Maria Venus Raj will fight to regain her Bb. Pilipinas-Universe crown

IMAGE 0


"I'm okay. Pero alam n'yo yun, hindi mo pa rin alam kung sa mga susunod na araw, okay pa rin ba. Hindi mo alam yung feeling na dapat mong maramdaman kasi wala ka naman talagang kasalanan, tapos biglang gano'n na lang yung nangyari," says Maria Venus Raj.


Iniiyakan pa rin ni Maria Venus Raj ang naging desisyon ng Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BPCI) na bawiin sa kanya ang koronang Bb. Pilipinas-Universe na napanalunan niya noong March 6 sa Araneta Coliseum. Binawi ang korona ni Venus dahil diumano sa mga "inconsistency" sa mga impormasyon tungkol sa kanyang kapanganakan. (CLICK HERE to read related story.)

Sa birth certificate kasi ni Venus ay nakalagay na ipinanganak siya sa Camarines Sur. Pero sa mga interview niya sa Bb. Pilipinas ay sinabi niyang sa Doha, Qatar siya ipinanganak at Indian national ang kanyang ama.

Ayon kay Venus, hindi naman niya itinago ang mga impormasyong ito sa BPCI. Sana raw ay napansin na ito agad ng mga bumubuo ng pageant noong screening pa lang.

Sa panayam ni Nelson Canlas ng GMA News kay Venus, sinabi nito ang kanyang saloobin tungkol sa pagkakabawi ng kanyang korona.

"I'm okay. Pero alam n'yo yun, hindi mo pa rin alam kung sa mga susunod na araw, okay pa rin ba. Hindi mo alam yung feeling na dapat mong maramdaman kasi wala ka naman talagang kasalanan, tapos biglang gano'n na lang yung nangyari. Parang isang bata ka na binigyan ng candy and then bigla na lang aalisin sa 'yo," saad niya.

Sa kabila nito ay naninindigan si Venus at ipaglalaban daw niya ang kanyang korona. Pero magiging maingat daw siya dahil hindi niya gustong masaktan ang mga taong sangkot sa isyung ito, lalo na ang kanyang ina na apektado na raw sa mga nangyayari.

"We are taking it step by step para at least po yung hindi namin pagsisisihan yung mga gagawin naming steps," sabi niya.

Sa panig naman ng BPCI, hindi raw muna sila ng magbibigay ng pahayag, pero pinaninindigan daw nila ang kanilang desisyong bawiin ang korona ni Venus.

Ang pumalit kay Venus ay ang 2nd Runner-up na si Helen Nicolette Mercado Henson, na siyang magre-represent sa Pilipinas sa 2010 Miss Universe beauty pageant sa August 2010.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN