Paolo Bediones will spend Holy Week break practicing for new show on TV5

IMAGE 0


"Kung hindi ka kinakabahan, there's something wrong. You're overconfident. And I don't want to be overconfident, e. Kinakabahan ako, sobra. Kinakabahan ako na tatanggapin ba ng tao itong bagong role ko," says Paolo Bediones about his new roles in TV5. Aside from managerial job, Paolo will also be doing its weekend public affairs program U.S.I. and will be one of the news anchors of TV5 primetime newscast Aksyon.


"Walang bakasyon," sambit ng TV personality na si Paolo Bediones nang tanungin siya ng media kung ano ang balak niya ngayong Semana Santa. Nakausap ng ilang miyembro ng media ang dating Kapuso host sa presentation ng mga bagong news and public affairs program ng TV5 noong Martes, Marso 30, sa Tangerine Restaurant, Greenhills, San Juan.

"Rehearsal kami, e. So the remaining days na meron kami, [naka-schedule] sa practice. Tomorrow [March 31], we'll have our dry run. I think, pahinga namin would be Thursday and Friday. Then, Saturday and Sunday sabak ulit kami. We wanna make sure kasi it's very tech-heavy, e, 'yong newscast namin," sabi ni Paolo bilang isa sa mga news anchor ng primetime newscast ng TV5 ang Aksyon.

Sa pagpapatuloy ni Paolo, nagbigay siya ng kaunting ideya kung ano ang mangyayari sa Aksyon simula sa Lunes, April 5.

"May malaking screen 'tapos parang may slideshow na mangyayari. So, there are portions sa program na hindi parang ordinary newscast na nagbabasa ka lang. May part doon na parang nagle-lecture ka. So, it's something na kailangan mong pag-aralan. So, I have to go to work really, really early to study."

Hindi ba kinakabahan si Paolo sa kung paano tatanggapin ng mga manonood ang kanilang bagong news program?

Sagot ni Paolo, "Sa akin, simple lang. Kung hindi ka kinakabahan, there's something wrong. You're overconfident. And I don't want to be overconfident, e. Kinakabahan ako, sobra. Kinakabahan ako na tatanggapin ba ng tao itong bagong role ko. I've done so many things in the past—nag-artista ako, nagpelikula ako, nag-reality show ako, nag-showbiz-oriented ako, nag-morning show ako, nag-game show, nag-pageant, lahat. Ito ba tatanggapin ng mga tao?

"You know, I just really pray every day na kung anuman 'yong mga talent na binigay sa akin ng Diyos, talagang maipakita ko. And I really wanna prove to TV5 na hindi sila nagkamali sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

RECALLING PAST EXPERIENCES WITH GMA-7. Sa kanyang paglipat mula sa GMA-7, inamin ng dating Survivor host na binabalik-balikan pa rin niya ang kanyang mga karanasan sa dating home network.

Para kay Paolo nagsisilbing gabay niya ang nangyari sa kanya noon sa GMA-7 noong siya'y nagsisimula pa lang. Pahayag pa niya, "Binabalikan ko ang experiences ko when GMA-7 was starting out noong 1998. Nagsisimula na sila doon sa pag-angat nila bilang number one network. Bakit ko binabalikan 'yon? Kasi, 'yon ang nararanasan namin ngayon. Kung ano ang GMA-7 12 years ago, 'yon ang nangyayari pagpasok namin [sa TV5]."

Dahil sa magsisimula pa lamang ang mga bagong news programs ng TV5, aminado si Paolo na hindi magiging madali ang pakikipagsabayan nila sa dalawang nangungunang network, ang ABS-CBN at GMA-7.

"Gaya nga ng sinaabi ni Ma'am Luchi [Cruz-Valdez, head of News5], tabula rasa as in clean slate, walang mga programs, mga cameramen, walang regular reporters, mga tao namin, producers, wala. We had to search, to convince people to move.

"It was really tiring pero doon 'yong fulfillment, e. Parang, 'Wow!' Nakikita mong nabubuo sa harap mo. As opposed to naging bahagi ka na ng isang malaking-malaking network, nakapuwesto na 'yan lahat, e. And what contributions one person can really make. I mean, iba 'yong fulfillment kapag nakikita mong nabubuo right before your eyes. 'Yong mga tao, natututo sila. 'Yong mga reporters namin dati sobrang shy, ngayon, medyo matapang na.

"Cheryl and I are going to be training the reporters as well, sharing our knowledge para at least naibabahagi namin kung ano ang nakuha namin in 12 years sa industriya. We were able to share it to the people."

"MAS VISIBLE AKO." Isa sa mga kinagigiliwan ni Paolo sa paglipat sa TV5 ay ang kanyang partisipasyon sa ilang managerial duties para sa network.

Kuwento ni Paolo, "When I did Survivor, wala nang mas active pa sa akin noon, I knew the show inside-out. I'm a fan of the show, I was the consultant. I made sure that I knew every little detail. Lahat ng mga challenges inside-out, alam ko kung paano gawin, alam ko ang script ko, ako ang gumagawa ng script ko. So, ang kaibahan lang, dito kasi, binigyan ako ng title na hindi lang ako anchor or host. May title din ako as a person from management."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Paolo, noong nasa GMA-7 pa lang siya, bagamat may iba pa siyang ginagawa sa likod ng camera, nakilala lamang siya ng karamihan bilang host.

"When I did my show naman sa Survivor, kahit hindi lang pang-host ang ginagawa ko, doon lang ako nakilala, bilang host. Pero kung tatanungin mo lahat ng mga staff, kung anong klase ng work ang ginagawa ko, doon ninyo malalaman na hindi lang pala ako host. And I take a lot of pride in that, na I do a lot of things.

"Dati nga for the love of, e. Dahil mahal mo ang programa, lahat gagawin mo. Magpupuyat ka kasama sila dahil gustung-gusto mong pulido ang programa mo. Whether you get recognized for that or not, it didn't really matter. Ang pinakamahalaga sa akin, honestly, is that I get to work. Dito naman, most visible ako. Kumbaga, legitimized na. Lehitimo na I perform management duties, kumbaga."

"MAYBE TWO OR THREE YEARS." Sa mga bagong programa na ihahain ng TV5 sa mga Pinoy na manonood, sa tingin ba ni Paolo ito na ang magiging hudyat upang makapasok sa labanan ng dalawang malalaking TV network?

Para kay Paolo hindi ito magiging madali. Aniya, "You know what, ang goal namin, ang binigay na directive, kailangan mag-number one kami, e. I don't see that happening within the next two years. Let's be realistic. Maybe three, maybe four. Maybe by then, we have overtaken one of the networks."

Positibong pahayag pa ni Paolo, "Opportunities lang 'yan, e, and the right timing. When I entered GMA-7 12 years ago we were close number two. Then, when I started doing mga Extra Challenge and what not, medyo naungusan natin ang kalaban [ABS-CBN] and it was all uphill from there. Now we can see that the pushes in the top are not stable anymore. And habang the two [networks] are doing their battle, we're doing our thing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"One thing that you'll notice sa TV 5, sa programming namin, ang ginagawa namin, hindi namin sinasabayan ang format ng kabila. Kumbaga, ako sa Aksyon, kaming dalawa ni Cheryl Cosim, 9:00 p.m. 'yan. So, kasabay namin mga soap opera. May market ba doon? We will see. Will we stay on that timeslot? We will see. If we do okay, if we do well, maganda ang feedback natin, then, definitely we can move lower, sabayan na natin ang big networks as well."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN