghihirap niya para amin. So, time naman na peace para sa sarili niya naman o eternal bliss naman ang maramdaman niya para sa sarili niya, at I'm sure, nandiyan pa rin siya para sa amin, magiging guardian angel namin siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Alas-dos ng hapon ang alis ng labi ni Mommy Amy mula sa Arlington Memorial Chapels sa Araneta Ave. at alas-tres naman ang oras ng libing sa Holy Cross Memorial Park sa Quirino Highway, Quezon City.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN