Ariel & Maverick return to TV5, still hoping movie with GMA Films pushes through

IMAGE 0


The comedy duo Ariel & Maverick signed a non-exclusive contract deal with TV5, the network that actually made them popular.


Natutuwa ang comedy duo Ariel & Maverick dahil muling ibinalik sa ere ng TV5 ang dati nilang show na Totoo TV na mapapanood every Monday 9:30 pm.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sina Ariel at Maverick sa presscon na inihanda ng TV5 para sa bagong lineup ng kanilang news and public affairs programs. Ginanap ang presscon sa Tangerine restaurant sa Greenhills, San Juan noong Martes, March 30.

Paliwanag ni Maverick, "Ito ang tinatawag naming bagong Totoo TV. Bago kasi kung dati nag-i-interview kami ng celebrities at politicians, this time we will feature yung iba't ibang government agencies. Parang magbibigay kami ng tips sa mga tao. What we'll do is like to show them how to get an NBI clearance or license sa LTO. Ipapakita rin namin kung competent at credible yung mga government agencies natin because alam naman natin na existing din yung mga red tape, corruption. Yung proseso ipapakita namin."

Seryoso ang concept ng show nila bagama't may halong comedy ang approach.

"Naniniwala kasi kami na mas maiintindihan ng tao pag may humor. So, this is a combination of information and humor. Tina-tackle din namin yung mga fixers and scams pero in a lighter mode. Ine-expose namin pero in a comedy way," sabi ni Ariel.

Ano ang kontrata nila sa TV5?

"Ano lang kami, parati lang kaming per season. So, non-exclusive kami. Para puwede pa rin kami sa ibang stations," ani Maverick.

Nilinaw naman nila na hindi naman sila umalis sa ABC5 pa noon. Bago pa sa GMA-7 ay nauna na silang sumikat sa Channel 5 noon.

"Ang nangyari kasi na-dissolve yung news and public affairs. So, yung Totoo TV under ng public affairs kaya nawala. Pero now happy kami na ibinalik ang Totoo TV," paliwanag ni Ariel.

Ano ang dahilan na pumayag silang gumawa ulit ng show sa TV5?

"Basically, alam namin na bagong management ang TV5 ngayon. So, nakikita namin yung potential na lumaki talaga at maging number one. Gusto naming sumabay sa mas paglaki pa ng TV5. Siyempre, kung sino ang nagbibigay ng work doon tayo, di ba?" sabi ni Maverick.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PROBLEM WITH GMA-7? Freelancer naman daw sila kahit noon pa. Wala rin daw silang kontrata sa Kapuso network noon. Ang ipinagtataka lang ng marami ay matapos silang bigyan ng warm welcome at mga shows sa GMA-7, bakit ngayon ay biglang nawalan sila ng projects?

"Yun nga ang ipinagtataka namin e. Kasi after ng Bilib Ka Ba Nights na show naming Masquerade, e, wala nang sumunod. Ang alam namin kami ang pinakamataas ang ratings doon sa block na yun. Dalawang season yun. Ngayon, nagkaroon lang ng problema sa materyales namin na galing sa Japan. Nagkaroon ng misunderstanding doon sa supplier ng World Records, na nagsu-supply din ng materials namin.

"Ang ipinagtataka ngayon namin, bakit hindi kami nabigyan ng bagong show, e, na-prove naman namin yung sarili namin in terms of ratings. Nai-deliver naman namin yung mataas na ratings. 'Tapos very affordable naman kami. Sana lang na-maximize kami kasi we know we can deliver naman. Alam naman namin na GMA has its own pool of talents. Kaya lang ang napansin lang namin, paulit-ulit yung talents na ginagamit nila sa mga shows. Sana nama-maximize din nila yung ibang talents," mahabang litanya ni Maverick.

Masama ba ang loob nila sa GMA-7?

"Hindi naman masama ang loob namin. Kasi si Ms. Annette Gozon (GMA Films President and Entertainment TV consultant), mahal kami niyan e. Kaya kami nakapasok sa GMA because of Annette Gozon. Nagpapasalamat kami sa GMA dahil nagkaroon kami ng projects sa kanila. Kaso may mga grupo doon na may ayaw sa amin. Ayoko na lang sabihin kung sino. Yun lang, nagtataka lang kami kung bakit? Nalulungkot lang kami kasi ang gusto lang namin magpatawa, e. Passion ko talaga ito. Pero hindi ko akalain na meron palang ganun na gusto n'yo, kayo-kayo lang," sentimyento ni Ariel.

Ikinalungkot nga rin nilang dalawa ang pagtanggal ng isang morning game show sana sa GMA-7 na sila ang hosts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakakalungkot lang kasi nagre-rehearse kami for almost two months for that. And then na-shelved. 'Tapos muntik pa kaming mawala noon sa Joaquin Bordado kasi nagkasabay doon sa shooting ng movie namin sa Amerika. And then after Bordado wala na kaming show," sabi ni Maverick.

PENDING GMA FILMS PROJECT. Speaking of their U.S. movie under GMA Films, ipinapalabas na ang teaser ng pelikula nilang Ariel & Maverick's Hollywood or Else... Pero ano ba ang nangyari at natatagalang matapos ito?

"Ang nangyari kasi, pinabalik kami ng Pilipinas. Mali kasi yung visa na ibinigay sa amin noong una. Ang ibinigay kasi sa amin noong una multiple visa. E, dapat ang ibinigay sa amin working visa. Kaya babalik ulit kami ng Amerika. Ang hinihintay lang namin ngayon ay maayos yung visa namin," sabi ni Ariel.

Ayon kay Ariel, hindi naman nila kasalanan ito dahil naging open naman sila sa interview sa kanila na ang purpose ng pagpunta nila sa States ay para mag-shooting talaga.

"Alam mo kasalanan nila e. Kasi nung tinanong kami ng consul, yun magsu-shoot kami, di ba? Papel ng GMA yung ipinakita namin. Tapos noong pagbigay ng visa sa amin, yun nga multiple. May mali sa side nila kasi nilatag naman namin. Hindi kami nagsinungaling. At saka yung purpose talaga na nakalagay sa application namin is magsu-shoot talaga kami," wika pa ni Ariel.

Dagdag ni Maverick, "Na-rattle lang kami kasi when we're in the plane tapos parang the Embassy found out. So, nag-email ang U.S. embassy sa GMA. Nagpalabas sila ng memo na we can't shoot sa Amerika and once they caught us shooting they'll revoke all our visas. Pa-landing na kami noon nang malaman namin. So, pagpasok namin ng U.S. airport doon sa immigration nila, hindi na namin puwedeng sabihin na magsu-shoot kami. Ang sinabi na lang namin, magbabakasyon na lang kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-stay pa raw sila sa U.S. dahil sayang naman daw kung babalik sila agad ng bansa.

"Noong una nga, ayaw sana naming mag-shoot pero nag-shoot na rin kami using yung handy cams. Kasi marami rin naman meron camera doon. Ang hindi kasi nila alam ganun talaga ang takbo ng pelikula namin na parang 'Borat.'" paliwanag ni Ariel.

"But the problem nga lang there is wala kaming permit to shoot. So, hindi kami makakagawa ng isang malaking eksena kasi sometimes the scene will require lights and magandang audio," dagdag pa ni Maverick.

Maipalalabas pa ba ang pelikula nila?

"Meron pang 15 percent na natitira at dapat tapusin. Ang alam ko itutuloy pa rin nila. Hinihintay lang namin yung visa. Siyempre, umaasa pa rin kami na matatapos namin yung movie at maipapalabas pa rin siya," sabi ni Ariel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN