Daniel Matsunaga lets Brazilian girlfriend go for the sake of his showbiz career

IMAGE 0


Working with some of tinseltown's most beautiful women will help him get over it. He names four of his favorite faces.


Sa pagmamahal ni Daniel Matsunaga sa kanyang career dito sa Pilipinas bilang isang modelo at artista, kinailangan niyang isakripisyo ang kanyang lovelife.

Ang Brazilian girlfriend niya kasi na isa ring modelo sa Pilipinas ay kinailangan nang bumalik sa Brazil.

"We still like each other but then she has to leave. She has to go back because she has to see her parents in Brazil and she has to help her mother in their business.

"She is not coming back, no, I don't think so," kuwento ni Daniel sa PEP (Philippine Entertainment Portal) in one of our most recent interviews with the Japanese-Brazilian hunk.

Ipagpapatuloy raw ng ex-GF niya ang kanyang modeling career sa Brazil.

Dadalawin ba niya ito sa Brazil?

"Oo, no problem... maybe."

Wala raw silang naging formal breakup.

BEAUTIFUL CONSOLATION. Hindi naman tuluyang malulungkot si Daniel dahil marami naggagandahang mga babae rito sa Pilipinas.

This prompted us to ask him kung sino para sa kanya ang mga may pinakamagandang mukha sa local showbiz.

Since hindi raw siya nakakapanood ng telebisyon, tatlong pangalan lang ang naibigay niya sa umpisa na puro mga nakatrabaho na niya.

"Marian Rivera! We worked together in Show Me Da Manny, she is really maganda."

"Then also Kris Bernal and KC Concepcion."

Si Kris ay nakasama niya sa The Last Prince at si KC naman ay sa Close-Up toothpaste commercial.

May inihabol pang pangalan si Daniel.

"Rhian Ramos is also very pretty!"

Sa tanong naman kung sino sa mga binanggit ang pinakamaganda sa kanya, "All of them are very beautiful," ang safe niyang sagot. "It's very hard to choose who is the most beautiful."

GAY MAGNET. Dahil napakaguwapo at very hunky, malakas ang appeal ni Daniel hindi lamang sa mga babae kundi pati sa mga gay.

May nanligaw na ba sa kanyang gay?

"No, no, I like girls, I really like girls! I have nothing bad to say about, you know, gays, coz like in the modeling world, there's a lot of gays, and they're nice and funny.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We are all professionals. All of them are really nice, very funny and I just enjoy my work, and I have nothing to say about that, you know."

Idinipensa niya ang kaibigan niya at kapwa Japanese-Brazilian na si Akihiro Sato na dumaan na rin sa gay rumors.

"Akihiro is a good friend of mine for six years and I know that he is a guy and he likes girls also."

FIRST FEATURE FILM. Nabanggit namin kay Daniel na sa isang interview, sinabi ni Aljur Abrenica na di hamak na mas guwapo sa kanya si Daniel. Magkaribal ang dalawa para sa pag-ibig ng Kris Bernal character sa The Last Prince.

"I don't think so!" ang giit ni Daniel. "Aljur is very handsome. He is, you know. He is already a big name on TV. Aljur is a very good friend of mine so there is no point for me to be talking bad, you know.

"He is very good and very handsome and I have to congratulate him for everything he has done, you know."

Hindi raw totoong may iringan sila ni Aljur over Kris. Propesyonal raw ang naging triangle nila sa The Last Prince at kaibigan niya pareho ang magka-love team.

Kasama si Daniel sa indie film ng Astral Productions na D' Survivors sa direksyon ni Adolfo Alix Jr. Ito ang pinakaunang pelikula ni Daniel.

Kasama rin dito si Akihiro at ang kapwa nila Japanese-Brazilian model na si Fabio Ide. Ipalalabas na ito sa April 28.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN