Rosanna Roces talks about her brother who died in her arms

IMAGE 0


"Parang hindi naman ako naniniwala na after death, judgment agad. Oo nga, nasa Bible nga 'yan, pero binubuksan ko rin yung utak ko sa ibang bagay, mga bagay na nararanasan mo, na nakikita mo, na hindi kayang ipaliwanag ng kahit na sino," says Rosanna Roces.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Rosanna Roces kahapon, March 30, sa taping ng Talentadong Pinoy sa Skydome ng SM North Edsa. Isa si Rosanna sa mga contestant ng celebrity edition ng talent show ng TV5 na magsisilbi ring birthday presentation ng host nitong si Ryan Agoncillo.

HER BROTHER'S DEATH. Ang una naming napag-usapan ay ang tungkol sa pagkamatay ng nakatatandang kapatid ni Osang (palayaw ni Rosanna) na si Edgardo Adriano last March 17 sa sakit na emphysema at the age of 56.

"Sa arms ko siya namatay," banggit ni Osang. "Sayang nga, e, kung kailan pa kami naging close 'tsaka pa ano... 'Papa' ang tawag ko sa kanya kasi nung inampon ako, siya yung parang naging ano [tatay-tatayan] ko rin. Makikita mo sa picture, as early as one year old, gitara na ang katabi ko, yung ganun, siya yung nagtuturo. Sangko ko na bale yun, pero 'Papa' ang tawag ko sa kanya. May sangko ako, e, may dikong, may kuya."

Pangatlo raw sa magkakapatid ang namatay.

Pagpapatuloy ni Osang, "Iniisip ko na lang na we are indefinite, we are... When we die hindi ano... Yung body, vehicle lang but the spirit lives on. Andiyan lang, parang andiyan lang sila.

"Wala na kasi akong fears. Kasi alam mo yung ginaga-guide ka pa rin. Ayoko kasi nung masyadong Biblical na ano, ayoko din namang masyadong ano. Pero sa totoo lang, we are immortal. Pagkamatay mo, pupunta ka lang sa ibang katawan siguro o sa ibang panahon siguro.

"Parang hindi naman ako naniniwala na after death, judgment agad. Oo nga, nasa Bible nga 'yan, pero binubuksan ko rin yung utak ko sa ibang bagay, mga bagay na nararanasan mo, na nakikita mo, na hindi kayang ipaliwanag ng kahit na sino.

"Kagaya noon, bakit alam niya [her brother] ang petsa kung kailan siya mamamatay? Naku, noon-noon pa lagi niyang pinatatayaan sa akin ang 3-17 [third month and 17th day], kahit daw saan. Ang dami ngang...pati ibang tao, yung kumare niya tinayaan ang 3-17 sa jueteng, ang laki ng tinamaan! Yun pala, yung 3-17, yun ang araw na mamamatay siya. Isipin mo, alam niya!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inihabilin din daw ng kuya niya ang mga anak nito sa kanya.

"Ibinilin niya sa akin yung mga anak niya na huwag kong pabayaan. Anim ang anak niya, pero itong huli, yung dalawa, yun yung ibinigay niya sa akin," sabi ni Osang.

Napakasakit daw na sa mga bisig ni Osang namatay ang kapatid niya.

"Masakit, masakit, kung kailan pa kami naging close."

Dati raw kasi ay hindi sila masyadong nagkikita nito.

"Ito yung utol kong hindi umaasa sa akin, hindi nanghingi ng pera, wala. At saka siya yung nagturo sa akin na magpatawad, na ang pagmamahal, laging bibigyang-daan, lagi niyang sinasabi ang ganun."

HOLY WEEK. Ano naman ang plano ni Osang ngayong Mahal na Araw?

"Siyempre, kung let's say mag-i-stay ka lang sa bahay, make it a point to be with your family and meditate a little and stop muna ang Internet, stop muna ang TV, stop muna ang Restaurant City, ang Facebook... Oo, grabe, yung mga kaadikan!" natatawa niyang sabi.

Dagdag ni Osang, "Pagninilay lang, pero hindi naman nilay na yung iiyak ka na, 'no! Usually din, general cleaning. Ang mga [photo] album aayusin mo, di ba, with the kids? 'Tsaka hindi yun dapat sine-celebrate. Dapat ino-observe. Na yung iba kasi, hala, rampa dito, rampa doon!"

SENATOR BONG REVILLA. Kinumusta rin ng PEP kay Osang ang "balae" niyang si Senator Bong Revilla.

"Naku, teka muna yata!" tawa muna niya, sabay sabing, "Okay naman."

Okay na sila?

"Ewan ko!" at muling napahalakhak si Osang.

Kailan sila huling nagkausap ni Bong?

"Naku, hindi ko na alam!"

Hindi na siya galit kay Bong?

"Ay, wala nang puwang ngayon sa puso ko ang magalit dahil wala nang paglalagyan. Parang hindi dapat muna, at saka nagagalit ka siyempre kapag may mang-aasar sa 'yo.

"Pero sa ngayon, maraming bagay ang dapat unahin ang tao kesa magalit. Mas dapat magpasalamat tayo dahil... Eto, nakita mo namatay ang kapatid mo, ikaw naiwang buhay, e, di dapat yun pa lang pasalamat ka na," saad ni Osang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN